"Oh, anong ganap? Ba't ganyan chura mo?"
"Tsk. Wala to"
"Wuteber, Chaka"
"Kakainis lang kasi."
"Bakit? Si Christian bay an?"
"Oo siya nga. Isa kasi siyang sinungaling na tinubuan ng pisngi"
"Oh? Tapos?"
"Di ba nanligaw nga siya no'ng 1st year college namin? Yun tapos remember mo pang sinabihan ko siyang sasagutin ko siya after 4 years?! Watdahek! Um-agree pa siya no'n. Chaka, alam mo ba yung feeling na super-duper mega overflowing happiness ang na-feel ko no'n when he said he will wait for me?! My ghad! Yun, I really expected then that he will do as he said 3 years ago. I even let myself entertain the feeling of being 'worth waiting for'"
"I even let myself entertain the feeling of being distracted to whom I really love the most... all these years. I even think he would be able to replace you in my heart, Jay."Ito sana ang DAPAT sabihin ni Jelly. But that would be too risky. She 'would' lose their friendship.
Tumingin siya sa katabi niya. Nakatanaw lamang ito sa madilim na parte ng karagatan-na animo'y hinahayaan lang siyang ilabas ang hinanakit niya. And she's thankful to that.
"Alam mo bang may girlpren na siya? Watdaef, Chaka! I ever thought he could be that someone who would really wait for me. Tsk. Kabanas lang Chaka ha. Oo ando'n na tayo sa maganda ang girl at ako'y-well, a not-so beautiful but pure cuteness overload Jelly Faye Murano lang naman ako. Tell me, am I not that worthy enough? May lalaki pa bang maghihintay sa'kin? Alam mo namang I want to receive diploma before yang bf-gf na yan, diba?"
Masakit talagang umasang hihintayin ka ng isang tao para sa 'oo' mo. Feeling mo kasi napaka-espesiyal mong babae. Handa na nga sana si Jelly na bigyan ng space si Christian eh. But then it turns out to be an epic fail. Wala talagang lalaking maghihintay para sa'yo. Paasa much lang. Kakaban-
"Meron pa namang lalaking maghihintay sa'yo" sagot nito with conviction.
Tulaley lang na tiningnan ni Jelly si Jay. Is he referring to himself? Ha? Tell me, brain.
"Oh, nandyan pala kayo guys. Hinahanap na kayo nina Rizza."
Naku, saved by Mierfa! Salamat naman. Hindi niya kasi alam ang irereact sa sinabi ng huli.
"Sige. Tara na Chaka!" aya ni Jay at inalalayan siyang tumayo.
-
After naming mag-outing ng mga ka-batch naming no'ng highschool, we separate ways happily contented to seeing each other for 3 long years of being apart. Well, hindi naman lahat-ang iba kasi sa'min iisa lang ang school but different department.
Sumabay na ako pauwi kay Jay total ilang blocks lang ang layo ng bahay nila sa'min.
"Chaka ha. Tulala ka na naman"
"H-ha? May sinasabi ka?"
"Tsk. Malala ka na. Yan ba ang epekto sa'yo ng lalaking yun? Resbakan nga natin. At makikita niya ang MayPac Part II."