And there, she need to kiss the frog and para lang bumalik ito sa dati. Kahit pa nandidiri ay naawa sya dito kaya naman hinalikan nya ito.
Ilang segundo lang ng hagkan nya ito ay may mga liwanag at alitaptap na pamalibot sa palaka hanggang sa ilipad ito ng mga liwanag at ilapag sa sahig at nagkorteng tao ito.
Malayong-malayo sa nakakadiring palaka ang itsura nito, para itong isang prinsepe na nagmula sa kastilyo.
"Ang oa ng binabasa mo Maevis!" dinig nya na sabi ni Aki na nagda-drive.
"Ang ganda kaya, isang palaka na prinsepe pala!" proud na sabi ko.
"At bakit saan ka nakakita ng palakang hinalikan tapos naging tao? Maevis walang katotohanan ang mga yan! Puro lang ilusyon ang mga fairytales" saad pa nito na tuwang-tuwa na sinisira sa harapan ko ang mundo ko.
"Palibhasa pinaglihi ka ni tita sa ampalaya kaya ka ganyan" nanahimik na sya at hindi sumagot.
Ako si Maevis Elisabeth Conrado nasa Grade 10 at itong kasama ko si Kairo Jesper Moreno anak ng kaibigan ni mama, ayaw kong kaibiganin ang gaya nya na walang ginawa kundi sirain ang imagination ko.
Nakarating kami ng bahay at nauna na ako sa kanya dahil magpa-park pa sya.
"Hi mama, papa, Hi tito tita!" masayang bati ko sa apat na magulang sa sala.
"Hi anak, nasan si Aki?" hanap ni mama kay Aki, nasanay na sila na sakin hahanapin ang lalaking iyon kapag nauna ako.
"Nagpark lang po, pasok na po ako sa kwarto!" paalam ko.
Nasabi ko na ba na nakatira kami ni Aki sa iisang bahay? Yup! Nakatira kami sa iisang bubong, dahil napagdesisyunan ng mga parents namin na magsama nalang sa iisang bahay dahil halos lumaki na din sila na halos isat-isa ang mga kasama.
Kaya pati kami ni Aki ay halos magkakilala na, kaso lang sa mga anak ng parents nya at parents ko kami ni Aki ang ma-pride. Why? Dahil halos lahat ng kapatid namin ay childhood bestfriends at kami lang talaga ni Aki ang hindi magkasundo.
Nasa Grade 12 na si Aki, kaso dapat graduate na si Aki kung hindi sana sya nagpaka-siraulo at puro barkada.
Madami akong assignments at maaga akong kumain para pumasok agad ng kwarto, sure kase ako na mapupuyat na naman ako.
Eto ang worst part of being student of grade 10, palaging puyat sa mga assignments.
'Knock Knock'
"Anak hinahanap ka ni Aki!" si mama iyon.
Ano na naman ang kailangan ng lalaking iyon? Kung kailan kailangan-kailangan ko ng walang istorbo tyaka naman sya mang-bibwisit.
"Papasukin nyo nalang po" sagot ko at hindi na tumayo.
Naramdaman ko na nasa likod ko sya at naupo sa kama ko. Lumingon ako sa kanya na naka-sando at pajama na color blue.
"Anong kailangan mo? Kailangan ko tapusin ang mga assignments ko, sasabay kapa!" maktol ko.
"Bibili ako ng tuta?" what?
"At anong kinalaman ko sa pag-bili mo ng tuta? Ano kailangan mo ng mag-aalaga?" nakakairita na ang lalaking ito.
"Need ko na mag-pretend ka as my gf" napanganga ako sa sinabi nyo. HAHAHAHA siguro nagsha-shabu sya.
"At bakit requirements na ba yun para makabili ka ng tuta, sa totoo lang kakaanak lang na aso ni Menchie sa kanya ka nalang humingi para libre" sabi ko at bumalik sa pagsasagot sa Arithmetic and Geometric Sequence na assignments ko.