Uumpisihan ko sa una , kung saan nalaman ko na gusto ko pala tong babaeng to , na may nararamdaman pala ako sa kanya . Alam kong wala akong pag asa sakanya na hanggang paghanga lang , oo totoo aaminin ko gusto ko syang maging tahanan ko , gusto ko sya yung maging pahingahan ko sa mga oras na pagod ako at gusto ko syang maging aken , na gustong gusto ko sya , pero pano? Naguguluhan ako! Umamin nako sakanya at nagkakausap naman kame , ok naman yung pakikitungo namin sa isa't isa pero pano ko sya tatanungin na gusto ko syang ligawan e hanggang kaibigan lang ang turing niya saken at may nagugustuhan na din syang iba. Takot ako , oo inaamin ko takot ako na mareject o mawalan ng kaibigan na baka sa susunod na araw di na kame magpansinan na baka di na niya'ko pansinen , at takot ako kase wala ako sa lebel ng gusto niya, oo di ako ganon ka gwapuhan na matitipuhan niya , pero bat ganon naguguluhan ako kung itutuloy ko paba o papalipasin ko nalang tong nararamdaman ko , gaya nga ng sabi nila nasa huli ang pag sisisi kaya sana sa oras na tatanungin ko na sya , na handa na'kong tanungin kung pwede ko ba syang ligawan sana di mawala pag kakaibigan namin. Babalik ako! Babalik ako pag nagawa ko nang tanungin sya. Sana! Sana nga gwapo nalang ako o "pogi" para magustuhan din niya, pero kaya koto! Na alam ko naman yung magiging resulta sa una palang kaya wala nang bago. Sana sa susunod ako na .....