May 11, 2020 3:37PM
I don't know where to start! Natambakan nanaman ako ng school works.
"Wow ysla, 18 missed outputs just because of that breakup?" Madi uttered while looking at my laptop.
We're currently in a coffee shop, kaya naman napatingin ako sa kanya ng mapalakas ang pagsasalita nya.
Alessandra Madi Sy, she's my bestfriend for a year but ahead ako sa kanya ng isang taon, she's taking BS Psychology while Im taking BS Nursing. Napaayos ako ng upo nang makitang naging seryoso ang expression nya.
"You're unbelievable, matalino kang tao and I know you too well. Pero napabayaan mo ang acads mo ng dahil lang sa isang ta-
she couldn't finish what she was going to say when I interrupted her.
"Mads I know, and you also know how fucked up I was" I paused
"Kaya ko namang matapos 'tong mga acts ko at nakikinig naman ako sayo. Don't worry ano ka ba kaya ko pang makapasok sa Latin honors no" I smiled a little to convince her.
Totoong nag-aalangan rin ako sa mga activities ko for now, at totoong goal ko rin na makapasok sa latin honors. Well, its only because of my parents lalo na si papa. Panganay ako sa magkakapatid, we're five actually at napepressure ako lalo pa't pati ang mga tiyahin ko eh nakikisawsaw sa problema naming dalawa ni papa.
"Hoy, ang layo nanaman ng iniisip mo kaloka ka!" Sigaw ni madi sabay tapik sa braso ko. I faked a smile when I saw her worried face. Kilala nga talaga ako nitong bruhang 'to.
"Sorry, alam mo namang when it comes to achievements nawawala na ulirat ko" Natawa ako sa sarili matapos kong sabihin 'yon.
Nanatili pa kami sa coffee shop ng ilang oras and as usual, napunta nanaman sa chikahan ang usapan. Matapos non ay nagpaalam na ako kay madi at napagpasyahang umuwi para tapusin ang mga dapat kong gawin.
Habang nasa jeep ay 'di ko maiwasang mapaisip nanaman.
Kumusta na kaya sya? Kumusta na rin kaya sila.
Gustuhin ko mang humingi ng pasensya sa kanila, hindi ko magawa. Iisang tao nalang ang meron ako ngayon, si madi. Dahil sa kagustuhan kong lumayo sa mga kaibigan ko na alam kong wala namang ibang kagustuhan kundi ang maging masaya ako.
Gusto ko ring magalit sa kanya dahil naging ganito ako. Natuto akong magtanim ng galit, natuto akong gumawa ng mga bagay na hindi ko naman ginagawa noon tulad ng pag-iinom, at gabi gabi akong umiiyak kakaisip kung bakit hindi nya ako nagawang pakinggan noong mga oras na sya ang pinaka-kailangan ko.
"Miss, paabot daw ng bayad" Kalmadong sabi ng lalaki sa tabi ko.
Hindi ko namalayan ang oras, mabuti nalang at malayo pa ang biyahe ko pauwi dahil kung hindi ay kung saan saan nanaman ako pumara dahil sa layo ng iniisip ko.
Kukunin ko na sana ang pinapaabot na bayad ng biglang ilihis ng lalaki ang braso nya at ipasuyo sa ale na nasa tapat ko.
Bastos 'to ah
"Siraulo" mahinang bulong ko na hindi ko inaasahang maririnig pa nya.
"Ikaw yung siraulo, kanina pa pinapaabot sayo yung bayad pero nakatulala ka lang" Iiling iling na aniya.
Sa sobrang ikli ng pasensya ko ay tinaasan ko sya ng kilay
"Ano bang pakialam mo" Saad ko sabay titig sa kabuuan ng mukha nya
I realized that he looks familiar, parang nakita ko na sya noon. Pero hindi ako nagpatinag sa inis na nararamdaman ko at inirapan nalang sya. Wala rin ako sa wisyo dahil balik disaster nanaman ang buhay ko pag uwi sa amin.
"Para ho" Walang emosyong sabi ko bago bumaba sa jeep. Narinig ko pang tinawag ako ng lalaking katabi ko kanina pero hindi ko na sya pinansin dahil wala rin naman akong pakialam. Baka dahil randomly ko lang syang nakita noon kaya familiar.
----
7:30PM na ng saktong makauwi ako dahil nilakad ko nalang simula kanina. I was about to change my clothes when I suddenly realized na hindi ko na suot ang bracelet ko. Alam kong suot ko 'yon pagpasok hanggang sa makauwi ako.
Hindi 'yon pwedeng mawala! 'yon nalang ang kaisa isang accessory na sinusuot ko dahil regalo 'yon sa'kin ni mama.
Nanlulumo akong napaupo habang sapo ang noo ko.
"Saan naman kaya napunta yon?" tanong ko sa sarili at nagsimulang maghalungkat sa mga gamit ko.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang antok at pagod kaya't napagdesisyonan kong matulog nalang matapos ang isang oras na paghahanap sa bracelet ko. Bukas ko na ulit 'yon hahanapin.
THEON'S POV
Sa sobrang layo ng iniisip ng babaeng 'to, hindi nya namalayang napigtas ang suot nyang bracelet at nahulog sa paanan ko.
I picked it up and was about to give it back to her when I saw how pale she is. Mukha syang kinulang ng isang litrong dugo sa putla at puti nya. Base sa uniform na suot nya, I can say that she's a nursing student.
Hinayaan ko na muna sya dahil mukhang malayo ang iniisip nya haha. Bagsak siguro sa exam 'to
Matapos ang ilang minuto ay pumara sya, indikasyon para maibalik ko ang bracelet nya. I shouted the word 'miss' to caugh her attention pero mukhang sinadya nya akong hindi pansinin at nagtuloy lang sa paglalakad hanggang sa umandar na ulit ang jeep at unti unti syang mawala sa paningin ko.
Tinitigan kong mabuti ang bracelet na hawak ko, It has a slanted Tulip flower design at the center, habang nagniningning naman sa kulay silver ang nakapalibot na gems.
May taste nga sa gamit, clumsy naman.
But when she stared at me a while ago with her eyebrows furrowed, saka ko lang nakilala kung sino sya. Ugali nya lang ang sa tingin ko nagbago but the way she stares deeply, she's still the 'ysla' I've known before.
"Solysla Rai"
YOU ARE READING
Safe place, midnight
RomanceSolysla Rai Dominguez, is not your typical College Student who struggles to focus and cope up with her social life. Well before, she's known for being the most cheerful and loveable girl, not until she experienced the harsh existence between love, f...