Friday, 3:17 pm
SchoolPalabas na sana ng school si Natalie ng biglang may huminto na kotse sa harapan niya at kinuha siya.
Maraming tao ang nakakita at agad nagsumbong sa school office. Nasaan ba si Jonathan? Bakit hindi niya kasama si Natalie?
"Saan nyo ako dadalhin?! Sino kayo?!" Nasa gitna si Natalie ng magkabilaang lalaking naka-maskara. Hawak-hawak nila si Natalie para masiguradong hindi lalaban.
"Hoy, manahimik ka dyan!" Sigaw naman ng driver. "Ang ingay ingay mo!"
"Ano ba naging kasalanan ko sainyo, sir?" Tanong ni Natalie, "Isa lang naman akong estudyante eh!"
"Shut the fuck up!" Sabi pa ng driver.
"I'll just shut the fuck up if you let me go."
Naiirita na ang driver, "Takpan nyo nga bibig niyan!" Utos nito.
Nilagyan siya ng blind fold pati na rin tinakpan ang bibig nito. Ang mga kamay naman ang tinali na rin para sigurado.
Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na sila. Sa lugar na kung saan ay walang tao at puro ang mga nasirang buildings.
Bumaba silang lahat at inibaba na din si Natalie.
"Paupuin nyo na muna yan." Sabi ng driver at sinunod nila.
Napapaluha na si Natalie. "Alisin nyo na yung nasa mukha niya." Dagdag pa nito.
Inalisan na ng blind fold si Natalie at ang panyo na nasa bibig niya. Patingin-tingin siya sa paligid. Nasaan ako? Lord, tulungan nyo po ako. Tumulo ang mga luha ni Natalie.
Nakita niya ang driver na kinuha ang phone sa bulsa nito.
"Hello?" Sagot ni Clarence sa kabilang linya.
"Clarence!" Tuwang sabi naman ng driver. "It's been a long time."
"Ahuh, who is this?"
"Wilmer."
I knew he'll come back for me. Kinukutuban na siya. "What do you want?" Tanong niya.
"Alam mo namang hindi pa ko tapos sayo, diba?"
"Just tell me. Money? Just leave me alone."
"If you are brave enough to face me then do it."
"Or what?"
"Your girlfriend is with me."
"Who, Sasha?" Tanong ni Clarence, "we broke up already."
Nagtaka si Wilmer, "Eh sino tong kinuha namin?" Tanong ni Wilmer.
"I don't know." Natawa bigla si Clarence. "Kikidnapin mo na nga lang girlfriend ko, maling tao pa."
Opps.
"I don't care. Nasayo pa din nakasalalay ang buhay niya." Sabi ni Wilmer.
"Sino ba yan?"
"Natalie."
Nasimangot bigla si Clarence ng marinig niya ang pangalan nito. Bakit nasakanya si Natalie? Bakit siya ang ginamit ni Wilmer?
"Bakit nyo siya hawak?" Galit na si Clarence.
"Oh well. Importanteng tao rin naman pala itong taong to." Napabuntong-hininga siya, "when you're ready come and get her, na na na na." Kinantahan niya si Clarence.
"That girl is mine. You hear me?"
"Alright then. How about just one kiss?"
"Akin lang ang babaeng yan. Don't you dare touch her or it'll be the end of you." End call.
Lumapit si Wilmer kay Natalie na nakaupo, habang nakatali ang mga kamay nito, sa wakas ay inalis ang maskara sa mukha. "Akala ko naman boyfriend mo si Clarence." Sabi niya ng tinignan niya si Natalie from head to.....
"Hindi po malaman ang boobs ko." Paalala niya sakanya.
Ngumiti nalang si Wilmer at sinabihan ang mga kasamahan niya, "Ihanda nyo na ang sarili nyo, dahil ilang sandali nalang ay darating na si Rence."
***
Hinahanap ni Jonathan si Natalie sa kung saan-saan sa school pero hindi niya mahanap. Nagtanong siya sa isang estudyante na kaklase nila, "Kate, nakita mo ba kung nasaan si Natalie?"
"Hindi mo ba nabalitaan? May kumuha daw sakanya eh, kaya maraming mga kotse ang nag-aabang sa gate para sunduin ang mga students. Sarado na ang school office at papunta na ang mga staffs sa police station para ireport." Explain nito.
"What?"
***
Nagmadali si Clarence sa pagtatakbo ng kotse para puntahan ang address na sinend ni Wilmer.
Dumating na siya ng makita niya si Natalie, bantay ng dalawang lalaki.
"Nandito na." Sabi ni Wilmer.