MaNiKiN 3 (Moving On)

18 2 0
                                    

"Pssssst Jane......"

"Pssssst"

"Pssssst"

Ramdam ni jane ang isang kakaibang bulong na nanggagaling sa kanyang kaliwang tainga.

"Pssssst"

"Pssssst"

"Pssssst Jane.... Mag ingat ka nariyan na sila!!!"

Narinig niya ang isang banta galing sa isang anino.

"Huwag kang lalapit sa kanila!"

"Mamamatay ka!"

------------

"UHHHHH....AHHHHHH...AHH???"Sigaw ni Jane habang hingal na hingal sa kanyang biglaang pag gising.

Tumingin sa orasan si Jane.
3:45 am pa lang.

"Ang aga ko yata nagising" jane habang kinakausap ang sarili.

Muling humiga si Jane pero hindi na siya muling nakatulog.

Lumipat sya ng higaan tinabihan ang kanyang kapatid at hanggang sa inumaga na siyang sa pagbabantay dahil sa kanyang napaginipan.

@School
6:50 am Before class

Dumiretso siya ng Canteen upang doon na mag umagahan ng makita niya ang ka-Twin shirt niya na si Francin.

"Francin" tawag ni jane

"Uy, Jane!" Gulat ni Francin

"Mabuti at nag kita tayo rito hati na tayo sa sandwich ,siya nga pala tungkol sa kahapon.." nahinto si francin ng makita ang karibal na si steff kasama si alvin.

"Thank you! Sakto tipid ako ngayon e ,Anong sa kahapon?" Tanong ni jane.

"Hoy!! Francin anong kahapon? " sigaw ni Jane

"Oh!? Kahapon kako bakit bigla ka na lang nawala sa mall!" Francin

"Hah?? Ehh.. pasensya na sumama kasi pakiramdam ko kahapon eh." Palusot ni jane

"Sabihin mo natakot ka lang sa mga MaNiKiN! ,Huwag kang mag alala sumama rin ang pakiramdam ko ngayon" francin sabay tingin kay ex at steff.

"Oo parang ganoon na nga takot talaga ko sa mga manika e, bata pa lang ako dahil kay chukie ba yun?. Basta sa mga horror horror"

"Ganoon ba? Yun pa naman mga hilig ko" Francin sabay ngiting devil

"Katakot ka!.. Teka, eh bakit ba miya't miya ang tingin mo sa dalawa? Yung totoo move on ka na ba?" Jane.

"Ahh..ehh.. o... oo.." pilit na sagot ni francin.

"Alam mo kahit di mo sabihin sakin nababasa ko yang mga mata mo.. at sinasabi ng mata mo na..." jane

Sabay takip ni francin sa bibig ni jane ng makitang papalipit si steff.

"Alam mo 7:00 na start na ng class" francin

Pumunta ang dalawa sa room at nakita nilang naroon na ang kanilang guro.

"Oh my! Yari tayo janee!" Francin napaatras at napakapit kay jane.

"Ok lang yan! Tara na." Jane

Hindi tinanggal ni francin ang pagkakakapit niya kay jane ng makita ang ex niyang ksama si steff papasok ng classroom.

"Good Morning ma'am, Sorry we're late" steff

Tumango lamang ang guro at pinapasok ang dalawa sa classroom. Umabante na si jane at..

"Good morning ma'am, Sorry we're late" inulit ang sinabi ni steff.

"Anong oras na ms...?" Guro

"Ms.Roces po.. 7:05 na po ma'am" jane

"Hindi mo ba alam na ayokong ayoko nang huli sa akinv klase?" Guro

"Pero... bakit po..." jane

"Wala ng pero pero .. at bilang parusa sayo diyan ka lang sa labas at kung gusto mong makinig makinig ka!" Guro habang nanlilisik ang mata

"Ahmm... excuse me maam .puwede ko po ba dalhin to sa labas?" Wika ng isang lalaki habang mayroon dala dalang bangko

"Oo naman Mr.Dy!" Sagot ng guro habang nakakunot ang noo at tumingin kay jane.

"At siguraduhin mong sa labas ka na rin!!" Hirit pa nito

Iiniabot ni Shin kay jane ang bangko upang siya ay makaup.

"Salamat ..ano.."utal na sagot ni jane

"Ahh.. shin nga pla" shin

"Salamat shin.. dahil sa akin nadamay ka pa tabi na tayo sa upuan wala kang uupuan" sabi ni jane sabay tingin sa likod at nakita niya wala na si francin

"Hmm..wala yum. salamat din" shin

After 2hours and 30mins...

"Gusto kita makilala jane" Shin sabay ngiti

"Huh? D mo pa ko kilala sa lagay na yan?" Sagot ni jane

"Ok? Goodbye class see you next meeting.. at ikaw jane umayos ayos ka!" Guro habang papalabas

"Ahm.. sige shin alis na ko. Nice to meet you" jane habang umeexit

"Ahh.. wait can I get your number?"shin

"Sige pero sa isang kondisyon.." jane

"Ano yun?" Shin

"Text ko na lang mamaya!" Habol ni jane habang binibigay ang number kay shin sabay ngiti ng parang mayroong naiisip na magandang ideya..

Lunchbreak

Habang naglalakad si jane nakasalubong niya si francin ng mayroong dalang lunch..at nagulat siya ng biglang may magtext sa kanya..

Shin: "Hi! Jane anu nga pa lang kondisyon sinasabi mo?"

Jane: "Do you have girlfreind?"

Shin: "Wala pa, masyado mo naman pinapadali.. umamin ka nga jane may gusto ka sa akin noh??"

Jane: "huhh? Grabe sya! May ipapakilala kasi ako sayong girl maganda sya promise! Magkita na lang tayo mamaya sa Mall after lunch ok?"

"Hoy! Jane! Para kang timang.. makangiti ka hindi mo naman ako kinakausap?" Francin

"Tara! May gusto makipagdate sayo?" Jane sbay higit ng kamay ni francin

"Sino ba yan.. alam mo namang di maka na kaka move on d ba?" Francin

"Oo nga.. kaya nga halika na ng makamove on k na .. saka para d ka na mag mukhang tanga!" Jane

"Ayy.. Grabe sya! Ang sakit niya mag salita. Hindi ako easy to get nohh! .. Sino ba kasi yun.." francin habang mangiyak ngiyak.

"POGI BA?" Hirit ni Francin....😚😙😘

#MaNiKiNchapter3
#MovingOn

Pasensya na po mga readers. Ngayon lang nakapag updates after one year! 😅😂😂
T.y. 😘

MaNikiN (Recycled)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon