Please

1.9K 69 0
                                    

Pinipilit kong makatayo, pero hindi ko magawa, bawat tayo ko napapaupo lang ulit ako. Nanginginig pa buong katawan ko, parang linalamig ako, napayakap ako sa sarili ko. Gustong gusto ko ng umuwi, gustong gusto ko na ulit makita sila mom at dad, ayoko na dito! Gusto ko ng bumalik kay Joshua! Pinunasan ko ang mga luha kong hindi matapos tapos ang pagbuhos galing sa mga mata ko.

Gusto ko siyang sampalin ngayon, perp hindi ko magawa, ang hina hina ko. Napahiga na ako sa sahig, parang ang bigat bigat din ng ulo ko. Parang nahihilo ako...

"Joshua..." Tapos naipikit ko ang mga mata ko, pagod na pagod ako. Ilang oras ang lumipas, ganun pa din ang posisyon ko, hindi ako magalaw, mabigat ang katawan ko at nakakatmad kumilos. Naramdaman kong biglang bumukas yung pinto. Nakapikit pa rin ang mga mata ko, hindi ko magawang ibukas. Nahihilo ako

"Deze?!" Rinig kong pagsigaw niya sa pangalan ko, nakaramdam ako ng takot, baka saktan niya ulit ako, baka hindi pa siya nakokontento. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at naramdaman ko ang isang kamay niya sa likod ko, at naramdaman ko ang isa pa niyang kamay sa pisngi ko

"Deze...Gising..." Rinig kong sabi niya ang lamig lamig pa rin ang tono ng boses niya.

"Gising...Deze!" Umuling ako

"Malamig...." Sabi ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko, naramdaman ko ang likod ng palad niya sa noo ko.

"Ang init init mo.." Rinig kong sabi niya at naramdaman kong lumambot ang tono ng boses niya, bigla niya akong ibinuhat. Yung parang sa mga kasal, yung pagbuhat niya sakin noon tuwing nadadapa ako. Ipinahiga niya ako ng maayos sa kama at kinumutan niya ako.

"Babalik agad ako, teka lang..." Rinig kong sabi niya at naramdaman kong wala na ulit siya sa tabi ko.ang iniisip ko ngayon ay ang makatakas, sa tabi niya. Pagod na akong matakot! Ayoko na dito! At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Maayos na siya ngayon iho, wag kang mag-aalala. Sa ngayon, kailangan niya lang ng pahinga, at yung mga gamot na ibinigay ko wag mong kalimutang ipainom sa kanya..." Nagising ako sa boses na iyun, napatingin ako sa paligid, nasa kwarto pa rin ako, napatingin ako sa may pintuan, may dalawang lalaking nag-uusap, at yung isang lalaki ay si Arwin.

"Sige, aalis na ako iho..." Sabi nung isang lalaking medyo may tanda na at umalis na ito, sinarhan ni Val yung pintuan.

"Gising ka na pala..." Rinig kong sabi miya, dahan dahan akong napaupo sa kama

"Arwin! Kung gusto mong gumanti, nakaganti ka na... Please naman, pakawalan mo na ako! Paalisin mo na ako dito!" Sigaw ko sa kanya at umiiyak na naman ulit ako, dahan dahan akong tumayo sa kama at lumapit sa kanya, napahawak ako sa magkabila niyang braso

"Ayoko na dito! Pakawalan mo na ako! " sigaw ko sa kanya

"Nanghihina ka pa, matulog ka lang muna..." Malamig niyang sabi

"Gusto ko ng umuwi!" Sigaw ko

"Bumalik ka na sa kama at magpahinga..." Malamig niyang sabi, bat ayaw niya akong pakinggan?!

"Bumalik ka na..." Utos niya sakin

"Arwin please..." Bulong ko

"Pasensya na, pero hindi ko magagawa yang mga sinasabi mo..." Sabi niya at hinablot ang magkabilang braso niya sa pagkahawak ko at lumabas na siya ng kwarto. Napaupo ako sa gilid ng kama. At maynaalala ako bigla, at ngayon ko lang naalala na magkapatid pala sila ni Joshua.

***

"Pangako mo sakin ah? Na hinding hindi mo ako iiwan, kagaya ni mama..." Sabi sakin ni Arwin, magkahawak kami ng kamay ngayon, at napapangigti ako dahil sa nagawa ko na ang dare ulit sakin ng mga kaibigan ko. Napasagot ko siya ngayon naman ay dapat hiwalayan ko siya. Nakahiga kami ngayon sa may damuham dito sa park at nakatingin sa langit.

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon