Strangers

1 0 0
                                    

Just graduated from highschool and I started to look for a College/Universities. Una kong nakita ang UE (University of the East), I took the examination, I passed. So, akala ko doon na ako mag-aaral. But my parents refused, delikado daw, madalas daw may mag-rally. Sanay na naman ako sa ganoong perspective nila as parents. Gusto nila akong pumasok sa AdU (Adamson University) kasi one ride lang from home. So GO naman ako. Sila naman ang magpapa-aral sakin eh.. School year started, medyo excited pa ako dahil noong highschool ako, one block away from our house lang ang school ko. Walking distance lang.. Eh ngayon I can go to the mall after ng pasok, makakagala, lahat ng pwedeng gawin ng isang teenager.

First day. Pagpasok ko sa isang room, I saw a group of boys sa kabilang side ng room. Mga makukulit at maiingay. So i sat on the first row near to the door, just in case gusto kong lumabas ng room hindi ko na kailangan pang maglakad ng malayo sa papunta sa pintuan. Then, may pumasok na cute na butch and she sat beside me. Walang pansinan, gwapo syang tomboy I can say pero parang suplada. So, tahimik lang kami sa klase bukod sa mga lalaking nagkukulitan sa other side ng room. Tas may pumasok na isang guy, classmate ko noong highschool!! (Si Nat! Hay salamat! May kakilala ako!) So tumabi sya sakin, nag-usap kami, kwentuhan..

Lumipas ang araw, may mga nakakausap na rin ako sa block namin. Yung butch na nakatabi ko na si MJ, yung pinakamaganda sa klase si Joana, isa pang maganda si Ish, boyish si Jace at pinakamatangkad sa girls si Naj. Kami-kami ang magkakasama pag lunch breaks at pag walang mga prof na pumapasok. Yung boys na makukulit naging kaibigan na rin namin. But there's this one boy na hindi ko trip.. Lagi nya kasi akong inaasar na MUMU o kaya naman AWOOOOOO!!.. Black long hair kasi ako noon, one-sided bangs at may pagka-emo na medyo rakista ang porma ko. Noong una, I'm just letting him tease me. Wala akong pakialam sakanya. Pero by the time na asarin nya ko, kinakantyawan kami ng mga classmates namin. Na at first nakakairita dahil hindi ko naman sya gusto and i don't really care about him. (Suplada-type hehehe)

May klase kami every Sunday, NSTP. Yung iba naming kaklase ROTC ang kinuha. So stranger pa rin ang tingin ko sa mga classmates ko. Wala akong kinakausap. Tahimik lang ako. Pero merong isang lalaki na sobrang kulit at maingay! Ahhhhh.... Blockmate ko! Classmate ko parin sila, iyong maiingay at makukulit na to! Hay nako! Sa sobrang ingay at kulit ng lalaking yon, madali syang napansin ng prof namin na bading.. Nag-grouping. So sya ang inassign na leader ng Group 1, ang dami namin sa room aabot ata ng mga 50 students. So counting na para sa groupings. Nakita ko na Group 1 yung magandang babae na ka-block ko. Pagdating sakin Group 1din ako.. Di ko narealise na leader nga pala namin yung maingay na lalaking yun! Sabi ng prof namin sulat daw ang name at contact numbers namin sa index card at leader ang maghahawak. Sulat naman kami..

Nag-uwian na, umuwi ako deretso ng bahay dahil kinabukasan maaga pa ako papasok ng 6am! Kinagabihan, may nagtext sa akin. Suncell ang number, hindi nakasave ang number nya. "AwuUUuUUuuuuu!!!" Nakalagay sa text. I replied, "Sino to?". The stranger replied, "Si Knyll to, yung classmate mo." I replied again, "Sino? Sorry wala pa akong ganong kilala sa room eh..." Tas nagreply sya, "Si Knyll.. Sigr maya nalang ha magbabasketball lang ako. May liga kasi dito samin.." Ang reply ko lang, "Ah ok."Di naman kasi ako mahilig sa basketball kaya wala akong pakialam hahaha! (Parang nasoplak sya sakin hehehe..)

To be continued..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Only Reminds Me of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon