Struggling to Survive the Undead 3 : To The Rescue.

33 1 0
                                    

-Mark-

Muntikan na akong makagat at maging isang halimaw na kumakain ng tao ngunit mabuti nalamang at binuksan ni Ashe ang bintana ng sasakyan at tinuhog ang ulo ng zombing kumapit sa akin. "Salamat!" sabi ko. "HEHEHEHEHE! May utang ka sakin ah?"Paalala ni Ashe. Sumakay na ako sa passenger's seat at pinaandar na ni Angelo ang sasakyan. Hindi namin napansin na napalibutan na pala kami ng mga zombie na ito ngunit hindi namin ito inalintana at pinagbubunggo lang ni Angelo ang mga ito, dahil sa pwersa ng pagkakabangga namin sa mga zombie ay nangadurog ang mga ito at kumalat ang dugo nila sa salamin ng kotse. Natakasan namin ang pagka corner ng sasakyan ngunit hinabol parin kami ng mga ito kaya binilisan nalang ni Angeloo ang takbo ng sasakyan at nagawa namin silang iwan. Bakas parin sa salamin ang mga dugo kaya binukas ni Angelo ang wiper. " San na tayo?" Tanong ni Angelo dahil siya ang driver. "Siguro hanap muna tayo ng ligtas na lugar." Sabi ni Eric. " Magandang idea nga!" Sabi ni Angelica. Dahil sa pagod ay nakatulog ang tatlo sa back seat. Medyo inaantok narin ako pero di dapat ako makatulog para may kapalit sa pag mamaneho si Angelo kung mapagod siya. " Sige Marky! tulog ka na! Kaya ko pa naman, gigisingin nalang kita." Sabi ni Angelo. "Salamat HA!" sabi ko. Nagumpisa na kong pumwesto sa pagtulog upang makabawi ng enerhiya sa pagod ko kanina.


-ANGELO-

Ilang oras din akong nag dadrive ng walang kausap, nainggit na tuloy ako sakanila sa himbing ng tulog nila. Nag drive pa ako ng nag drive kakahanap ng ligtas na lugar hanggang sa may napansin akong isang tindahan. Ang tindahan na may karatulang may nakasulat na "Guns for sale" naisip kong kahapon palang nagsimula itong pagkalat ng zombie virus kaya siguro kami ang una doon. Ginising ko sila upang ipaalam na nakita ko nga ang tindahan. "GUUUUUUYS!" Sigaw ko upang magising sila. Ang natutulog na si Eric ay napabulalas kaya kaming lahat ay nagulat sa kanya. "Ano ba naman yan Eric! di ka ba titigil sa mga kalokohan mo??" Sabi ni Ashe na painis. "Ayiee, ayan nanaman yung Tambalang Ashe at Eric, in short. Asheric!" Pamatchmaking na sambit ni Angelica. "YUUUUCCCCKKK!" sabay na reklamo ni Eric at ni Ashe. "HAHAHAHAHAHAHA" Kaming tatlo nila Angelica't Mark ay napahagikgik ng malakas dahil sa kwela nilang dalawa. "Oh siya!! May sinasabi ka kanina diba, Angelo?" Tanong ni Marky. "Ah, oo meron nga! May tindahan kasi, ayun oh. Nakasulat "Guns For Sale" baka marami ngang baril dun." sabi ko. "Ade pasukin natin" Agad na sagot ni Eric. " Kayo nalang muna baka may zombies pa riyan e, babantayan nalang muna namin itong sasakyan. He he he " Suhestyon ni Ashe na agad namang inapprobahan ni Angelica. "Sige! Basta sumigaw lang kayo pag may zombies na tas isara niyo yung mga bintana." Utos ni Marky.


-Mark-

Nagpaiwan na yung mga girls sa kotse kaya binilinan ko sila para magi rin silang ligtas, incase. HAHAHAHA! so ayon, nag lakad na kami papunta sa gun store na sinasabi ni Angelo. "Guys, Tahimik lang tayo baka may Zombie na pala riyan ah!" Paalala ko. "Aye ser!" Bulong ng dalawa.


-Eric-

Matapos kami pahalalahanan ni Marky ay unti unti kami pumasok sa Tindahan ng baril o kung ano man yun, Napakadilim dito kaya minabuti naming lagyan ng harang na bato ang pinto nito upang hindi ito sumara para pumasok ang liwanag. Unti unti kaming pumasok sa loob at nagobserba. Hindi malaki, hindi maliit ang tindahan, maraming baril ang nakalagak sa mga hilera ng mga patungan ng baril. "Swerte natin!" Napabulalas ako dahil sa dami ng baril sa harap namin. Bigla kaming may narinig na malalakas na ungol matapos kong sumigaw. "Shhh" Paalala ni Angelo. Tumango ako. Sumilip kami sa mga butas ng mga stante ng baril upang makita kung nasaan na ang mga hinihinala namin zombies. Unti unti namin silang naaninag na palapit saamin . sa magkabilang dulo ng mga stante ay na corner kami ng tatlong zombie. Agad kaming sinunggaban ng mga ito, kahit ganoon ang katawan nila ay tila malakas rin sila kaya nagka dikit dikit nalang kami habbang pinipigilan namin silang makagat kami.


-Ashe-

Napansin namin ni Angelica na tumatagal ata sila sa loob. "Kung kaya tignan na natin sila?" Suhestiyon ni Angelica. "Weh! Ayoko nga noh, may zombies kaya dun sa labas." pagkokontra ko. Tumagal na ng ilang minuto at di pa sila lumalabas. "Tara!! baka may nangyari na sa kanila!" Pangungulit nitong si Angela. Napa Oo nalang ako dahil na rin sa aking pag aalala ngunit may isang bagay na bumagabag sakin, papaano yung mga zombie sa labas. "Pano yung mga zombie!! nag sisilabasan na sila oh!" Sabi ko. "Ade gawin natin yung turo ni Marky! Tuhugin nalang natin sila sa ulo!" Sabi ni Angelica. Isinara na namin lahat ng pinto at mabilis kaming nagmupilit pumasok sa tindahang sinasabi nila, lahat ng mga zombies na nagtangkang sumunggab saamin ay kaagad naming tinusok ng aming mga sandata.Kaunti lang ang napatay namin ngunit sapat na ito upang magawa naming pumasok sa tindahan.


-Angelica-

Pinilit ko talaga si Ashe, buti nalang at di pa huli ang lahat kaya nakalusot pa kami dun sa mga zombies na yun, parami kasi silang parami kada minuto e. Pumasok kami sa loob ng tindahan, naku nasan na kaya sila. Nakita namin silang nacorner ng mga zombies sa isang space ng dalawang stante, agad akong kinabahan sa kanilang kinasasapitan at baka makagat sila at maging mga zombies. Makaligtas kaya sila o may makakagat?


Thankyou po sa pagbabasa. Please comment for suggestions and feedback, please kindly favorite my story. Sana tutukan niyo pa po ang susunod na chapter! thanks po :)


Struggling to Survive the Undead (Zombie Apocalypse in the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon