Chapter 35

2.2K 43 0
                                    

Nakapag desisyon na ako na ayusin na ang relasyon namin pagkatapos ng lahat ng problemang kinakaharap ko pero bakit laging may humahadlang sa plano ko?Bakit hindi ako mabigyan ng pagkakataon na ayusin ang gusot sa pagitan namin ng asawa ko?

Sa galit ko, sinugod ko silang dalawa sa labas at binugbug si Alfred sa harap ng asawa ko. Hindi ko siya tinigilan sa pagsuntok hangga’t hindi ko nakitang dumugo ang ilong niya. Mabigat ang aking bawat paghinga, kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko baka napatay ko siya dahil sa galit at selos na naramdaman ko.

Napaigik si Debbie ng hablutin ko ang magkabilang braso siya at bumalantay ang sakit sa kanyang mukha sa diin ng pagkahawak ko doon. Gaguhin niya man ako. Saktan. Huwag niya lang ipamukha sa akin na hindi ako ang kanyang mahal.

“You fucking slut! Sa mismong harap ng bahay ko pa kayo,-”

Iniwan ko siyang nakasalampak sa semento ng matumba siya sa pagbitaw ko. Mabigat ang aking bawat paghinga na bumalik sa loob ng bahay. Dinampot ko ang lahat ng hinanda kung surprisa sa kanya at tinapon iyon lahat sa basurahan.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Ganito pala kasakit kapag harap-harapan mong nakita na masaya ang babaeng mahal mo na kasama ang lalaki niya. Nang makapasok siya sa bahay umalis ako. Kailangan kong lumayo sa kanya gayong galit ako dahil baka lalo ko siyang masaktan.

Ang bilis ng pagmamaneho ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Parang sasabog ang ulo ko dahil paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang eksenang nakita ko. Ang pag-alalay ng lalaki sa kanya sa pagbaba ng sasakyan. Ang pagngiti niya habang magkaharap sila. Ang pagyakap niya dito na parang ayaw niyang kumawala.

“Ahhhhh! Fuck!”

Ito ba ang kabayaran sa lahat ng ginawa ko sa kanya? Ginawa ko lang naman iyon dahil galit ako sa ama niya at gusto ko lang siyang protektahan sa mga taong gustong manakit sa kanya. Oo, subrang laki ng kasalanan ko na hindi mababayaran ng isang sorry lang pero hindi pa ba sapat ang kabayaran na nasasaktan at nadudurog ako dahil iba ang mahal  niya at hindi ako?

Hindi pa ba sapat na kabayaraan ang pagtitiis ko at paghintay ng tamang oras para sabihin sa kanya kung gaano ko siya ka mahal, kung gaano ako nagsisi sa pananakit ko sa kanya? Kung hindi pa iyon sapat lahat ano pa ang gagawin ko para mapatawad niya ako?

Dalawang araw akong hindi umuwi sa bahay. Dalawang araw ko na rin nilulunod sa alak ang sarili ko baka sakali mawala ang sakit dito sa puso ko kapag lasing ako. Pero tangina lalo lang pala ako masasaktan. Lalo ko lang siya naiisip at lalo ko lang siyang namimis. Hindi ko na matiis na hindi ko siya makita, hindi ko alam kong madadatnan ko pa siya sa bahay o baka sumama na siya kay Alfred.

"MAnuel."

Parang isang malamyos na musika sa aking pandinig ang kanyang boses ng tawagin niya ako. Malungkot at walang buhay ang kanyang magandang mata. Puno ng pagsisisi ang kanyang mukha at sa tingin ko suko na siya. Ganyan ko siya ilarawan ng titigan ko ang kanyang maamong mukha.

"Emmanuel, alam ko gusto mo nang maghiwalay tayo. .ang mawala na ako dito sa bahay at sa buhay mo. . pero. .puwede bang . .pwede bang humingi ng pabor? Puwede bang  pagbigyan mo ako sa first wedding anniversary natin. .na magpanggap na masaya tayo. .na mahal natin ang isa't isa. Puwede bang i-celebrate natin iyon na masaya? Promise, pagkatapos no'n hindi na kita guguluhin."

Parang punyal na bumaon sa akin ang sinabi niya. Hindi ko gustong mawala ka sa buhay ko. Kung maari lang akin ka na lang habang-buhay malugod kong tatanggapin iyon, pero ayoko maging selfish dahil nahihirapan kana sa poder ko.

Kahit hindi ka humingi ng pabor ibibigay ko iyon sayo, may plano na sana ako sa wedding anniversary natin pero hindi ko na iyon magawa dahil sa letseng Alfred na iyon. At hindi ko rin kailangan na magpanggap na mahal kita dahil noon pa man minahal na kita at mamahalin pa hanggang sa mawala ako sa mundong ito.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon