Ang mga Pinoy ay bihasa sa pag-alalay sa mga nangangailangan. Dahil sa tayo ay nasa konteksto ng isang mahirap na bansa, ang pagtabang, pagtulong, o pag-alalay sa kaninumang may matinding pangangailangan ay isa sa pinakamagandang kaugaliang Pilipinong taglay pa ng marami Nag darasal ang mga katoliko upang maka alis na ang Espiritu sa purgetoryo at makapasok sila sa langit upang mag karoon sila ng buhay na walang hanggan.
Maging sa larangan ng mga buhay at sa larangan ng mga namatay o yumao, itong pag-alalay na ito ay hindi maikapagkakaila. Iyan ang dahilan kung bakit tuwing undas (undras sa amin sa Cavite), abalang-abala ang lahat, at balisang-balisa sa paghahanda, paglilinis, at pananatili sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na nauna na sa kanila. Taon-taon, ang puntod ay nakakatanggap ng “extreme makeover” – ng paglilinis at pagpipinta sa maraming pagkakataon.
Nguni’t sa diwa ng pananampalatayang Kristiyano, ang pag-alalay na ito ay may higit pang malalim na kahulugan. Ito ang diwa ng pag-aalay, ng pagkakaloob ng mga panalanging patungkol sa mga kaluluwa ng mga yumao. Bukod sa mga bulaklak na alay sa puntod, marami sa atin ang nag-aalay ng mga pamisa, at ng iba pang mga panalangin para sa kanilang ikaluluwalhati.
Ang lahat ng ito ay naghahatid sa atin sa isang higit na malawak na pagninilay tungkol sa kamatayan. Lahat tayo ay may angking takot sa pagkamatay. Marami sa atin ang sinasagian ng pangamba o takot kapag napag-uusapan ang pagkamatay. Maraming mga kultura sa ibang bansa, tulad ng America, na dahil sa sobrang pagpapahalaga sa pagkabata ay nakukublihan ang katotohanang ang buhay ay may wakas o hangganan. Ginagawa ng mga kulturang ito ang lahat upang itago ang kapaitan ng kamatayan.
Sa araw na ito, ang katotohanang ito ay hindi itinatago, bagkus, ipinagdiriwang. Ito ang kahulugan ng liturhiya – pagdiriwang, paggunita, at paghawak sa pangako ng hinaharap ng buhay ng tao. Ito ang maliwanag na sinasaad sa prepasyo ng patay. Sa pananampalatayang Kristiano, ang buhay ay hindi nagwawakas, kundi nagbabagong anyo lamang. Ang pagkamatay ay hindi siyang wakas ng buhay ng tao kundi daan patungo sa tunay na buhay.
Samakatuwid, ang kamatayan, ayon sa kristianong pagninilay, ay puno ng pangako, puno ng pag-asa. Kung gayon, ang mata ng pananampalatayang kristiyano ay iba ang nakikita sa karanasang makatao ng kamatayan.
Iyan marahil ang nasa likod ng kakaiba nating kasayahan sa araw ng mga patay. Puno ang mga sementeryo kahapon. Puno rin ng tila malinaw na pagdiriwang ang maraming tao. Halos piyesta ang dating sa maraming lugar sa buong bansa
Hindi lang iyon kung bakit mayroong pagdiriwang na ito ipinagdarasal din ng mga benediktong monghe ang mga patay at inutos din si Santo olido na dapat ipagdasal ang mga patay kamamatay lamang man o matagal nang patay. Hindi lamang ito ipinagdiriwang sa pilipinas kundi rin sa buong mundo. Maari itong naka rating sa pilipinas dahil sa mga impluwensya ng mga kastila noong naging alipin ang mga pilipino ng mga kastila. Totoong nagpapakita ito na hindi lang nakikiabot ang mga pilipino sa mga buhay kundi rin sa patay