◉◉◉
Trauco's P.O.V
I was out for a moment to buy some basic necessities for Kale's pregnancy. Kahit na ayokong iwan siya roon at bantayan maghapon ay hindi puwede dahil siya mismo ang nagtutulak sa akin na 'lumayas.' Nagtataka rin ako kung bakit. Ayaw ba niya akong nakikita?
Lately, halos mas gusto rin niyang natutulog. Kaya doon ko lang siya nababantayan. Paggising niya, papalayasin na naman ako at nagpapabili ng kung ano ano. Kaya ngayon, narito ako ngayon sa supermarket para bumili raw ng goji berries. Hindi ako sigurado kung anong klaseng prutas iyon pero pinipilit niya akong bumili. Isasabay ko na ring bumili ng iba pang mga kakailanganin namin katulad ng mga toiletries, food supplies at multivitamins. Nagkaka-morning sickness kasi siya nitong nakaraang linggo kaya naalala kong punuin ang mga stocks niya na vitamins roon. Takot ko na lang na baka magsuka na naman siya.
Fortunately, I was also able to buy other things here to make her stay comfortable while sleeping. Kagaya na lamang ng mattress, kumot at mga unan. Napadami ko na rin ang mga gamit rito, mabuti na lang at may sapat akong pera. Kahit na mga sex demons kami ay may pera naman kami. Nagdagdag na rin pala ako ng mga panibagong damit para sa kaniya. Pansin ko kasing lumiliit na ang mga damit na meron siya dahil sa maumbok niyang tiyan kaya naisipan kong bumili ng mga pang-maternity dress. Ewan ko na lang kung gusto niyang suotin, kaso wala naman siyang magiging ibang choice kung sakali. Kung ayaw niya, baka matutulog siyang hubo't hubad.
Bago ako bumalik ay napagdesisyunan kong dumaan muna sa isang bookstore at bumili ng librong babasahin tungkol sa pregnancy. I want to educate myself more because I don't have any idea about it. Para naman alam ko kung ano ang dapat kong gawin. I need to understand his situation because I know, it is hard for him, lalo na sa kaniya na isang lalaki. Ayaw kong may mangyaring masama kapag napabayaan ko siya.
"Nakabalik ka na pala. Nasaan na ang pinabili ko sa iyo?"
"Nandito. Wait lang, huhugasan ko." Pagkahugas ko nga ay agad ko ring binigay sa kaniya pero syempre iyong kalahati lang kasi isang kilo iyon. "Here," abot ko sa kaniya ng mangkok na pinaglagyan ko ng prutas. Agad naman niya iyong kinain.
Pinanood ko siya habang nginunguya iyon. Cute. Sakto namang paglingon niya sa akin.
"Bakit? May sasabihin ka pa?" walang emosyong tanong niya.
Eh? "Uhh. Wala. Ikaw? May gusto ka pang kainin bukod diyan?"
"Wala na. Puwede mo na akong iwan rito."
"O-kay. Tawagin mo na lang ako sa kusina kung may kailangan ka."
"Hmm," pagtatango niya.
I smiled secretly. Umiral na naman mga mood swings niya.
While I was preparing lunch ay isinasabay ko ang pagbabasa sa binili kong libro and I've found out that what Kale's showing me is just normal for a pregnant person. Isa na roon ang pagtutulog niya. I knew that when a person is pregnant, they would be needing more sleep than usual.
"TRAUCOOO!"
Bigla akong nataranta nang biglang sumigaw si Kale mula sa kinaroroonan niya kanina. Muntik ko na ring mabitiwan ang librong hawak ko. Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at sumalubong sa akin ang mga nanlilisik niyang mata.
"Why? What's wrong?" Ini-scan ko agad siya kung may mga posible siyang sugat o ano. But he was just comfortably lying on the sofa bed -- on his side with his knees bent.
"G-gumulong yung isang berry sa ilalim ng mesa. Nabitiwan ko. Pulutin mo."
That's it? "Hindi ka naano? Or walang masakit sa iyo?"
BINABASA MO ANG
The Incubus' Heart - Short Story [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIf a lustful demon didn't have a heart to begin with, how could he ever fall in love? He is a vicious and lethal monster, to put it another way. ~•~ You can't believe everything you see. You are not surrounded by genuine people. Your knowledge is no...