Grey's POV
"Grey, bili ka muna ng diaper ni Angel, naubusan ako eh bukas pa ko mamimili. Please." Sabi ng ate ko.
Hay. Kung kelan dis oras ng gabi dun pa nang abala. Ay nako. -_-
"Osige akin na pera." Sabi ko. Inabot nya naman sakin.
"To-to! To-to!" Hirit ni Angel na nasa crib. Nakataas yung dalawang kamay nya na para bang nagpapabuhat.
"No, baby. Jan lang ikaw. Saglit lang si Toto mo, bili lang diaper mo ha." Sabi ko at pinisil ang pisngi nya. Toto kasi bulol na tito. Hahaha.
Tapos tinignan nya ko. Yung parang nakakaawang tuta tas teary eyes. Hay nako.
"Okay fine. Let's go." Haaaay. Kabata bata pa alam na pano magpaawa eh.
"Yey!" Sabi nya tas binuhat ko na sya. Matatagalan kami pag pinaglakad ko eh. Hay.
Sa 711 na ko bumili kasi malapit lang naman sa subdivision namin. Wala pa ding nagbabago sa lugar na to.
Nung nakabili na ko, nakita ko yung ice cream machine.
"Wow, parang ang sarap mag ice cream ah." Sabi ko habang bitbit si Angel.
Pero nung iginala ko ang mata ko, parang may nakita akong pamilyar na babae. Nakaupo sya sa isang upuan sa loob ng 711 tapos may kausap na lalaki na naka neck brace. Nakasalamin, nakapulang sando, maputi, maiksi ang buhok. Sa buhok at labi lang ako nag alinlangan pero sigurado ako. Si Red yon. Kahit magpulang lipstick sya, alam ko ang bawat detalye ng muka nya.
Lalapit ba ko? Anong sasabihin ko? Sino yung kasama nya? Hindi ko alam. Pero dinala pa rin ako ng paa ko papalapit sa kanya.
"Red?"
Sabi ko. Napatigil sya. Alam kong nakilala nya ang boses ko. Napalingon sya sakin at..
"Grey."
Sabi nya. Kinilabutan ako nang marinig ko mula sa kanya ang pangalan ko.
Napatingin sya kay Angel. Tapos sakin ulit. Na para bang magsasalita sya pero hindi nya matuloy.
"Red. Let's go." Sabi ng lalaking katabi nya. Tumayo at hinila ang kaliwang braso ni Red kaya napatayo at natapon yung ice cream pero nakatingin pa din si Red samin. Palipat lipat ang tingin.
Bitbit ko sa isang braso si Angel, tapos yung kabilang kamay ko ginamit ko para hilahin sa isa pang braso si Red.
"No. Please. Red mag usap tayo." Pagmamakaawa ko.
"No. Wala na kayong dapat pag usapan. Tapos na kayo." Sabi nung lalaki. Tangina sino bang epal to?
Hindi ko sya pinansin. Nakatingin ako kay Red at kinausap sya sa mata. Hindi pa din sya nagbabago. Eto pa din ang kahinaan nya pagdating sakin.
Tumingin sya sakin. Tapos tumingin sya sa lalaking kasama nya. Tas tumingin sya kay Angel. Tapos tumingin sya sa baba.
"Bitawan nyo ko." Sabi nya at parang nangingiyak ang boses.
Napansin ko na parang mahigpit nga ang kapit naming dalawa. Binitawan ko sya. Ganun din ang ginawa nung lalaki.
Kitang kita sa balat nya ang pulang marka galing sa pagkakahawak namin. Pagbitaw namin, naglakad sya palabas at sinundan ng lalaking kasama nya.
Mahal nya pa ko. Nararamdaman ko. Kung boyfriend man nya ang kasama nya, sorry sa kanya. Babawiin ko si Red.
Jay's POV
Hinabol ko si Red palabas ng 711. Tumatakbo sya at umiiyak.
"Red." Habang tumatakbo.
"Red hintayin mo ko." Sabi ko ulit.
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
RandomHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))