One Shot Collection: Sisters

266 13 6
                                    

Chelsea's POV

"Mommy may good news ako sayo!" Naeexcite konv sabi kay mommy. Sana matuwa si mommy sa sasabihin ko.

"Ano yun Chelsea?" Tanong ni mommy habang tinutuloy nya yung pagbake ni mommy. Ginagawan na naman ni mommy ng paboritong cookies si Samantha.

"Mommy naka pasok ako sa top! Top 1 ako mommy!" Napasigaw kong sabi kay mommy. Nakaka tuwa kasi eh. After ng pinaghirapan ko nagbunga din sya :)

"Good" eh? Good lang? Sabagay. Ganyan naman sila palagi eh.

"Oh? Samantha andyan ka na pala. Ano pasok ka ba sa top?" Pag dating talaga kay samantha talo ako.

"Mommh sorry ah? Kung di ako naka pasok. Babawi na lang ako mommy. Ikaw ate naka pasok ka sa top?" Sabi ni sam habang lumapit kay mommy.

"Ah oo. Sige mauna na ako sa kwarto" at umakyat na ko.

Sanay na ko sa ganyan. Maliit pa lang ako parang wala na lang ako sa kanila. Parang di ako nageexist though minsan kinakausap naman nila ako.

Di ko alam kung bakit mas paborito nila si sam eh. Magaling naman ako tulad ng gusto nila ma maging ako. Ginawa ko yung best ko para mapansin nila ako. Pero wala talaga eh.

Alam mo yung feeling na, ikaw effort kung effort pero sila? Hindi nila na a-appreciate yung effort na ginagawa mo. Just like my studies. Every night puyat ako para lang maka pag advance study. Yung kapatid ko? Ayun puyat kaka surf ng internet.

Si Sam hindi pinapagalitan pag may nagawang mali, pero pag ako na ang mali? Lahat ng pwedeng isumbat sa akin isusumbat nila sayo. Nakakainis noh? Papansinin ka lang nila pag may ginawa kang mali pero yung magagandang ginawa mo parang 'ay okay' , parang 'ah oo sige' wala lang sa kanila kumbaga.

Kaya pag sinasali ako ng mga teacher ko sa activities hindi ko na lang sa kanila pinapaalam. Ano pang use non? Kung yung kapatid ko ang palaging magaling?

May one time nga na maraming bisita sa bahay. Sa dingding madaming naka sabit na mga medals. Pati diploma namin ni sam. Yung medals sakin. Ako kasi yung active talaga sa school para lang mapansin ng parents. Bago sila pumunta ng sala titignan muna nila yung medals na naka display dun. Akala pa nga nila kay sam lahat yun eh. Palagi naman si sam ang bida eh.

One time nga din kailangan ng magulang para sa awarding. Sinabi ko yun kay mommy at daddy guess what kung anong sabi nila?

"Kaya mo na yan chelsea. Malaki ka na"

Oh diba? Pero nung kapatid ko ang nagpapasama...

"Oh sige sam. Kelan ba yan? Anong oras?"

Ang unfair no? Yung ikaw nagpapakahirap ka para lang mapansin ka pero sya? Walamg ginagawa pero sya pa din yung bida. Minsan nga iniisip ko kung anak pa ba nila ako eh.

Pag nagkakaroon kami ng sharing sa Yfl lagi kong inoopen na topic yun.

"Buti na lang di ka nagrerebelde noh? Yung iba kasi pag ganyan nagrerebelde na"

I know. Pero wala naman patutunguhan kung magiging rerebelde ako. Naproproud naman ako sa sarili ko kasi kahit ganon never akong lumayas sa bahay. Kahit na naisip ko na minsan na lumayas na lang sa bahay.

Enough na nga sa drama. Naiiyak tuloy ako.

"Ma'am chelsea kakain na daw po" sabi ng isa sa mga katulong namin.

"Sige ho bababa na ho ako"

Pagkababa ko nagsstart na sila kumain. Umupo na ako sa tapat ni sam.

"Manang pakuha naman ng juice" utos ni mommy.

"Ako na lang po" pag volunteer ko. Kaya tumayo na ako at nagpunta na ng kusina.

Pagtapos kung timplahan sila, nag diretso na ako sa dinning area.

Sasalinan ko na sana ng juice si mommy sa baso ng bigla akong natilapid. At sa kasamaang palad. Tumapon yun kay mommy.

Galit na galit syang tumingin sakin. Siempre at dahil takot ako kay mommy nagsorry na lang ako.

"Sorry? Pag tinanggap ko ba yang sorry mo matutuyo ba yung damit ko?!" Sigaw sakin ni mommy.

Tumayo naman si sam para kuhanan ng bagong damit si mommy.

"Tatanga tanga ka na naman kasi eh!" Sigaw sakin ni mommy.

"Mommy sorry po di ko naman po sinasadya eh" mahinahon kong sabi.

"Napaka clumsy! Wala ng ginawang maganda sa pamilyang to!" Don ako nainis. Ako? Akoa pa 'tong walang ginawang mabuti?

"Ma, ako po? Wala po akong ginawang maganda? Ma nag aral naman po ako ng mabuti ah? Sumali ako sa mga activities sa school para hindi matanggal sa top. Ginawa ko ang lahat para mapansin nyo ko. Ginawa ko lahat ng gusto nyo. Ginawa ko lahat para lang mapansin nyo ko sa paningin nyo! Hindi pa po ba yun sapat? Siguro nga hindi pa. Si sam naman palagi nyong pinupuri kahit na mas mataas yung grade na nakukuha ko. Si sam na lang palagi!" Ang tagal kong kinimkim tong nararamdaman ko. At ngayong di ko na kayang magtimpi siguro oras na para ilabas ang nararamdaman ko.

"Aba't sumasagot ka pang bata ka ah!" Bigla akong sinugod ni mommy at bila nya akong sinabunutan.

" mommy tama na po. Nasasaktan na po ako" sabi ko habang umiiyak.

Eto yung unang beses na sinaktan ako ni mommy.

" mommy tigil na po kayo" awat ni sam samin at hinila na nya si mommy palayo sakin.

"Ako pa din po ba ang masama? Sinabi ko lang naman po yung nararamdaman ko. Si sam pa din po yung magaling? Sige si sam na. Si sam na ang pinaka magaling nyong anak. Si sam na talaga!" At ayun tumakbo na ako palabas ng bahay.

Ayoko ng umuwi sa bahay. Di ko na ka-

*beep*

*scraaaaatch*

"Ate!"

Samantha's POV

"Ate!"

Tumakbo ako papalapit kay ate. Wala na syang malay. Ang daming dugo sa mukha nya.

"Tumawag na kayo ng abulansya!" Sigaw ko .

Mga 15 mins bago maka rating ang abulansya.

Pinasok na sya sa abulansya. Sumama ako. Hawak hawak ko yung kamay ni ate habang papunta kami ng ospital.

Di rin nagtagal naka rating na kami sa ospital.

Diniretso si ate sa ER.

Wala pang 5 mins ng biglang lumabas yung doctor ni ate.

"Dead on arrival 8:47PM"

Noooooo! Kasalanan ko to eh! Kasalanan ko to lahat! Kung naging fair lang kaming pamilya kay ate hindi to mangyayare. Sorry ate sa lahat ng nagawa ko. Sorry ate

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon