The Proposal

37 2 2
                                    

''Kuya Bryan... '',- Alexander

''What??? '',

''Can I ask you a favor?'',

''It depends on your favor. What is it??? '',Bryan asked his younger  brother.

''I know you loved Cynthia. And i know you still do... '',

''As a friend... ''

''I know. '',

''so what is it? What do you want???'',
Alexander smiled and said...

''I want you to propose... '',

''Propose??? To Cynthia??? '',

''Yes. '',Alexander answered straightly.

''Seriously?Are you out of your mind?! '',

'' I'm dead serious! Please...para sa'kin kuya. Magpropose ka sa kaniya...'',

''Oh c'mon,Alexander!Matapos kong magsakripisyo ng nararamdaman ko kay Cynthia para sa'yo at sa ikaliligaya ninyong dalawa. Naka move on na ko sa kaniya ngayon. At may girlfriend ako!  bakit mo naman naisipang mag propose ako sa kaniya??! '',

''Kuya please... Let me explain.... '',

''No! Hindi ko gagawin ang sinasabi mo! '',

"Kuya! Sandali! ",...

**********
Ilang buwan na ang nakalipas mula nung nagbreak kami ng boyfriend ko.
Siya ang nakipaghiwalay sa akin. Ang sabi niya kailangan niya daw ng space and time...

Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganoon ang relasyon namin.

Noong mga araw din bago siya makipaghiwalay sa akin, napapadalas ang pagkakaroon namin ng misunderstandings... Palagi kaming nag-aaway kahit sa mga maliliit na bagay.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na nakipaghiwalay na siya sa akin,... Sa araw pa mismo ng 3rd year anniversary namin.

Nakipagkita siya sa akin noon sa isang park. Tuwing magkikita kami noon,palagi ko siyang binibigyan ng hug at tsaka kiss sa pisngi niya...

Pero nung lumapit ako sa kaniya,kaagad siyang umiwas.
Nasaktan ako sa ginawa niya and at the same time, napahiya ako. Binigyan niya ako ng cold treatment...hanggang sa dumating na ang kinatatakutan kong mangyari noong araw na iyon...

"Ano bang problema mo,Alex?"

"Cynthia, ayoko na! Tigilan na natin 'to! Sawang-sawa na ko! Palagi na lang,paulit-ulit na lang tayong nagbabangayan! Palagi na lang  nag-aaway! Siguro kailangan na talaga nating tapusin ito.Maghiwalay na tayo. ",

"Alex,... Teka lang! Pag-usapan natin 'to! ",sinubukan kong pigilan siya sa paglakad niya palayo sa akin. Pero hindi ko siya napigilan. Iniwan niya ako doon sa park nang mag-isa,tulala sa kawalan habang humahagulgol at paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan niya, na huwag niya kong iwan at bumalik siya... Pero hindi...

Damang dama ko pa din ang sakit hanggang ngayon... Kahit pa na may rebound ako, ang kapatid niya,si  Bryan.

Paano ba nga naman ako makakamove on kay Alexander kung kapatid niya ang kasama ko mula noong naghiwalay kami?
Ayoko sanang gawin ito kay Bryan, ang maging rebound ko siya kaso siya mismo ang nagpumilit nito kaya't hinayaan ko na lang. Kahit papaano ay nakakatulong siya para mabawasan ang nararamdaman ko para sa kapatid niya.

Ang pinakamasakit pa nga pala na part ng break up namin... Doon pa sa lugar kung saan kami unang beses na nagcelebrate ng 1st year anniversary namin...

May perya doon dati at dinala niya ako dito. Sumakay kami ng iba't ibang rides hanggang sa inabot kami nang alas dose.Ang pinakahuling sinakyan namin noon araw na iyon ay ang ferris wheel. Iyon ang pinaka ayokong sakyan pero pinilit niya ako.

The ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon