"He was busy chasing out your nightmare, but then he lost his only dream that is you." LB 💘
"Zaen, I'm fine really wag ka na mag alala." Ulit ni Emily
Nandito kami ngayon sa ospital, para bisitahin siya. Kasama ko sina Elsie at Diane.
"Hindi mo ba nakita yung nakasagasa sayo?" Tanong ni Elsie, umiling naman si Emily
"Masyadong mabilis ang pangyayari eh" natahimik kami saglit.
"Zaen, puede ba akong humingi pabor?" Putol ni Emily sa sandaling katahimikan
"Oo naman, ano ba yon?"
"Puede bang ikaw ang pumalit sa akin as partner ni Drake" agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
"Ba-bakit ako? I mean hindi ba puedeng wala siyang partner? Look I'm sure he would understand naman diba, at isa pa"
"Please, do this for me. Hindi ko kasi matitiis na iwan si Drake doon ng mag isa. Please could you represent me please" pagmamakaawa niya, napa buntong hininga naman ako."Alright, I'll do it kailan ba ang presentation niyo?"
"Tomorrow 5 pm, I think you still have time to practice with Drake. I'll call him if you want" suhestyon niya
"No, it's okay. Magpahinga ka na ako na ang magsasabi sa kanya."ngumiti naman siya sa akin.
"Thank you Zaen, I owe you this"ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam na rin.
"Are you really okay with it?" Tanong ni Diane
"Oo nga, okay lang ba sayo talaga?" Si Elsie naman
"Parang tinagalog mo lang ang sinabi ko" angal ni Diane di naman siya pinansin ni Elsie na ikinagulat ko
"Gusto mo samahan ka namin?" Muling tanong niya, ngumiti lang ako at umiling.
"I'm good Elsie, hindi na kailangan. Ayoko namang makaabala sa inyo."
"Sure ka ah, sige kung yan ang gusto mo. Tawag ka lang pag may problema." Tumango lang ako. Naglakad na kami papunta sa kotse.
"Ang weird mo ngayon Elsie" kumento ni Diane
"Matagal na akong weird ngayon mo lang napansin?" Nag umpisa na ulit silang magbangayan.
Tinext ko lang si Drake na magkita kami sa Studio para sa practice.
..."Fierra" agad naman akong napalingon
Pinagmasdan ko lang siya na palapit na sa akin. May naglalarong pamilyar na ngiti sa mga labi niya
"Kanina ka pa?" Agad naman akong napatikhim at nag iwas ng tingin
"Medyo lang" sagot ko
"Para saan pala ang practice?" Agad naman akong napatingin sa kanya.
"Para sa presentation bukas ng 5pm" sagot ko
"Pero nasa ospital ngayon si Christine"
"I know, kaya nga may practice ngayon" takha naman niya akong pinagmasdan, muli akong napatikhim.
"Humingi kasi siya ng pabor sa akin na magrepresent sa kanya"
"I-ikaw ang magiging partner ko?" Gulat na tanong niya
Agad ko siyang tinalikuran at napabuntong hininga.
"Oo may problema ba doon?" Sagot ko lang.
"Akala ko ba ayaw mo na akong makita" saad niya.
"Puede ka namang umuwi kung gusto mo" kahit nakatalikod ay alam kong lumapit siya."Kung ayaw mo na akong makita, bakit pumayag ka sa pabor ni Christine?"
Hinarap ko naman siya, at medyo nagulat nang mapansin na sobrang lapit niya pala, kaya medyo umatras ako ng konti.
"Wag kang mag alala hindi naman nabago ang isip ko tungkol dyan. Gusto ko lang tuparin ang pangako ko kay Emily. Labas ang pangalan mo sa usapan namin." Matigas na sabi ko."Mag umpisa na tayo" saad ko at ipinlay na ang music. Kabisado ko naman na yung step nila kailangan lang talaga magpractice para hindi kami magkabiglaan bukas.
YOU ARE READING
The Sweet Girl No More
RomanceShe likes him, but he does like someone She came to know it, he did tell it She was broken, he was enjoying the feeling of liking someone She had sworn to never fall to the same person, while he had his mind running thinking to someone he likes She...