Chapter 38

2.3K 43 2
                                    

DEBBIE MAE pov.

“I read the book you wrote.”

Napa angat ang mukha ko sa gulat sa sinabi niya. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang yakap ang hubad kong katawan. Kakatapos lang namin mag-make out-I mean mag-make love. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko ng mapansing natulala ako.

“I didn’t know na isang writer pala ang asawa ko.”

Umiwas ako ng tingin dahil namumula ang pisngi ko, hindi ko alam kong dahil ba sa pagtawag niya sa akin na asawa o kung dahil sa paghalik niya sa ilong ko.

“Paano mo nalaman?” pabulong na tanong ko.

Umaayos siya ng upo saka dinampot ang damit niya at pinasuot iyon sa akin. May kinuha siyang notebook sa ibabaw ng mesa at inabot iyon sa akin. Nagtataka na tinanggap ko iyon at pinakatitigan.

“Honestly, hindi ko alam na ikaw pala ang owner no’n. Na agaw lang ng atensiyon ko ang title ng libro kaya tiningnan ko. Nagtaka pa nga ako kung bakit Montefalco ang apelyedo ng writer gayong wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming manunulat,” natatawa na aniya. "Since, nakabalot siya ng plastic hindi ko mabuksan kaya yung likod niya lang ang binasa ko, at lalo akong nagtaka kong bakit pati ang pangalan ko ay naroon kaya ayon binili ko dahil curios ako.”

Napasimangot siya ng matawa ako. Akala ko interesado siya sa mismong libro iyon pala dahil lang sa pangalan niyang naroon.

“Oh, tapos? Ano ang sunod na ginawa mo nang makita mo na naroon ang complete name mo?” nakangisi na tanong ko at sumandal sa headboard ng kama para makaharap sa kanya.

“Basahin mo nalang iyang notebook na bigay ko sayo,” tukoy niya rito.” Nang malaman ko na ikaw ang sumulat ng libro na iyon, naisip  ko kailangan mo ring malaman  ang lahat ng tungkol sa akin. Hindi ko kasi alam noon kung makita pa kita muli, maka-usap..kaya sinulat ko na lang para kahit papano maiabot ko parin iyan sa iyo.”

Itinabi ko ang notebook na bigay niya saka inabot ang dalawang kamay niya. Umusog siya palapit sa akin at malamlam ang mata na nakatingin sa akin.

“Ayoko basahin,” sumilay ang lungkot sa kanyang mukha. "Hindi ibig sabihin na wala na iyang halaga sa akin dahil lang sa ayaw ko siyang basahin. Ayaw ko siyang basahin dahil ayaw kong malaman kong gaano ka nasaktan, nahirapan sa sitwasyon natin noon,” emosyonal na saad ko. ”Malambot ako pagdating sayo, baka hindi ko kayanin kapag binasa ko.”

Hinalikan niya ang likod ng palad ko. ”I understand, wife.”

“Kung maari, kalimutan nalang natin? Masaya akong malaman na mahal mo rin ako, walang mapalagyan ang saya na naramdaman ko noong gabing pumunta ka sa bahay ni Alfred para bawiin ako,” maliit akong ngumit sa kanya. "Pero noong lumuhod ka at nagmaka-awa sa harap ko, parang piniraso ng pinong-pino ang puso ko.”

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Mahal na mahal ko ang lalaki na’to. Kahit anong hirap at sakit ang dinanas ko sa kamay niya ang puso nagsusumigaw at gusto paring umuwi sa kanya. Sa kanya parin ako naging payapa. SA kanya parin ako sasaya. Sa kanya parin ako uuwi at yakapin siya ng buong-buo kahit walang kapalit.

"Mahal kita,” halos pumiyok ako ng sambitin ko iyon. ”Mahal na mahal kita at sapat na sa akin na nandito ka sa tabi ko kasama ka.”

“Babawi ako. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Hangga’t magkasama tayo hindi ako mapapagod na bumawi sa lahat ng kasalan na ginawa ko sayo."

Bumuhos ang luha ko ng yakapin niya ako at pinugpog ng halik ang gilid ng ulo ko. Hindi lang ako ang nagmamahal sa aming dalawa kundi kaming dalawa mismo. We love each other ngunit pinili niyang itago iyon noon sa akin alang-alang sa aming lahat.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon