Prologue

9 0 0
                                    

"Don't talk to strangers..." I murmured and chuckled lightly.

Paano ba gagawin ng isang tao 'yan nang hindi sinasabihang basos siya o 'di naman kaya ay killjoy? Kasi naman, lahat naman ng bata, eh, dumarating sa puntong may hindi sila kakilalang kailangan kausapin. Halimbawa na lang kapag naligaw ka sa isang mall o kung saan mang lugar 'yan, siyempre may mga lalapit sa 'yo para tanungin ka, alangan naman hindi ka sumagot, 'di ba? Paano ka nga naman maibabalik sa magulang mo kung hindi ka sasagot?

Pero... naiintindihan ko rin naman kung bakit madalas sabihin sa mga bata 'yang mga katagang 'yan. Sa mundo ngayon, mahirap nang magtiwala. Baka nga naman kasi masamang tao pala iyong nagtatanong. Baka kidnapper o human trafficker. Para kasi sa taong gaya ko na mahina sa direksyon, kinakailangan ko talagang magtanong sa iba at kumausap ng hindi kakilala. Minsan nang... muntik na akong mapahamak dahil doon kaya galit na galit ang best friend kong daig pa tatay ko kung mag-alala sa akin.

"Hope, nasaan ka na ba? Kanina pa kami ni Chang naghihintay rito."

Napakagat na lang ako sa kuko ko at inilibot ang tingin sa paligid. Ito na naman ako sa nagpapahirap ng buhay ko, direksyon. Aware naman akong naliligaw na ako ngayon pero kasi... shit talaga! Bakit ba sa mall na pa 'yon napiling mamili ng gamit ni Felix! Kasalanan niya ;to, eh!

"I... I honestly don't know... where I am..." I muttered and closed my eyes tightly.

Natahimik si Felix sa kabilang linya bago ko narinig ang marahas na pagsinghap ni Chang na siyang unang nakabawi. Naka-loud speaker siguro si Felix kaya narinig ni Chang ang mga sinabi ko. Nailayo ko pa nga ang cellphone sa tainga ko nang marinig naman ang sunod-sunod na pagmumura ni Felix.

"Hala ka, Armando!" natatarantang tili ni Chang. "Huwag ka nang magmura riyan at hanapin na natin si Hope!"

"How the fuck are we gonna find her if she doesn't even know where she is?!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Hoy, 'tangina mo naman! Alam ko naman kung nasaan ako! Hindi nga lang eksakto!":

"Oh, eh, alam naman pala ni Hopey. Kumalma ka na kasi, Armando. Para ka namang ewan diyan, eh." Chang took a deep breath. "Sige nga, Hopey, sabihin mo sa amin anong mga nakikita mo sa paligid para alam namin kung nasaan ka na banda."

Walang salitang sinunod ko ang utos ni Chang. Paano naman kasing hindi ko siya susundin, sobrang lambing ng boses niya. Para 'kong hinehele. Inilibot ko ang tingin sa paligid at pinalobo ang pisngi.

"Uhm... well, of course, may mga bahay. Malalaki ang bahay rito tapos tahimik, parang village na ewan. Mapagmahal street din nakalagay rito malapit sa puno na kinatatayuan ko. Tapos..." Kusang huminto ang mga mata ko sa taong kalalabas lang ng bahay nila, akay-akay ang isang bike.

"Tapos ano, Hopey?" Chang asked in a soothing voice, urging me to tell more.

"Tapos ano... may..." Napalunok ako. "May... guwapo... mukhang mabango..." wala sa sarili kong sambit.

"Naknampucha. Kanila Kyne ka yata naligaw, eh," sa wakas ay nagsalita na rin si Felix.

"Huh? Kyne-who?"

"Basta," aniya ngunit dinig ang relief sa kaniyang boses. "Diyan ka lang, huwag kang aalis. Tanga ka pa naman. Tatawagan ko si Kyne para masundo ka at nang madala ka rito."

"Okay..." bulong ko. "Kahit bagalan niyo pa, ayos lang. Gandits ng view rito, eh."

"Ingat ka riyan, Hopey! Tawag ka kapag may napansin kang kakaiba riyan," paalam ni Chang bago nila binaba ang tawag.

Just Another StrangerWhere stories live. Discover now