Chapter 5. Lunch

8 0 0
                                    

Elle's POV

Papunta kami sa KFC ngayon 10 minutes drive lang naman to from campus kapag may sasakyan 20minutes if commute 1 sakay lang ng jeep. Gamit namin si Asya (yung car ko) kaya di kami commute. 18 na din kasi ako kaya Dad let me drive on my own. Pero minsan si Mom nagaalala kaya pinapahatid pa din ako.

Nauna na yung dalawa pumasok para maghanap ng table. Habang ako nagpapark.

After ko mag park bumaba na din ako at sumunod na sa loob.

Dion's POV

Mabilis akong nag drive. Saktong pagdating namin sa KFC kakababa lang ni Elle sa sasakyan. Wow! Nagddrive pala siya? Another hahangaan na naman sakanya. Can't help it.

Pinagmasdan ko muna siya hanggang sa makapasok saka kami bumaba. Si John at Harry mas madalas kong kasama yung iba kasi namin kasama kanina may mga jowa kaya di ko na inaya.

Elle's POV

Kinawayan ako ni Joy at Ishi kung nasaan yung table. Buti naman medyo malayo sa mas madaming tao makakapagkwentuhan kami.

Joy: Elle, kayo na lang ni Ishi umorder. Yung bucket na para masarap kain natin.

Elle: Takaw today ah? *Sabay tawa ko*

Di alam ni Elle nandon na sila Dion, nadinig siyang tumawa. Nakatalikod kasi siya at dire diretso sa counter. Naiwan si Joy na nanlalaki mata kasi nakita si Dion na nakatitig kay Elle.

Elle's POV

"Babe,add ka ng mushroom soup ah?" Pahabol na sabi ko

"Hi miss. 1 bucket na 8pcs original, 6 rice, pa add na din ng 3 fries, 3 mushroom soup. Tapos Coke zero yung drinks." Dinig kong sabi ni Ishi.

"Babe, eto na gamitin mo. Cashless na lang" sabi ko sabay abot ng debit card ko.

"Wow generous mo ngayon ah? Nakakatakot yan eh. Last time na gumanyan ka......" So I cut her off

"Loka! Babayaran niyo pa din ako gusto ko mag coffee after class. Hahahaha alam niyo na ah?"

"Mukha kang kape" asar na sabi ni Ishi

"Ganda ko namang kape" pangaasar ko pa.

Biglang may nagsalita sa likod ko......


Dion's POV

"Ganda ko namang kape" sabi niya kay Ishi habang naghihintay ng order. Kaya nangiti ako. My woman really knows how to melt me. Yes MY woman. I am claiming her ngayon pa lang.

"Maganda ka naman talaga" sabi ko habang nasa likod nila ko. Kita ko kung paano sila natigilan at mukhang nagulat. Si Ishi ang unang nakabawi.

"ay hello Dion. Dito na din kayo maglunch?" Tanong ni Ishi.

"Oo dito na. Parang Masarap kasi kumain dito. May mga magaganda" nakangiting sabi ko.

"Ayy naku small things. Kahit na si Elle talaga tinutukoy mo" pang aasar ni Ishi.

Nakita ko medyo namula si Elle. Hmmmmmm 1 point Cortez!!!!

Elle's POV

Pagkadinig ko sa usapan ni Dion at Ishi gusto ko na lang bumalik agad sa table. Biglang nagsalita yung cashier.

"Miss Liana Ellice Velez?" Ayy yes po?  Sabi ko naman. "Pa password na lang po mam" sabi nung cashier at agad kong nilagay yung password.

Here po. Number 23 na lang po pahintay na lang sa pick up counter yung order.

"Sige po thank you po" sabi ko sabay hila kay Ishi.

"Dun na lang kayo mag table malapit samin. Hi harry!" Maarteng sabi ni Ishi

"Uhm excuse me medyo nakaharang kayo " sabi ko kela Dion kasi totoo naman"

Dion's POV

Takte ang sungit pala talaga.

Umorder na kami at naghintay na din. Nakita ko na din sila Elle sa table kaya sinadya ko na dun kami magpwesto. Habang naglalakad.....

"Harry. Mukhang type ka ni Ishi ah?" Pangaasar ni John.

"Okay lang. Type ko din naman siya" nakangiting sabi ni Harry.

"Ayyy wow tapos ako bet ko si Joy. Dion, bilisan mo naman galawin mo na yung baso baka maunahan ka pa namin"

Iiling iling ako sa kalokohan ng mga to habang papalapit sa table nung 3 girls.


Dion's mind: konti na lang my queen. Konti na lang.....









Hi mga BB!!!! Eto na malapit na talaga kayo mas kiligin.

Love,
Buttercup

Is it a Sin or Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon