Prologue

21 2 0
                                    

Marami ang nagsasabi na,


When words are not enough, music speaks.



Siya si Carine Jasmine Montelle NOON. Pero kinikilala na bilang isang CJ Montelle Ngayon. Paano nangyari iyon? Isa lamang siyang simpleng babae noon. Walang katalent-talent, walang kaarte-arte at hindi sikat. Pero ng dahil sa lalaking nagngangalang Lei Christian Espiritu na iniidolo niya noon. Sinikap niyang maging sikat, magka-talent at hindi lang maging basta-basta.


Yes. Naging successful ang plano niya. Elementary palang siya noon, pero ultimate crush niya na talaga si Lei Christian. Grade 3 siya, Grade 5 si Lei. He's a singer. Sikat siya sa school. Maraming kumukuha sa kanya to perform to different events at siya rin ang pambato ng school nila kapag may contest. Dahil sa kagalingan niya sa pagkanta at hindi rin maipagkakaila na may kagwapuhan ito, ay marami na ring nagka-crush sa kanya. Kaya parang napaka-labo na talaga na mapansin niya si Carine.


Until she asked her mom na mag vocal lessons siya. Magaling din naman siyang kumanta, noong pre-school siya pambato rin siya ng school nila. Yun nga lang, ewan kung ano ang nangyari ng mag elementary. Grade 4 si Carine, Grade 6 siya. May program sila sa school and she volunteered to sing. Syempre hindi si Lei mawawala diyan. Nang matapos ang program, akala niya yun na ang pinaka-masayang mangyayari sa buhay niya. Kasi nilapitan siya ni Lei.


Ngunit, nabigo siya. Instead, na maging masaya, yun na yata ang pinaka-kinakasuklaman niyang nangyari sa kanyang buhay. Pinala nga siya ni Lei kaso, nilait naman niya ito sa huli. Although 10 years old palang si Carine noon. Alam niya na nasaktan na sya ng soba-sobra.

"Hoy Carine." Nawala ang ngiti ng batang si Carine nang marinig iyon. Inulit niya pa ang sinabi ng batang si Lei Christian ngunit, isang tawa lang ang narinig niya.


"Ang galing natin ah? Yun nga lang hindi mo pa rin talaga ako mapapantayan.." Parang binagsakan siya noon ng napakaraming malalaking bato. Biglang uminit ang kanyang mga mata at nang tumatakbo na siya palayo sa lalaki, umiiyak na pala siya.


Napakasakit isipin na na'misunderstood ni Lei ang ginawa niya. Para sana iyon na mapansin siya nito, kaso kompitensya ang naging tingin niya doon. Napakasakit talaga. Narinig pa niya na tinawag ang pangalan niya ng lalaki, ngunit hindi man lang niya makuhang lingunin ito dahil sa sakit.



--


Hi guuuys! Sana nagustuhan niyo at sana magustuhan niyo pa. Bigyan niyo sana ng chance ang story kong ito. Lels :)


Konting background lang sa "Winning CJ Montelle's Heart". Ahm, actually parang kwento ng pag-ibig ito ng kapatid ko na pinalalim ko pa XD Yuuun. Hahaha. Enjoy! :)


xxx Cem


Winning CJ Montelle's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon