Chapter 2

2 0 0
                                    

Mag tatanghalian na noong matapos kami ni Kael.Tinuruan ko kasi siya sa essay niya, hirap na hirap eh kawawa naman hahahaha.

"oh ano alam mo na? " pag tatanong ko kay Kael
Baka kasi nakalimutan nanaman niya.

"ahh hindi pa eh pwede pa ulit ulit? " pang aasar na saad niya

Hinampas ko siya sa kanyang braso.Pano ba naman kasi nang loloko na naman itong lalaking to.

"joke joke lang!  Ano ka ba! Ilang beses mo na kayang sinabi syempre natandaan ko na! " pagmamalaki niyang saad

"dapat lang no! Ilang words nga ba ulit kailangan dyan sa essay mo? " pagtatanong ko sa kanya

"5000 words daw eh ang dami no" malungkot niyabg saad

"oo nga ang dami kailan ba pasahan niyan? " pagtatanong ko ulit sa kanya

"bago daw mag Valentine's day,kasi dapat yung genre nitong essay ko tungkol sa taong pinaka mamahal mo ganon,tapos kung kanino yung pinaka magandang essay edi siya yung panalo ganon lang" pag papaliwanag niya

"ahh so for sure si Kacey lalagay mo dyan diba?  Expected naman eh" nadidismaya kong saad

Mahal ko si Kael. Mahal ko si Kael higit pa sa pagkakaibigan namin. 3rd year highschool ko nong naramdaman ko to. Kakaiba ang naramdaman ko noon,habang naka suot siya ng isang pormal na pormal na suot para sa prom namin. Habang papalapit siya sa akin,para bang nag slowmo ang lahat, wala akong ibang nakikita kundi siya lang.Ang bestfriend ko si Kael. Matagal ko na itong kinikimkim at hindi sinasabi sa kanya kasi ayokong masira ang friendship namin dahil lang sa nararamdaman ko,ayoko maging selfish. Alam ko naman na kahit kailan naman hindi niya ako mamahalin bilang girlfriend niya. Oo mahala niya ako pero bilang BESTFRIEND lang.Mahal na mahal ko si Kael,handa akong gawin ang lahat lahat nang bagay para sa kanya.

Kaya makita siyang may gusto kay Kacey,masakit yon,masakit na masakit para sa akin. Pero ano pa bang magagawa ko buhay niya yon, wala akong magagawa kundi suportahan siya at ang taong mahal niya. First time kong makita na nag kakaganon si Kael sa isang babae. Yung tipong mahal na mahal na mahal niya yung babae,oo nag karoon din naman na siya ng mga flings flings noon pero hindi naman ganon ka seryoso yon.Dati hindi ako nasasaktan sa mga flings niya,pero ngayon iba,ibang iba nasasakta ako ng sobra sobra.

"pano kung iba? " saad naman ni Kael

"at sino naman ilalagay mo dyan ha? " pag tatanong ko

"ikaw. Sabi naman samin pinaka mamahal eh.Mahal ko si Kacey pero mas mahal kita" seryosong seryoso niyang saad

Teka!  Anong sabi niya?! Mahal niya raw ako?  Totoo ba yon? Mas mahal niya ako kay Kacey? Sana naman totoo to.

Napa tulala ako dahil sa sinabi niya at hindi agad ako naka sagot sa sinabi niya.

"hoy! Di kana naka sagot! Joke lang yon! Wag mo seryosohin! Syempre si Kacey lalagay ko dun,siya inspirasyon ko eh" malakas niyang saad

Ang sakit! Ang sakit sakit!  Anong sabi niya biro lang yon?! Na si Kacey talaga gusto at mahal niya hindi ako. Kahit kailan talaga hindi niya makita kita yung bestfriend niya na nagmamahal at laging nasa tabi niya na handang gawin ang lahat para sa kanya.

Kahit kailan hindi ko mapapantayan si Kacey. Si Kacey na ang ganda ganda.Pano naman ako? Napaka panget ko.Maitim,malaki ang mata,at pangit na laging naka salamin, yan ang mga laging sinsabi ng mga nang bubully sakin.

Para kasi kay Kael,ako lang yung bestfriend niya na never niyang magugustuhan.

Sana ako nalang si Kacey. Sana naging maganda rin ako tulad ni Kacey,na kahit hindi naman niya nabibigalyang pansin si Kael,mahal na mahal pa rin siya ni Kael.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be pretty or nerdy? Where stories live. Discover now