Jade Madelyn
"Babae!, nasaan ka na naman?! Napakadami ng kostumer dito!" sigaw ng amo ko, nagtatrabaho ako sa isang kainan ng mga karaniwang tao. Bakit ko sinabi na karaniwang tao? Kasi ayun ang tinatawag sa mga taong walang titulo sa buhay o sa madaling salita sa mahihirap na katulad ko.
"Jade! Saan ka ba nagsusuot na babae ka?! galit na saad ng amo ko...
Boom!!!
Nagkagulo ang lahat ng tao sa kainan. Dahil sa malalakas na pagsabog nag-takbuhan ang lahat ng tao na nakain kasabay ng pagdating ng mga kawal ng Wendham.
"Hoy mga bayad nyo!" sigaw ng amo ko sa mga kostomer na tumakbo. "Jade habulin mo ang mga customer na hindi pa nagbabayad, bilisan mo!" sigaw n'ya sa akin.
"Huh?! Madam marami ng nagkakagulo na tao at may mga kawal na nakikipaglaban tapos gusto n'yo pa na habulin ko yung mga kostomer n'yo!" sigaw ko sa kaniya pabalik. Dahil napakaingay na ng kapaligiran
"Aba! Sumasagot ka na ngayon na babae ka. Gusto mo ba na hindi kita pa sweldohin ngayong buwan na ito?!"
At dahil nga mabait ako at takot mawalan ng sweldo sinunod ko ang sinabi ng aking amo. Bakit ba kasi napakagulo sa mundong ito? Kakatapos pa lang ng isang giyera may giyera na naman, kahit noong pinanganak ako sa mundong ito ay nag-gigiyera rin sila, hindi ba sila napapagod?
"Binibini, bakit ka pa narito? Nagkakagulo na ang lahat. Kailangan mo ng lumikas" saad sa akin ng isang Kabalyero
"Alam ko ginoong Kabalyero ngunit kailangan kong puntahan ang mga kostumer na tumakbo paalis sa kainan ng aking amo. Dahil hindi pa sila nakakapagbayad kaya mauuna na po ako Ginoong Kabalyero" saad ko sa kalbayerong nasa unahan ko
"Mas mahalaga pa ba sa'yo ang pera kaysa sa iyong sariling buhay? Paumanhin Binibini, ngunit kailangan mo ng umalis dito" tinangka akong kunin ng kabalyero para isakay sa kanjyang kabayo. Ngunit tinulak ko siya kaya nakaalis ako sa kanyang pagkakahawak. Kairita naman kase sabi kong may gagawin pa ko tapos namimilit
"Pasensya na Ginoong Kabalyero, ngunit magkasing-halaga lamang ang pera at ang aking buhay. Dahil pag-natanggal ako sa aking trabaho wala na akong salapi pambili ng aking mga pangalangailangan kaya mamatay din ako" , naiirita kong sagot sa Kabalyero
"Pero Binibini...."
"Hep³, walang pero pero mauuna na ako. Dahil kahit anong piliin ko sa dalawa, may posibilidad na mamatay ako.", pagkatapos ko sabihin iyon sa Kabalyero ay kumaripas ako ng takbo. Dahil kailangan ko pa habulin mga kostumer para pag-bayadin sila. Kaines, ang gulo na nga ng buhay ko, makikisabay pa ang lugar na ito. Ba't ba kasi ang daming kaaway ng bansang to?! Pati kami na walang ginagawa nadadamay ehh!
Habang tumatakbo ako ay nakarinig ako ng limang sunod-sunod na pag-sabog at ang ika-anim na pagsabog ay naganap sa aking harapan
Teka mamatay na naman ba ako ulit?! Diyos ko, kung mamatay na ako ngayon isa lang ang pakiusap ko, ayaw ko nang ipanganak ulit at mabuhay sa lungkot...
Flasback~
"Ma, pwede ba sa inyo na muna ako makituloy, wala na kasi talaga akong matutuluyan ehh", pagmamakaawa ko kay Mama para patuluyin n'ya ako sa kanyang pamamahay
"Doon ka na muna makituloy sa Papa mo. Alam mo naman na ayaw ng asawa ko na kung sino-sino ang pinapasok ko sa bahay namin, diba?" saad niya habang pilit na isinasara ang pinto
"Mama naman ehh" saad ko kay mama habang pinipilit pigilan ang pagbuhos ng aking mga luha
"Hindi naman ako kung sino-sino tao lang. Anak mo ako, ma. Anak mo'ko." hindi ko na napigilan na tumulo ang luha ko.
"Parehas lang kayo ni Papa, kinalimutan n'yo ako. Pagkatapos n'yong magkaroon ng sariling pamilya. Alam ko naman kung saan ako dapat lumugar, Ma. Kaya nga nakitira ako sa bahay nila Lolo at Lola, para maging masaya kayo ni Papa sa bago n'yong pamilya . Sinakripisyo ko kasiyahan ko para sa inyo ni Papa" saad ko habang patuloy na dumadaloy ang aking luha mula sa aking mga mata
"Mama, alam n'yo naman ni Papa na wala na sila Lolo at Lola kaya ako lumapit sa inyo tapos ganito n'yo ako tatratuhin na para bang isa lang akong malaking pagkakamali sa inyong dalawa ni Papa" saad ko habang humahagulgol. Dahil sa sobrang sakit na ng aking nararamdaman
"Oo, tama ka." madiing saad niya habang unti-unting namumuo ang luha sa kaniyang mata
"Isa kang malaking pagkakamali na nagawa ko at ng Papa mo. Alam mo ba kung ilang beses kong sinabi sa sarili ko na sana hindi na lang kita pinanganak?" ramdam ko ang kaniyang galit sa bawat salitang binitawan niya
"Ako rin mama..." mahina kong saad
"Huh? Ano anak? Pasensya na, hindi ko sinasadya a..anak", sinubukan n'ya akong hawakan ngunit umiwas ako
"M...ma di ko rin naman ginustong mabuhay ehh, k..kasalan ko ba na nabuhay ako? Kung pwede lang mamili ako ng magulang, hindi ko kayo pipiliin ni Papa kasi ayaw kong maging pabigat sa inyo." may madiin kong saad
"Anak pasensya na h..hindi ko sinasadya. Please, anak pakinggan mo naman ako" pilit niyang inaabot ang aking kamay para halikan ito. Ngunit patuloy akong naiwas.
Ayoko na. I will never beg for someones love and attention again. This is the last time that they will see me, sasabihin ko na ang lahat, kasi sobrang sakit na.
"Ma sinadya mo, sinadya n'yo ni Papa na iwan ako. Sinadya n'yo na huwag akong puntahan sa bahay nila Lolo at Lola. Sinadya n'yo ma. Sinadya nyo ni papa!"
Hindi ko na kayang marinig ang mga salitang sasabihin ni Mama. Tumakbo ako palayo sa kaniya, habang pinupunasan ang luha na dumadaloy sa aking pisnge.
Ngunit sa aking pag-takbo may nasalubong akong nakakasilaw na liwanag. Ang liwanag na ito ay patuloy na lumalapit sa akin, hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan.
Tila bang kinain ng lupa ang aking paa. Ang liwanag na ito ay parang tinatawag ako.
"Lolo? Lola? isama n'yo na'ko, please..."
"JADE MADILYN! ANAK! ang mga huling salita na narinig ko bago pa akong tuluyan mabangga ng kotse....
[EDITED]
YOU ARE READING
Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess Family
FantasyTagLish Currently in Hiatus [Photo is not mine. Credit to the rightful owner]