Huli na ang lahat (One shot story)

97 6 2
                                    

"Wax tumigil ka na nga.." Hindi ko siya pinapansin. Inom lang ako ng inom ng alak. Nakaka dalawang bote na pala ako. "Wax alam mo namang ayaw kitang umiiyak diba?" Hindi ko pa rin siya pinapansin.. "Hoy Jo-ax!" "Hoy" iniyuyugyog niya na ang balikat ko."Wax tumahan ka na nga para kang bading eh. napakaiyakin mo. Tsaka baka tuluyan kang malasing diyan ewan ko sayo hindi kita ihahatid sa bahay niyo patutulugun kita sa labas,pagtatabihin ko kayo ni bantay, sige ka." pagbibiro niya pa. Liningon ko siya "Tumigil ka nga Mik kita mong broken hearted yung tao eh." sabi ko sabay lagok ng baso kung may lamang beer. "Tao ka pala?" Biro ulit niya at ngumisi ngisi. Tinignan ko sya ng masama. Tinitigan niya naman ako. "Wax seryoso ayaw kitang nakikitang ganyan." Binalingan ko nalang siya ng tingin at hindi na umimik. "Teka lang ah" pagpapaalam niya saken. Pagkabalik niya ay may dala na siyang gitara "Kakantahan nalang kita" at sinimulan niya nang mag-strum. What is that sad look in your eyes why are you crying, tell me now tell me why youre feeling this way I hate to see u so down oh baby, is it ur heart ooh that's breaking all in pieces making u cry, making u feel blue is there anything that I can do? Why don't u tell me where it hurts oh baby? And ill do my best to make it better. Yes ill do my best to make those tears all go away just tell me where it hurts now baby and i love u with a heart so tender oh and if u let me stay ill love all of the hurt away. Napangiti naman niya ako kahit papano. Eto lagi ang ginagawa niya sa tuwing tatambay ako sa bahay nila at maglalabas ng hinanakit, lagi niya akong kinakantahan at kung minsan ay pinapayuhan kahit na medyo balahura tong babaeng to. Lagi siyang nandyan siya sa tabi ko. Siya si Mikhaila ang girl bestfriend ko since highschool. close kami niyan,sobra para na nga kaming magkapatid kung mag-asaran at magpikunan pero ni minsan di niya akong ginawang iwan at talikuran.Pagkatapos niya akong kantahan, bumuntong hininga siya at binalingan niya ako ng tingin. "Wax you just have to accept it na wala na kayo ni Jasmine. Mag move on ka nalang. Baka hindi talaga kayo para sa isat isa." "Mik hindi mo ko naiintindihan. Kaya mo lang sinasabi yan dahil hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon ko. Ikaw ba naman tanggihan ng longtime girlfriend mo sa proposal mo sa harap ng madaming tao at makipagbreak pa sayo at the same time. Naiintindihan ko kung hindi pa sya handa sa pagprupropose ko pero ang makipaghiwalay siya saken? t**gina ang sakit.You don't know how much in pain i am." napakahabang sabi ko. palibhasa kasi hindi pa nagkakaboyfriend. Marami namang umaakyat ng ligaw sa kaniya ewan ko lang kung bat panay tanggi pa siya. At oo longtime girlfriend ko si Jasmine. 3 years kami pero parang itinapon lang niya ang relasyon namin sa loob ng tatlong taon. Inayawan na nga niya ako sa pagyayang magpakasal sa kanya tapos hiniwalayan niya pa ako. Naalala ko pa yung huling salitang binitawan niya kanina "I'm sorry Wax pero.. hindi na kasi kita mahal." Bullsh** ano yun? pagkagising niya wala na siyang nararamdaman para saken? Nakakap*t*ngi** sa sobrang sakit. Kaya eto ako ngayon nilulunod ang sarili ko sa alak habang pinapakinggan ni Mik. Maya't maya pa ay nagsalita ulit siya. "Oh so ano ngayong balak mo? Mag-iinom ka nalang lagi,magpapakalasing, gagawin mong miserable ang buhay mo para sa isang taong wala namang pakialam sayo. Anong gusto mong mangyari? Magngangangawa ka nalang sa iyak at kaawaan yang sarili mo tapos hihintayin mo siyang balikan ka? Wax look ,everything happens for a reason, u deserve someone better than her. Someone who can love u more than most." Sa aminin ko man o sa hindi tama siya I deserve someone better than Jasmine. Baka nga hindi kami para sa isa't isa pero hindi naman ganun kadaling mawala ang sakit na nararamdaman ko eh. Hindi yun ganun kadaling tanggapin. "Tsaka pano mo makikita yung tunay na magpapasaya sayo kung lagi mong iniiyakan yung maling tao?" Hinawakan niya ang balikat ko, "Masakit lang yan sa umpisa pero makikita mo unti unti ka ring makakarecover." Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga magaling siyang magpayo. kahit kailan,she never failed to motivate me. "Thanks Mik youre the best" Araw araw, lagi kaming magkasama ni Mik. Pumupunta kaming park, namamasyal minsan sa mall, naglalaro sa arcade, sinasamahan ko din siyang magshopping o kaya mag grocery sabi niya daw parte ng oplan moving on pano daw ako makakapagmove on kung magmumukmok lang ako sa bahay at iniisip ang mga nangyari eh walanghiya siya ginagawa niya nga lang akong tagabitbit ng mga pinamili niya dinadahilan niya pa sitwasyon ko. tsk tsk. Pero mabuti na rin to atleast kahit papano,nakakalimutan ko din paunti unti ang pinagdadaanan ko. Masayang kasama si Mik walang oras na hindi niya ako napapatawa sa sobrang kalog at balahura niya. Buti nga napagtitiisan ko pa tong takas mental na kaibigan ko since highschool eh. Kasalukuyan kaming nasa restaurant at hinihintay yung order namin ng biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko si Jasmine nagtext "at the park. Wax let's talk." yun ang nakalagay sa message. Hindi ko alam pero otomatiko akong napatayo at napangiti parang nagkaroon ulit ako ng pag-asa. Aalis na sana ako sa kinauupuan ko ng tawagin ako ni Mik "Oh san ka pupunta?" "Mik si Jasmine nagtext gusto niya kaming magkausap. Kailangan ko siyang puntahan ngayon" abot tengang nakangiting sabi ko sa kanya. "Wax akala ko ba magmomove on ka na? Akala ko ba iiwasan mo muna siya. Nang dahil lang sa isang text niya bibigay ka na agad? Baka masaktan ka na naman niyan." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at ngumiti ng tila kampante "Mik no. it's time para pakinggan ko siya. siguro nabigla lang siya sa mga nasabi niya noon? Siguro magpapaliwanag na siya ngayon." Lumabas na ako sa restaurant para mag-abang ng taxi pero nakita kong sinusundan ako ni Mik. "Wax stop it di ka pa ba nadala? Ano pa bang gusto marinig sa kaniya?!" Tumigil ako saglit sa paglalakad at tinignan siya. "Mik pwede ba wag ka nalang mangialam? Buhay ko naman to eh!" halos nagagalit na ako sa pangungulit niya. Nang nakapagpara na ako ng taxi ay agad akong sumakay at iniwan siya sa may kalsada. Ano bang ikinigagalit ni Mik na makipagkita ako kay Jasmine? Ayaw niya bang pakinggan ko siya? Ayaw niya bang magkaroon kami ng pangalawang pagkakataon? Ayaw niya ba ulit akong makitang masaya? Hindi bat yun nman ang gusto niya? Nang nakarating ako sa meeting place ay nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga benches kaya linapitan ko agad sya. "Wax.." nasambit niya. "Jas i know pinapunta mo ko dito kasi magpapaliwanag ka sa nangyari.." at hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya."Naiintindihan ko. Nabigla ka lang talaga.. siyempre kasi di mo inaasahan na yun pala yung surpresa ko sayo pero ayos lang. Pwede nating kalimutan yun at magsimula ulit diba? Alam kong-" natigil ako sa pagsasalita nang inilayo niya sakin ang kamay niyang hinahawakan ko. "Wax kasi..ano.. hindi kita pinapunta dito para ma-makipagbalikan.. i just want to say sorry sa lahat. gusto ko lang humingi ng tawad. sorry kasi napahiya ka dahil tinanggihan ko yung proposal mo sa harap ng maraming tao.. sorry kung nasaktan kita." Hindi. Hindi totoo to. Hindi totoo ang narinig ko. Pinapunta niya ako dito para makipagbalikan at maayos ang lahat diba? Tama.. yun yun. "A-ano?Bat mo ba to ginagawa? Ba't mo ba yan sinasabi? Mahal mo po ako diba?" Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. "Wax sorry.. pero may mahal nakong iba." Naikuyom ko ang kamay ko. Nagsitulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Pucha Jasmine! Ano bang nangyari at nagkaganito tayo? Wala lang naman akong ginawa kundi ang mahalin ka ng sobra!San ba ako nagkulang?! ha?! Ta***na " Tsaka nako naglakad papalayo. Lagi nalang akong umiiyak. Lagi nalang akong nasasaktan. Tama si Mik sana pala di nalang ako pumunta. "Wax!" Napahinto ako saglit sa paglalakad ng narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Kilala ko ang boses na yun. Pero hindi na ako lumingon pa. Ayoko muna siyang makita. Ayokong makita ni Mik na umiiyak na naman ako. Ayaw kong kaawaan niya lang ako. "Wax sandali!" Mas lalo kong binilisan ang paglalakad para di niya ako maabutan. Maya't maya'y bumuhos ang malakas na ulan. Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo mga luha ko. Mas lalong naglabo ang paningin ko. Tatawid na sana ako ng kalsada nang.. "Jo-ax!" .... Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Andito ako ngayon... kasama ang ilang taong nagluluksa sa pagkawala ng pinaka espesyal na tao sa buhay ko. Mik bakit mo ko iniwan? Akala ko ba kahit kailan di mo ako tatalikuran? Mik nasaan ka na ngayon? Kung sinunod ko lang yung sinabi mong hindi ko na puntahan si Jasmine andito ka pa rin naman ngayon diba? Hindi naman mangyayari sayo dapat to kung pinakinggan lang kita. Ako dapat ang namatay kung di mo ko niligtas. Yung araw na yun ang pinaka hindi ko malilimutang araw na nangyari sa buhay ko. Yung araw na sinagip mo ako sa humaharurot na bus. Yung araw na sinugod ka sa ospital at nag-aagaw buhay ka habang dinadala ka sa emergency room at hawak hawak ko ng mahigpit ang mga kamay mo habang nagsisibagsakan ang luha sa mga mata ko pero nagawa mo pa ring magsalita. "Wax. A-ayokong nakikita kang ganyan.. para ka nang bading.." nakuha mo pang magbiro." dont cry Wax. You deserve to be hap-py.. Tatandaan m-mo mahal na mahal na mahal kita Jo-ax matagal na..higit p-pa sa kaibigan." At yun yung kahuli hulihang binitiwan mong salita. Hindi mo ba alam kung gaano nadurog ang puso ko sa sinabi mo? Mik ang sakit sakit. Nakakalungkot lang dahil kinailangan ko pang malaman ang totoong nararamdaman mo para saken kung kailan wala ka na. Natatandaan ko pa nung sinabi mo sa aken noon "Paano mo makikita ang tunay na nagpapasaya sayo kung lagi mong iniiyakan ang maling tao." Tama ka. Ngayon ko lang napagtantong nagbulagbulagan ako sa napakaraming taong magkasama tayo Bakit ba napakamanhid ko?Ikaw lang naman at wala ng iba ang nagpapasaya sakin eh. Ikaw ang nagpapatahan sakin tuwing umiiyak ako, ikaw ang nagsilbing unan at panyo ko kapag nasasaktan ako ng husto ikaw ang tumutulak sakin kapag sa tingin ko hindi ko na talaga kaya. Ni minsan di mo ako kinalimutan,ni minsan di ka nagalit sakin kahit malimit na akong naiirita sa sobrang kakulitan mo, lagi kang andiyan sa tabi ko, ni minsan di mo pinaramdam saking pabigat lang ako sayo,ni minsan hindi mo ako iniwan, pero..di ko inakalang kamatayan lang pala ang makakapaghiwalay satin. Miss na miss na kita. Wala nang mangungulit saken, wala nang tutukso saken ng bading at iyakin. wala nang kakanta saken kapag depress ako.wala nang sasama sakin sa arcade at mamasyal sa park. Please Mik bumalik ka na kahit ilang paperbags pa ang ipabitbit mo saken okay lang promise di na ako magrereklamo. Mik sorry dahil nagbulagbulagan ako. Mik mahal na mahal na mahal din kita higit pa sa kaibigan. Kung may kaya lang akong gawin para maibalik ka sana ginawa ko na. Pero wala na. Huli na ang lahat. Mik patawad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huli na ang lahat (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon