V e r s u s 8

137 7 1
                                    

HAPPY 5k READS!!!!!

PART ONE MUNA THEN 8.5 YUNG NEXT OKI? PAGTIISAN NIYO MUNA YUNG SHORT UD HEHEHE

THANK YOU FOR SUPPORTING THIS :---)

~*~

Zac's POV

"Si Sky." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila, malamang sino ba namang di magugulat kung bigla bigla mo na lang sasabihin na yung katext mo ay member ng karibal niyong school.

"SKY?! AS IN SKY ANDERSON?!"sigaw ni Kris sa akin.

Sa totoo lang nagsisinungaling ako, wala pa talaga akong clue kung sino yung katext ko, pero malakas ang pakiramdam kong si Sky yun.

"Joke." sabi ko sabay peace sign.

"Ay." sabay sabay nilang sabi. Oh anong nangyari? Parang nung nakaraan lang pinagawayan pa namin ang grupong yun, tapos ngayon, wth.

"Oh ba't parang nalugi kayo?" pangasar na tanong ko sa kanila. Ba't ba? Minsan ko lang maasar yang mga yan kaya lulubusin ko na harhar.

"Wala leche ka." sagot ni Charlie

"Tara na nga, punta tayong timezone!!" aya ni Kris

"Ano naman gagawin natin dun?" tanong ni Kert

"Maliligo. Maliligo tayo dun" sarcastic na sagot ni Charlie.

"Alam niyo tara na." awat ko sa dalawa

Naglaro kami ng naglaro. Para nga kaming mga bata hahaha but who cares?

Nag just dance kaming apat. Sinayaw namin yung Problem ni Ariana Grande. Nakakahiya lang kasi ang daming nanonood sa amin habang nagsasayaw.

Nung natapos yung kanta nakarinig kami ng palakpakan. Nagbow kami nila Charlie to thank them.

Pagkatapos namin sa Timezone napunta naman kami sa Toy Kingdom.

May nakain ata kaming pangpa-isip bata lol.

Naglibot libot kami sa Toy Kingdom. Nagpunta din kaming Comic Alley. Napadpad din kami sa Astroplus, Odyssey, at kung ano ano pang music stores na nagbebenta ng Albums.

Nang mapagod kami sa paglalakad nagpasya kami na magpahinga muna sa seaside tutal maaga pa naman.

"Ang saya pala no?" pangbabasag ni Kris sa katahimikan.

"Ng ano?" tanong ko sa kanya.

"Nang mamasyal kasama ang bestfriends mo :)" sagot naman niya. Di ko naman mapigilan ang mapangiti sa sagot niya.

"Sana magkakasama pa rin tayo hanggang college no?" sabi naman ni Kert.

"Anong hanggang college? Hanggang sa tumanda kamo." sabi naman ni Charlie.

Sana nga magkakasama tayo hindi ko na ata kayang mahiwalay sa inyo.

Bigla nanaman kaming tumahimik.

Binasag naman ni Kert ngayon ang katahimikan. "Pano kung hindi na tayo magkasama sa future?"

"Ano ka ba Kert! Wag mo ngang isipin yun! Hahayaan mo bang hindi tayo magkakasama?" sabi ko sa kanya.

"Syempre hindi! Ano ba yan ang drama natin! Tara na nga, pasok na ulit tayo sa mall."

Pagpasok namin sa mall dumiretso naman kami sa F21 alam niyo na, shopping.

May tig-5 bags ata kaming 4 puro dresses, shorts, crop tops, and the likes.

"Uy kain ulit tayooo." biglang sabi ni Kris

"Oo nga tara dali nagugutom na din ako eh." sagot naman ni Kert.

Habang papunta kami sa kakainan namin may napansin akong lalaking nakatingin sa akin.

Sa akin nga ba or nagaa-assume lang ako?

Tinignan ko ulit siya at ayun nakatingin nga siya sa akin. Shit ang gwapo niya, kaso ang creepy.

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Ang gwapo no?" sabi sa akin ni Charlie sabay kalabit.

"N-nino?" wtf bat nanginginig yung boses ko?

"Sus. Kunyari pa. Ganyan ka naman Zac eh."

"Aish. Yung lalaki ba? Oo gwapo kaso ang creepy." sagot ko sa kanya. Knowing Charlie, kokonsensiyahin ako niyan hangga't di ka nagkekwento.

"Creepy?" sabi niya habang nakataas yung isang kilay.

"Wala, nevermind."

"Ano nga-" naputol ang sasabihin ni Charlie dahil sa pagsingit ni Kris. "Ano diyan na lang kayo? Wala na kayong balak kumain?"

"Eto na boss." sabi namin ni Charlie sabay salute.

As usual, nagkwentuhan lang kami habang kumakain ng ramen. Tawanan lang ng tawanan. At nagaasaran dahil maanghang yung ramen kaya nakakatawa minsan yung mga mukha namin.

"Oy. Forever tayo ha?" sabi ni Kert.

"Oo naman." sabi ko. "Walang titibag ha?"

"Walang titibag :)" sagot nilang tatlo. Napangiti nanaman ako.

"Anobayan! Ang drama drama!" sabi ni Kris habang may tumutulong luha galing sa mata niya. Napatawa naman kami at nagpunas din ng luha. Punyeta ang drama nga, nakakahiya sa mga tao dito.

"Nga pala, daan tayong NBS."

Tinapos namin ang pagkain at umalis na din. Dumiretso kami agad sa National Bookstore.

~*~

Pagdating namin sa NBS nagkaron kami ng sari-sariling buhay.

Para akong tangang nagfafangirl over books kaya pinagtitinginan ako ng tao, pakealam ba nila?

I was looking for Keira Cass' The Selection Series because those books caught my attention. Tsaka balita ko ang ganda daw talaga nung story nun kaya eto ako ngayon sinipag na hanapin yung mga librong yun.

Nakita ko yung set ng libro but unfortunately, nasa pinakataas yun. How in the world am i suppose to get that? Sa height kong 'to? jusko walang pagasa.

Lumingon lingon ako dahil baka may makita akong staff or any tall person, at sa kasamaang palad lahat sila may sariling mundo. I guess i should do it on my own. Tumalon talon ako para makuha yung book

Nagvibrate ang cellphone ko kaya naman napatigil ako sa pagtalon.

Fr: S

You need help, Zac? :)

Teka pano niya nalaman na nahihirapan ako sa pagkuha ng libro? Wala naman akong maalalang sinabi ko sa kanya na magpupunta kami sa NBS. Shiz. This is creepy.

Aish! Stupid, Zac! Malamang nandito siya sa NBS! Pabo.

To: S

How did you know?

Fr: S

That's for me to know and for you to find out ;)

Di muna ako nagreply at nagfocus ako sa pagkuha nung mga libro. Feeling ko nga stretched na stretched na yung kamay ko.

I gave up. Di ko kayang kunin. Babalikan ko na lang.

I was about to go away until someone poked me from behind and when i turned around i saw him handing me the set of books.

"SKY???" i shouted.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

fangirls and fanboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon