"ANO bang gusto mong kainin?" masuyong tanong ni Jaylord nang lingunin si Darlene.
"Pasta. Kahit anong luto," aniya sabay upo sa magarang sofa nito.
"Right away, baby." Ngumiti ito sa kan'ya bago siya tinalikuran. Sinundan niya na lang ito na nakangiti.
Pansin niya, madali siyang mapangiti ni Jaylord. Parang ang tagal na nilang magkakilala. Komportable sila sa isa't-isa kapag magkasama. 'Hindi kaya nahuhulog siya sa charm nito?'
Ipinilig niya ang sarili sa isiping iyon. Kailan lang niya ito nakilala kaya imposible, si Blake ang mahal niya. At ang nangyayari sa kanila? Dala lang nang pagnanasa. No strings attached, just pure s*x.
Sabi nga niya dito kinabukasan pagkatapos nang unang may mangyari sa kanila, dahil sa ipinagbubuntis niya kaya tumataas ang libido niya.
Hindi pa ito nakakarating sa kusina nang tawagin niya ito bigla.
"Jay!"
"Yes, baby?" Napangiti na naman siya sa endearment nito.
"Do I look like a baby to you?"
Natawa ito nang mahina. "Why?" Nang mapagtanto nito ang ibig niyang sabihin ay natawa itong muli. "Oh, dahil sa endearment ko."
"Um, y-yeah."
"Ayaw mo ba?"
Matagal siya bago nakasagot. At mukhang naghihintay ito sa sagot niya.
"No. I love it. Napapangiti mo ako. And I thank you for that."
Imbes na magpatuloy ito sa paglalakad papuntang kusina, bumalik ito at kinabig nito ang batok niya sabay diin ng labi nito sa kan'ya.
Napapikit na lang siya nang magsimulang maging malikot ang dila nito. Hindi niya na napigilan ang sarili, yumakap siya sa leeg nito at tinugon niya ang mapupusok na halik nito.
Bago pa lumalim iyon, bumitiw na si Jaylord.
"Dahil sa sinabi mo, you're my baby now." Hinaplos nito ang pisngi niya. "My very sweet Darlene."
Napangiti na naman siya sa narinig. "Being with you tonight saved me from feeling lonely. Thank God I met you, Jay."
"Anything for my baby," nakangiting sambit nito. "Be my guest, please?" Tinuro nito ang kitchen kapagkuwan.
"Sure!"
Magkahawak ang kamay na tinungo nila ang kusina. Pinangko siya nito at pinaupo sa countertop ng lababo. Masuyong pinanood niya lang ito habang naghihiwa ng bacon para sa cheesy carbonara na sinasabi nito. 'Yon lang daw kasi ang stock nito na p'wedeng maluto. Medyo alangan pa nga ito dahil baka hindi niya magustuhan ang carbonara na lulutuin nito.
Imposibleng hindi niya magugustuhan, isa kaya 'yan sa paborito niya.
Nakangiting bumaling ito sa kan'ya mayamaya. Kakatapos lang nitong ihanda ang mga gagamitin. Nakasalang na rin ang pasta at hinihintay na lang na lumambot. Hindi naman komplikado magluto niyon. Inalok niya rin ang sarili dito na tutulong pero tumanggi lang ito, pagsisilbihan daw siya nito.
"Gutom na ba?"
Umiling siya rito. "My baby can wait. Okay?"
"Great. Pero ako..." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin dahil humakbang na ito palapit sa kan'ya. Pinaglandas nito ang hita niya at pumaloob doon.
"Ako nagugutom na. P'wede mo ba akong pakainin?" bulong nito na ikinainit niya. Hindi siya bata para hindi maintindihan ang sinasabi nito.
"J-Jay..." nauutal niyang sambit.
BINABASA MO ANG
Dark Secret Series: Multibillionaire Obsession
Romance--WARNING! Not suitable for young readers(R-18)--- Blurb: Love at first. 'Yon ang unang naramdaman ni Jaylord Del Franco sa batang babae na siyam na taong gulang. Daisy-siyete lang siya ng una niyang makilala si Darlene Dixon. Kahit siya hindi niya...