Chapter 28

198 8 15
                                    

Hello! This chapter is dedicated to Ms. -sovereignians-22  thank you so much for the continues support. I appreciate all your comments. You are one of my inspiration to finish this story. Thank you and always take care! ❤️

******

From: Unknown Number

Good morning, Shantelle. This is Mom Monica. I got your number from Nessi. Are you free today?

Nanginig ang kamay ko pagkatapos mabasa ang message ng Mommy ni Nectarine. This is the first time na nag-text siya sa akin. Nabanggit naman na ni Nectarine na kinuha ng Mommy niya ang schedule ko. Pero nakakagulat na nag-text na siya!

Mabilis akong nag-type ng message para sa kaniya pagkatapos i-register ang number niya sa contact. Nasa apartment pa ako at kasalukuyan na lang hinihintay si Lalaine dahil hindi pa tapos magbihis. Mabagal kasi siyang kumilos. 

To: Mom Monica

Good morning po. Mamayang three pa po ng hapon ang free time ko, after my last class po. 

From: Mom Monica

Okay. Can we meet later? Let’s eat outside. Gusto ko mag-aliw today. Puwede mo ba akong samahan?

To: Mom Monica

Opo naman po. Saan po ba tayo magkikita?

“Laki ng ngiti, a!” Lumabas na si Lalaine ng kuwarto niya. “Sino ang kausap mo?”

Sinuri ko ang kabuuan niya. Lagi naman kaming complete uniform tuwing pumapasok, bawal kasi na hindi. Nakakagulat lang na naka-ponytail siya ngayon. Usually naman ay hindi siya nagtatali ng buhok, mas gusto niyang nakalugay lang.

Iba rin ang suot na make-up ni Lalaine. She prefers natural-looking style, pero ngayon ay halos pumutok ang pisngi sa blush on. Pula rin ang labi niya, when in all honesty, she prefers nude colors for her lips.

“Nectarine’s mother,” I told her. Umawang ang labi niya at namangha. “Inaaya niya akong lumabas. Bakit pumuputok yata ang blush on mo today, friend?”

“Ha?” Gulat siyang napakapit sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi at umiling. “Gusto ko naman i-try ang ganito. Weird ba kapag ganito ang make-up ko?”

“Hindi naman. Nakakagulat lang kasi mas gusto mo ‘di ba ang natural-looking?”

“I changed,” she laughed. “Tara na. Baka ma-late pa tayo sa unang klase natin.”

Naglakad kami palabas. Mag-co-commute kami ngayong araw dahil busy ang aking jowa. Hindi niya kami maihahatid ni Lalaine sa Chowden. May klase pa siya sa oras na ito. Wala namang masama sa pagco-commute sometimes.

Sa jeep kami sumakay ni Lalaine. Affordable ang pamasahe, twenty pesos lang, kaming dalawa na iyon. Hindi rin hassle ang biyahe dahil kakaunti lang kaming pasahero. Kapag umaga talaga ay hindi punuan ang jeep.

I received a message. Mabilis ko iyong tiningnan hangga’t hindi pa humihinto ang jeep.

From: Mom Monica

I’ll just pick you up after your class. I don’t have work today, so I really have plenty of time.

Hindi ba masyadong nakakahiya kung susunduin pa niya ako? Saka… hindi ko na ba kailangan mag-palit into my comfortable clothes? Although Chowden’s uniform is nice, I don’t think this will be proper for later.

Sa huli, um-agree na lang ako. Kung siya ang may gusto, ayos lang naman sa akin. Comfortable na rin itong uniform ng Chowden, kung ganoon.

Iyon na lang ang nasa isip ko habang nasa klase ako. Iniisip ko kung ano ang mga gagawin namin mamaya ng Mommy ni Nectarine. Nae-excite ako dahil talagang tinupad niya ang sinabi niya noon na magb-bond kaming dalawa.

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon