End

2.5K 54 4
                                    

EMMANUEL pov.

“Sandiego.”

Problemadong sambit ko sa pangalan niya ng sagutin niya ang tawag ko. Nag alala ako sa asawa ko at si Alfred lang ang alam ko na makasagot sa iniisip ko. Siya ang nakasama ni Debbie ng mahigit tatlong buwan kaya alam niya kung ano gagawin kapag ganito ang naramdaman ng asawa ko.

“Ano na naman problema, Montefalco?” pagalit na tanong niya at halata ang inis sa boses.

“Si Debbie kasi naghina pagkatapos magsuka ayaw naman niyang tumawag ako ng doktor.”

“GA ago. Malamang magsuka 'yan kasi buntis ang asawa mo! HIndi mo ba alam kung ano ang nangyayari sa isang buntis? I-google mo, tanga. Disturbo. Malapit na ako sa ruruk ng tagumpay tapos-hah! I-block ko kayong mag-asawa.”

“Ituloy mo nalang mamaya-,”

“My loves, saan ka pupunta?”

Rinig kong sambit niya sa kabilang linya. Bahagya kong inilayo ang telepono sa tainga ko ng makarinig na kaluskos doon at pagbagsak ng telopono ngunit hindi namatay ang tawag niya. Nagalit yata si Cecelia. Makaraan ang ilang minuto muli siyang nagsalita.

“Pakasalan mo kaya iyang asawa mo at ipagsigawan sa buong mundo nang sa ganon hindi na 'yan bad mood sa sunod. Distorbo! Ba-bye na. Sana nakatulong ako. Nabitin ako. My loves sandali lang.”

At namatay ang tawag. Napabuntong-hininga ako. Tama nga kaya ang sinabi ni Alfred na normal lang iyon sa buntis? Umupo ako sa sofa nag-research sa google tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa buntis ngunit sa ibang bagay napadpad ang tingin ko.

Bigla kong naalala na pangarap pala ni DEbbie ang pumunta sa Paris kung kaya pumayag siya sa dare ng mga kaibigan niya. Kaya naisip ko surprisahin na lang siya.

“Babe! Oh my god! Buti tumawag ka. Hindi ka na galit sakin? Bati na tayo?Pwede ko na bang maging friend si Debbie? Can I talk to her na?”

Nailayo ko ang selpon ko sa aking tainga sa tinis ng boses ng pinsan ko nang sagutin niya ang tawag ko .Pinigilan ko ang matawa.

“Nope. Saka lang tayo maging bati kapag natapos mo na ang ipagawa ko sayo.”

“Sure. Ano ba ang ipapagawa mo?”

“Ayosin mo ang papeles ni Debbie aalis kami ng bansa mamayang alas siyete ng gabi. At sagot mo na rin ang private plane na gagamitin namin.”

“Ang dali. Sure. Bye.”

Napailing nalang ako. Pumasok ako sa kwarto pagkatapos. Tulog na ang asawa ko. Pinigilan ko ang sarili ko na tangaking tumabi sa kanya sa kama, kailangan ko pang ihanda ang mga gamit na dadalhin namin. Inayos ko ang kumot niya at hinalikan siya sa noo bago gawin ang bagay na kailangan kong gawin.

Kaunting gamit lang ang dala ko, doon nalang kami bibili dahil wala na akong oras  kapag bibili pa ako dito. Pagsapit ng alas singko ng hapon nakatanggap ako ng text galing kay Babylen at sabi ayos na ang lahat at sa airport nalang siya maghihintay.

Tulog parin ang asawa ko kaya kailangan ko siyang gisingin, sana hindi siya bad mood. Hinaplos ko ang kanyang buhok at pinugpog ng halik sa mukha ngunit hindi effective, ayaw parin gumising. Bahagya kong niyugyog ang balikat niya. Ngumiti ako ng dahan-dahan niyang imulat ang kanyang mata.

“Gising na. May pupuntahan tayo.”

“Saan tayo pupunta?” pumupungas na tanong niya at ikinawit ang braso sa leeg ko.

“Paris.”

Saglit siyang natiglan, natulala na nakatitig sa mukha ko. Na alarma naman ako nang mabilis siyang umupo ng realize kung ano ang sinabi ko.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon