Wild Orchids

9 0 0
                                    

First love ni Andre ang kababatang si Ysabel.


"UY, bata ka. Para saan ang mga ligaw na okidyas na dala mo?" sita ni Aling Dolores sa anak.

"Para po kay Ysabel. Ibibigay ko sa kaniya. Paborito kasi niya ito!"

sagot ng noo'y labing isang taong gulang na si Andre at saka patakbong

iniwan ang kaniyang ina.

Nakalayo na ang anak nang mapaisip si Aling Dolores.

"Sana'y paghangang bata lang ang nararamdaman ng anak ko. Hindi niya

kapantay sina ma'am Ysabel..." sa sarili'y naibulong ng matanda.

Unica hija ng mga amo nila si Ysabel. Ang pamilya niyon ay isa sa

pinakaimportante sa maliit na bayan na iyun ng San Marcos. Ngunit, sa kabila ng estado ng kanilang buhay ay hindi pinalaki ng mga

magulang si Ysabel na maging mapagmataas. Katunayan ay naging matalik

na magkaibigan pa sina Ysabel at Andre.

LUMIPAS ANG mga taon. Lumaking napakaganda ni Ysabel. Hindi kataka-taka kung ulanin ito ng mga manliligaw na mula sa kaparehong estado sa buhay. Unti-unti ay nari-realized na ni Andre ang madalas ipaalala ng kaniyang inay.

"Hindi natin kapantay sina ma'am Ysabel."

"Pero mabait po siya, 'nay. Pati sina ma'am at sir."sansala niya.

"Oo, mababait talaga sila. Pero, ibang usapin na ang bagay na 'yan,

Andre. Nag-iisang anak lang nina ma'am at sir si ma'am Ysabel. At

siyempre, gusto nila na mapabuti ang anak nila. Maiintindihan mo din

'yan pagdating ng araw."

Isang araw ay may ipinakiusap sa kaniya ang mama ni Ysabel.

"Andre, hijo, sa linggo ay debut na ni Ysabel. Baka puwede mo s'yang ikuha ng mga wild orchids d'yan sa may parang?"

Hindi nagdalawang salita ang Donya.

"Opo!" maagap na tugon ng binatilyo.

"Pero bakit pa?" tanong naman ng ama ni Ysabel. "Bahala na ang flower shop sa ganyang bagay."

"Request 'yun ng anak natin, Ramon. Favorite niya kasi ang mga wild orchids sa may parang."

LUMIPAS ang debut ni Ysabel.

"Nakakainis ka naman, Andre!" reklamo ni Ysabel sa lalake. "Bakit hindi ka pumunta dun sa debut ko? Hinihintay kita."

"N-Nakakahiya kasi, Ysabel..."

"Ano ang nakakahiya dun?"

"Lumalagay lang ako sa lugar ko..."

Nakuha na ni Ysabel ang ibig tumbukin ni Andre-na wala itong lugar sa magarabong okasyon na iyun...

Sumimangot si Ysabel at tsaka sinabayan ng talikod. Ngunit bago tuluyang iwanan si Andre ay nagpahayag ito ng saloobin:

"Ang mataas na bunga, Andre, sinusungkit. Kung iyun nga'ng mga wild orchids, nagagawa mo'ng akyatin sa mga puno." Iyun lamang at humakbang na palayo si Ysabel.

Iyun na ang huling pagkakataong nagkausap sina Andre at Ysabel. Kinabukasan din nun ay lumuwas na ang dalaga sa Maynila upang duon na mag-aral.

LUMIPAS ANG APAT NA TAON.

Nakatapos na ng kursong education itong si Andre. At si Ysabel, ang balita niya'y tapos na din ito ng kursong business management.

Tuwing hapon, pagkagaling niya sa San Marcos Elementary School kung

saan na siya ngayon nagtuturo, ay hindi niya nakakaligtaang dumaan sa

may parang at doo'y mamalagi ng mga kung ilang oras.


Ah.... Lumipas na nga marahil ang mga panahon.


Pero hanggang ngayon, sariwa pa din kay Andre ang mga alaalang binuo niya sa may parang... kapiling ng mga wild orchids na madalas niyang akyatin noon sa mga puno upang ihandog kay Ysabel. Para sa kaniya, si Ysabel ay katulad ng mga wild orchids na nakagapang sa mga sanga ng matatayog na puno... kailangang tingalain at paghirapang mabuti upang maabot at maangkin...

Isang hapon, laking gulat ni Andre nang makita kung sino ang nakatayo sa may parang...

"Y-Ysabel... ikaw nga, Ysabel!" excited na nasabi ni Andre.

"K-Kamusta ka na, Andre? Nalibang ako sa katitingin sa mga wild orchids na 'yun sa may puno, eh..." sagot ni Ysabel.

Sa

loob ng mahigit na apat na taon ay lalo itong gumanda sa paningin ni

Andre. Tuloy ay hindi na niya nakuha pang kumurap. Parang sabik na

sabik ang mga mata niyang makita ang dalaga.

"Ikaw,

kamusta ka na, Andre?" pagkuwa'y tanong sa kaniya ni Ysabel. "Siguro,

may iba ka nang pinagbibigyan ng mga wild orchids na 'yan?"

Umiling si Andre.

"W-Wala, Ysabel... Wala."

Bumakas ang saya sa mukha ng dalaga. "K-Kung gayon, pupuwede mo ba ako'ng ipitas ulit ng orchids?"

"E-Eh ikaw, Ysabel... w-wala din ba'ng magagalit sa'kin kung... pipitasin ko 'yan para sa'yo?"

Nakangiting umiling ang dalaga.

"Wala, Andre..."

Napangiti ng ubod tamis ni Andre. Alam niya, ito na ang panahong

matagal na niyang hinihintay... ngayon, abot kamay na niya ang dati'y

mataas na bulaklak ng buhay niya...

"P-Para sa'yo, Ysabel... kahit lahat pa ng orchids dito sa parang, pipitasin ko para sa'yo..."

Hindi na kasing gilas ng dati sa pag-akyat sa mga matatayos na puno si Andre. Ngunit, bale-wala iyun.

Wala siyang hindi gagawin para kay Ysabel...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wild OrchidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon