Patuloy ako sa pag-ubo to remove the water lodged in my throat. I can also feel a hand hitting my back. Di ako masyadong makahinga at alam kong pulang-pula na ang mukha ko.
"Are you okay?" may pag-aalalang tanong sa akin ni Zane.
"Mukha ba akong okay!" sabi ko at natawa pati sila. Yung boses ko kasi, ipit na ipit.
"Dude! Anong ginawa mo kay Andria?" narinig kong tanong ni Rence.
"What do you think?" pabalang na sagot nung lalaking nasa likod ko pa din.
Umubo ulit ako pero bahagya lang at pinagpag ang baga ko.
"Okay ka na ba?" tanong ulit sa akin ni Zane
Tumango ako. "Yeah thanks."
"Ahmm Andria?
"Yeah?"
"Ya know..."
"I don't know."
"I know. Hmm, nagtataka lang ako kasi nakita mo lang si Vince, nabilaukan ka na and I know there's more on that. Anong meron? Magkasing gwapo lang naman kami pero ba't sa akin di ka man lang nabilaukan?" nakangising tanong ni Jett.
"Ganun na ba nakakatakot ang mukha niya?" tanong naman ni Angel.
"Matagal ng nakakatakot si Vince Angel. Likod pa lang, nakakapangilabot na." sabi ni AJ na nagpatawa sa amin maliban sa lalaking naglalabas na yata ng dark aura sa likod ko.
"Shut up wackos or mangingilabot kayo sa gagawin ko sa inyo!" malamig na sabi ni Vince na di man lang pinansin ng mga 'wackos'.
Ako naman, tumahimik ulit.
"Hoy Andria, natahimik ka na diyan?" tanong sa akin ni Rence
"Wala lang. Trip."
"Ows ganun kaya?"
"What?"
"Nothing. Nga pala, lika dito Vince para makita at makilala ka ni Andria. Baka ma stiff neck siya kung mananatili ka diyan. Vince p're, meet Andria. My newly found friend. Right Andria?" nag-aalangang pakilala sa akin ni Rence kay Vince na naglakad sa tabi ni Rence which is sa harap ko mismo. Nginitian ko naman si Rence to assure him that I'd love to be there friend na sinagot din naman niya ng maluwang na ngiti.
Aw, new friends.
"And Andria, meet Vincent Jim Carter. The........ahmm.........the........"
"GGG."
"Anong GGG?" tanong ko kay AJ.
BINABASA MO ANG
The Rich Boy vs. The Scholar
RomanceHer: Siya ang spice sa buhay kong mas kupas pa sa damit niyang pinakaluma ayon sa kanya. Lagi niya akong binabadtrip sa kadiliman ng kanyang budhi. Lagi niyang pinapataas ang kilay ko sa kanyang kayabangan at kaarogantehan. Daig pa niya ang nanay ko...