DEBBIE MAE pov.
“Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap.”
Mahinahon na usal niya at inalalayan akong humiga sa kama. Wala kaming imikan kanina pa mula nang umalis kami sa bahay ni Alfred. Nakahawak lang siya sa kamay ko habang nagmamaneho hanggang sa makarating kami.
Sabi ko noon kapag nagkita kami ulit marami akong gustong itanong sa kanya, pero ngayon magkaharap na kami nawala lahat ang tanong sa isip ko na gusto kong sabihin sa kanya. Nang sinabi niya na mahal niya ako parang iyon ang sagot sa lahat ng mga katanungan ko.
Inayos niya ang kumot ko. Bigla siyang nailang dahil nakatitig ako sa kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin pero nanatili ang kamay niyang nasa kumot ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Miss na miss ko siya. Walang gabi na hindi ako nagdarasal na sana dumating ang araw na ito. Na babalikan niya ako. Na magkasama kaming muli kasama ang anak namin at marinig sa kanyang labi ang katagang I love you.
“Tulog na tayo,” ani ko.
Naglakad siya sa kabilang bahagi ng kama kung saan ang puwesto niya lagi. Humiga siya doon ngunit may agwat sa pagitan namin.
“Breath, Manuel. Baka isang malamig na bangkay kana bukas. Paano tayo makapag-usap niyan,” panggaya ko sa kanyang sinabi sa akin noon.
“Umusog ka dito, malaki ang kama.”
Natawa siya. ”Parang familiar sakin ang salita na ‘yan ah.”
Umusog siya, tumagilid siya ng higa at yumakap ang kamay niya sa baywang ko, nabigla ako roon kaya tumagilid rin ako ng higa paharap sa kanya. Antok na ako kaya pinikit ko na ang aking mata. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
“Good night, wife. I love you.”
_____________________
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
Pumupungas na tanong ko sa kanya ng magising ako mula sa mahimbing na pagtulog. Malamlam ang kanyang mata na nakatitig sa akin.
"I don't want to. Natatakot ako na baka panaginip lang 'to. Na baka paggising ko bukas wala ka na sa tabi ko."
Siniksik ko ang sarili ko sa kanya. Mahigpit niya akong niyakap hindi inalis ang tingin sa akin. Para akong maduling sa kakatitig sa kanya sa lapit ng mukha namin.
"Hindi ako aalis. Promise, paggising mo bukas nandito parin ako, sa tabi mo. Matulog kana. Tulog na tayo."
He kissed my forehead. Siniksik ko lalo ang mukha ko sa dibdib niya at mahigpit rin na yumakap sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala ang iniisip niya. Na baka paggising niya wala na ako sa tabi niya dahil sa ganitong paraan ko siya iniwan tatlong buwan ang nakaraan.
I’m home. Ganito ang naramdaman ko noon ng magising ako na yakap ako ni Emmanuel. Na kahit sinasaktan niya ako ramdam ko ligtas ako kapag siya ang kasama ko. Na kahit hindi niya ako kinakausap sa tuwing may pinagdadaanan ako ramdam ko ang kapayapaan makita lang siya sa tabi ko. Na kahit maraming problema ang dumating sa buhay ko pakiramdam ko dinadamayan niya ako kahit wala siyang ginagawa.
Alas diyes na ng umaga ng magising ako dahil sa gutom. Tulog parin si Emmanuel sa tabi ko, nakayakap parin sa akin. Gusto ko pa sanang mahiga at titigan ang kanyang mukha ngunit nagrereklamo na ang maliit na bata sa tiyan ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa baywang ko at pinalitan iyon ng unan.
Mabuti nalang at may stock siya ng pagkain. Habang nagluluto pinapapak ko ang stick-o na naroon. HIndi ko alam kung mahilig si Emmanuel dito o sinadya niyang bilhin para sa pagbalik ko.
“Wife.”
Nagulantang ako sa gulat ng marinig ang natataranta na boses ni Emmanuel na tinawag ako mula sa loob ng kwarto. Nahulog pa ang stick-o na hawak ko. Agad kong pinatay ang kalan at pinuntahan siya doon. Muntik pa siyang mahulog ng maabutan ko itong nagmadaling bumaba sa kama.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
Ficção GeralR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...