Ang Lihim

12 1 1
                                    

Sa bawat segundong lumilipas
Kamay ng tadhana ay humahampas
Isang problemang di ko malutas
Kung kailan at paano ilalabas

Sa tuwinang sasabak ang yong salita
Iba ang nililimbag ng yaring mga mata
Iba ang na sisilayang mithiin
Tila ba may nililingid ka sa akin

Simula pa lang kita ko na
Ang tinatago mong pahina
Gunita ko pa nung dila'y nadulas
Marahuyo mong pumapagaspas

Hindi ko mailathala ng maayos ito
Diko nais iwan kang nag durugo
Ako ay bilanggo ng aking sentro
Hindi ko maipapangako ang inaasam mo

Kaya't tahan na at ika'y gumayak
Malayo pa ang iyong matatahak
Magkikita pa tayong dalawa
Sa dulo ng iyong kabanata

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Talinghaga ni MalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon