NAKATULALANG hinatid ni Darlene nang tanaw ang doktor na tumingin sa kan'ya. Palabas na ito kasama si Jaylord. Napahilamos din siya mayamaya gamit ang kamay, at sinabayan iyon ng mura.
Ano na ang gagawin niya? Paano kapag nalaman ni Blake na buntis siya tapos hindi ito ang ama?
Napasigaw siya sa sobrang inis sa sarili. Naguguluhan na siya. Hindi na niya alam ang gagawin. Paniguradong hihiwalayan siya ni Blake kapag nagkataon. Ngayon pa bang may Kendra na itong kinakatagpo?
Humahangos si Jaylord nang bumalik sa silid na iyon. Narinig nito marahil ang sigaw niyang pagkalakas.
"What happened?" nag-aalalang tanong nito.
"Buntis ako, Jay..." aniyang humagulhol na. Narinig naman nito kanina ang sinabi ng doktor pero binanggit niya pa rin "Hindi maaari..." Umiling-iling pa siya. "Hihiwalayan ako ni Blake kapag nalaman niya," mahinang sabi niya, pero dinig iyon ni Jay.
"So, anong plano mo?" seryosong tanong nito.
"Ano bang magandang gawin, Jay? Huh? Sabihin mo nga. Ipalaglag ko kaya? What do you think?" parang tangang tanong niya dito.
"Anong ipapalaglag? Hindi ako makakapayag!" Napapitlag siya nang biglang sumigaw ito.
"J-Jay..." aniyang napahawak sa dibdib.
Napapikit ito. "I'm sorry, baby. Hindi ako galit. Kontra lang talaga ako sa abortion. Hindi ka ba natatakot na gawin 'yon? Huh?"
"Then, tell me what to do, Jay! Ayokong hiwalayan ako ni Blake. Mahal ko siya, at hindi ko kayang mawala siya sa akin,"
Napakunot ito ng noo. "W-what do you mean? Hindi aakuin ni Blake ang batang nasa sinapupunan mo? But why?" Natigilan ito at pinakatitigan siya. "Don't tell me, hindi siya ang ama ng dinadala mo? Then, who?" seryosong tanong nito.
Hindi siya nakasagot kaagad. Alam niyang iniisip nitong madumi siya ngayon, dahil pumaptol siya sa kung sino. Tapos pumatol din siya dito. Marami na sigurong pumapasok sa isip nito.
"I-I was r-raped, Jay." Nahihirapan siyang banggitin ang salitang raped nang mga sandaling iyon. "A-at hindi ko alam kung sino ang gumahasa sa akin. Basta nagising na lang ako na nangyari ang hindi ko inaasahan," aniya sabay pikit. "At kaya ako umuwi ng Pilipinas dahil alam kong malaki ang posibilidad na mabubuo ang nangyari nang gabing iyon. G-gusto ko sanang ipaako kay Blake kung sakaling mabuntis nga ako dahil hindi ko nga kilala ang gumawa no'n sa akin." Napahagulhol siya matapos iyong sabihing.
"Oh, God..." Napapikit siya nang kabigin siya ni Jaylord. "I'm sorry... Sana pala hindi ko na natanong. Hindi ko alam na may mabigat kang pinagdadaanan."
"It's okay, Jay. Hindi mo naman sinasadya." Bumitaw siya dito pagkuwa'y suminghot-singhot.
Napatitig si Jay sa kan'ya mayamaya. "Ano kaya kung ipaako mo nga sa boyfriend mo ang nasa sinapupunan mo?"
"P-paano ko sasabihin, e, nakauwi na siya dito noon. At imposibleng hindi magbibilang 'yon kapag nagkataon."
"May nangyari ba sa inyo bago siya umuwi rito?" seryosong tanong nito.
Tumango siya kay Jaylord.
"Good. eh, 'di, ipaako mo sa kan'ya, kaysa ipalaglag mo 'yan, Darlene. Maraming may gusto ng anak, tapos ipapalaglag mo lang? God! Kung ayaw ng nobyo mo sa dinadala mo, eh 'di, ibigay mo sa akin. Hindi ko hihindian 'yan. Saka hindi ko maatim makita na pumatay ka ng walang kamuwang-muwang na bata, baby." Hindi siya nakaimik matapos nitong sabihin iyon.
May punto naman si Jaylord. Hindi rin naman talaga niya kayang pumatay ng bata. Kaya nga pinili niyang umuwi sa Pilipinas para makapag-isip din, hindi para patayin ang walang muwang na bata. Gaya sa unang plano niya, paakuin niya kay Blake ang nasa sinapupunan niya. At iyon na lang nga ang tanging paraan para masolusyunan ang problema niya.
BINABASA MO ANG
Dark Secret Series: Multibillionaire Obsession
Romance--WARNING! Not suitable for young readers(R-18)--- Blurb: Love at first. 'Yon ang unang naramdaman ni Jaylord Del Franco sa batang babae na siyam na taong gulang. Daisy-siyete lang siya ng una niyang makilala si Darlene Dixon. Kahit siya hindi niya...