Emmanuel pov.
Wala sa sarili akong naglakad palayo sa kanila. Wala ako sa huwisyo. Iyong eksena na iyon ang taging laman ng isip ko. Parang sirang plaka na pabalik-pabalik na lumilitaw sa isipan ko. Huli na ako. Masaya na siya at hindi na niya ako kailangan sa buhay niya. Ako lang itong habol ng habol at umaasang may babalikan pa.
Sa paglalakad ko sa book store ako napadpad. Para mawala sila sa isipan ko naghanap ako ng librong nakakaaliw na pwedeng basahin. Natigil ako sa hilira ng mga librong pang-romance. Na agaw ang atensiyon ko doon sa isang libro, biglang sumikdo ang puso ko ng mabasa ang title niyon. KInuha ko ang libro.
“MY RUTHLESS MAFIA HUSBAND.”
Basa ko sa title nito.
“A Novel Written by DM Montefalco.”
Nagsalubong ang kilay ko ng makita kung sino ang author niyon. Wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming author. O, baka hindi lang ako na-inform. O, baka ginamit niya lang ang apelyedong Montefalco.
Pinagsawalang bahala ko nalang kung sino ang author nito dahil sa libro ako interesado. Dahil nakabalot pa siya hindi ko siya mabuksan kaya ang sa likod ng libro nalang ang binasa ko. Napahawak ako sa istante ng mabasa ko ang unang nakasulat doon.
“How come na pangalan ko ang ginammit niya? Hindi lang pangalan dahil pati ang apelyedo at ibang impormasyon ko?”
Nalilito at nagtataka na usal ko. Hindi ko na binasa ang lahat ng nakasulat doon. Binayaran ko na iyon kaagad at nagmadaling umuwi sa bahay. Sino ang nangahas na gamitin ang pagkatao ko sa librong ginawa niya? Kung isa ito sa mga kamag-anak ko humanda siya dahil susunugin ko ang lahat ng libro niya sa harapan niya.
Dumiritso ako sa kUuwarto, umupo ako sa kama at sumandal ako sa headboard nito yakap ang unan ng asawa ko. Mariin akong napapikit ng bumalik sa aking isipan ang tagpo sa mall kanina. Ayos lang, makita lang kitang nakangiti at masaya kahit masakit tatanggapin ko na talo ako.
Nagsimula na akong magbasa at masabi kong magaling siyang writer. Hindi ako mahilig sa mga romance na kwento pero sa librong ito naaaliw ako at pakiramdam ko para akong nagbalik sa pagiging teenager.
“What the hell! Paano…paanong nagyari na pati ang unang tagpo namin ng asawa ko sa Shopping Mall ko ay naiulat niya? Coinsedense lang ba ‘to?”
Pinagpatuloy ko ang pagbasa hanggang sa na realize ko na ang kwentong ito, ito ang pinagdadaanan ng asawa ko sa kamay ko. Pinunasan ko ang luha na patuloy na kumakawala sa mata ko. HIndi ko namalayan napahikbi na pala ako dahil sa librong binabasa ko.
Hanggang sa matapos kong basahin ang libro panay ang iyak ko. Sa pagsisisi. Sa pagkadismaya ko sa aking sarili. Kaya pala nanghiram ng laptop ang asawa ko. Kaya pala lagi siyang nakatutok dito na kahit madaling araw ay kaharap niya ang laptop ko, iyon pala ito ang pinagkakaabalahan niya.
Noong minsan na nabutan ko siya akala ko may tinatago siya sa akin dahil bigla niyang isinara ang laptop na gamit niya. PInag-isipan ko siya ng masama not knowing na sa simula palang ako pala ang gusto niya.
Akala ko noong panahon na kasama ko siya busy siya sa lalaki niya iyon pala busy siya sa pagsusulat ng love story naming dalawa..her tragic love story.
Walang tigil ang pag-agos ng luha ko. Masakit sa dibdib ngunit may kaakibat na saya dahil nalaman ko na ako lang pala ang minahal niya at wala ng iba.
Ngayong nalaman ko na ang lahat ako naman ang umamin sa kanya. Kailangan kong sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko. Kailangan ko siyang harapin, kailangan ko siyang bawiin. At sana hindi pa huli ang lahat. Sana kaya niya pa akong tanggapin.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
General FictionR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...