Seven's POV
I was lost in my thoughts when I felt my phone vibrated.
Agad kong tinignan ng masama ang dalawang katabi ko nang makita na gc lang namin yun. Magkakatabi na kami nagchachat pa!
Sumenyas si Josh na icheck ko daw kaya napabuntong hininga nalang ako at sumunod para matahimik na ang kaluluwa niya.
‐-------------------------
Mga mahilig sa Milk Tea(Tea)
Dyuswa:
Hoy malapit naman na mag time tara na na! Isa isa lang labas para di halata!Balahibo:
Ikaw na mauna, ikaw naman nakaisip.Seven asawa ni Blake:
Hoy! Mapapagalitan tayo!Dyuswa:
Hindi yan wala naman si ma'am eh!Para di tayo maabutan ng pila sa caf gutom nakoooo
Dali na!
Lalabas nako. Sumunod kayo taena nyo ha!
-------------------------------
At talaga namang tumayo ang gunggong at dahan dahang lumabas ng classroom.
Shutaaaa! Baka mapagalitan kami ng reporter bugok talaga yon.
"Susunod ba tayo?" Bulong ko kay Feather
"Magtatampo yon pag di tayo sumunod. Ngangawa pa yon tsk. Tara na. Kunwari nalang mag ccr tayo" natatawa niyang bulong habang nililigpit yung binder at highlighters niya.
Kagigil talaga tong Joshua na to papansin hmmmp! Wala naman nako magagawa kaya niligpit ko na rin yung mga gamit ko.
Tumayo na si Feather at nauna lumabas.
Ang tatapang naman! Kinakabahan ako huhu.
Dahan dahan akong tumayo at naglakad. Hindi naman makaabala sa reporter dahil may space naman sa gilid ng mga upuan para makadaan papunta sa pinto.
"Seven Ajero, where are you going?"
Napahinto ako at napilitang humarap.
Nakatingin ang buong block sa akin. Punyemas.
"A-Ah.. Mag-ccr lang babe hehehe" kabadong sagot ko kay Blake.
I mentally slapped my mouth. Bakit naman umiral ang kalandian sa gitna ng sakuna? Huhuhu
Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. Kitang kita ko kung paano nag-kiss ang dalawang kilay ni crush. Minus point nanaman ako sa aking mahal.
"I will mark you as absent. Hindi pa tapos ang klase. Ikaw lang yung mag ccr na dala ang lahat ng gamit" he plainly said then scribbled something on his binder.
BINABASA MO ANG
813
RomanceBook 1 of Regardless Trilogy Seven has a huge crush on Blake while the latter hated him ever since. In a cliche series of push and pull, will Sev's perseverance and cuteness make Blake drop his belief of being straight as hell? Or simply nagmahal, n...