Tagahanga ng mga manunulat
Akda nila'y sakin nagpamulat
Upang umakda at sumulat
kahit sa talino ako'y salatKahit sa salinlahi hindi na uso
Hindi hadlang kung galing sa puso
husgahan man ng yamot na mga tao
Patuloy na ipapairal ugaling makataoAkoy naniniwala sa wika't kaniyang kapangyarihan
Marami satin ang hindi nakakakita ng kahalagahan
Napapansin ko sa wikang banyaga na ang basihan
Upang sukatin ang iyong sariling katalinuhanManunulat na ang armas ay papel at pluma
Na kahit sumulat ng isang daang tula
Ay hindi mauubusan ng salitang itutugma
Bawat ipapapaskil at ipapabasa sa madlaMga pyesa ay hindi kagandahan
Ang mahalaga ay nasasayahan sa mundo ng tulaan
Labis labis akong ginaganahan
Ng minsan ako'y hinangaan,Ako'y aminadong hindi pa bihasa
Ngunit pag ako'y kumatha ika'y mapapamangha
Nagsimula sa pagbabasa
Na ngayo'y isa naring magiting na makataSaan man ako dadalhin
Ano man ang letrang aking gamitin
Lalabas parin ang tunay na akin
Aking kakayahan na kayang gawinMinsan man akoy nakagawa ng mali
Karanasan sa buhay ay hindi madali
Patuloy at di magbabago ang aking gawi
Dahil ako'y binibining puno ng minimithi.