Fritz's POV
"Fritz, may extra ka bang ballpen?naiwan ko kasi yung ballpen ko eh" sabi ng kaklase kong si Drake.
"Eto oh. Paki balik na lang ah?" Sabi ko atsaka inabot yung ballpen ko.
" sige salamat" sabi nya tsaka bumalik sya sa upuan nya.
Si Drake gusto ko sya matagal na. Mabait kasi yan matalino pa. Maloko lang.
"Ano fritz! " tawag nya ulit sakin
"Why?" Tanong ko sa kanya sabay tingin sa kanya.
Yung mga tingin nya nakakatunaw mygaaaad! Feeling ko tuloy namumula ako :3
" uy may sakit ka ba? Bat ka namumula? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Whyyyy? Bakit ang sweet nya? Kinikilig tuloy ako! >,
"Ha? Wala ah. Adik ka ba?" Balik tanong ko sa kanya
"Oo adik na adik sayo" ha?
"Ha? May sinasabi ka drake?" Sabi ko. Ang hina kasi ng pagkakasabi nya eh.
"Wala ang sabi ko sure ka ba?" Mahinahon nyang tanong.
"Oo nga. Kulit nito" oo na! Ako na masungit sa kanya. Eehh baka mahalata nya ako eh >.<
"Fritz may papel ka ba?" Tanong nya. Wala ba syang school supply sa bag nya?
"Meron. Hihinga ka?" Tapos kinuha ko na sa bag tsaka sya binigyan.
"Thank you fritz"
"Sige basta ikaw" sabi ko.
Uwian na kakatapos lang ng math class namin. Haaaay sa wakas naka survive na sa araw na to! Nakakapagod! Kahit wala naman gaanong ginawa nakakapagod pa din!
Inaayos ko na yung gamit ko at ready na akong umuwi ng bigla ulit lumapit si drake.
"Fritz may ballpen ka ba?" Ballpen na naman?
"Wait kang drake ah? Bakit ba lagi ka sakin nanghihiram ng ballpen?" Dati pa to eh.
"Tsaka ng papel." Dagdag nya. Diba nya narinig yung tanong ko?
Kaya inabot ko na lang. Habang may sinusulat sya sa papel na binigay ko tinignan ko yung mukha nya. Ang pogi pogi nya O.O ang swerte ng magiging girlfriend nito! Pero sana wag na muna di pa ako handang masaktan lalo na yung heart heart ko xD talande ko na naman. Pano ang pogi kasi ng nasa harapan ko! Sino bang hindi magiging malandi sa harap nya?
"Uh? Fritz oh salamat" balik nya nung papel. Tsaka ng ballpen.
"Ha? Huy yung papel mo naka limutan mo!" Sabi ko sa kanya. Palabas na kasi sya ng room eh.
"Basahin mo yung naka lagay sa papel! See you around my fritz!" Sabi nya ng naka talikod.
Whaaaaat?! Nabibingi na yata ako! M-my f-fritz daw! Ako lang naman yung fritz samin! Sheeemay! Pwede na kong mamatay sa kilig waaaaaaaah >.<
Kinuha ko yung papel at binasa yung naka sulat don.
"I like you fritz, tinuruan mo ulit ako kung paano ngumiti, though ngumingiti naman ako pero madalang. Thank you for coming into my life. Can i court you fritz? I will not take an answer as no =)"
Ay dyan nagsimula ang aming love story. Matagal ko ng hinihintay yan pero akalain mo yun? Worth the wait =)