◉◉◉Kale's P.O.V
"Ano'ng ginagawa natin dito?" kunot-noong tanong ko habang hinahawi ang buhok na tumatakip sa mga mata ko dahil sa lakas ng hangin. Hindi ko napapansin, humahaba na rin pala ang buhok ko't nakakasagabal na.
"You said, gusto mong maglakad-lakad kaya dito kita dinala," sagot niya habang hawak hawak ang kamay ko. "Maganda nga eh. Maaga pa kaya hindi pa masiyadong mainit. We can take a walk here until eight."
Wala pa kasing alas-sais, nagising na ako. Kaya pagkakain namin ng agahan ay nabanggit kong maglakad lakad muna, eh hindi ko naman aakalain na may malapit palang dagat rito. Medyo mahangin rin kaya sakto lang, hindi naman ganoon kalamig. Mabuti at nakapagdala siya ng jacket, kahit papano may naisuot ako.
"Yeah," I agreed, holding his hand tight.
"What does it feel like to you when we hold each other's hand?" tanong niya bigla.
"I felt safe." Iyon ang unang pumasok sa isip ko.
Hindi ko siya narinig na sumagot. I looked at him and saw him secretly smiled. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad na parang hindi ko nakita iyon.
"Alam mo bang first time kong maglakad sa gilid ng dagat nang may ka-holding hands?" aniya ulit.
Hindi makapaniwalang nilingon ko siya. "Tss. 'Wag ako, uy!" nanunulis ang ngusong sabi ko. Well, kung ako ang tatanungin, magsisinungaling ako kung sasabihin kong meron na. May nakasama na akong maglakad sa tabing-dagat, pero hindi ko iyon jowa and hindi rin kami nag-holding hands. Wala lang. Kasama ko lang.
"It's true. Hinintay ko lang talaga ang pagkakataong 'to nang kasama ka."
Tinitigan ko siya. "Ang weird mo ngayon."
Tumigil siya sa paglalakad, kaya napatigil rin ako. He bent down and leaned against me. Halos manuyo ang lalamunan ko nang tumigil ang mukha niya sa harap ko, halos isang pulgada na lang ang pagitan.
"Right. I'm weird. What can you do about it?" he grinned.
Tinulak ko ang mukha niya gamit ang kamay ko. "Stop it. Umagang umaga," saway ko na ikinatawa niya.
Now we're sitting on the seashore, facing the not-so-calm sea.
"Actually, I have something to ask you," sabi niyang matamang napatitig sa akin. Kinabahan naman ako bigla dahil sa pagseseryoso niya out of the blue. "Hey, this is nothing serious, really. Huwag mo akong tingnan nang ganiyan," saway niya rin sa akin dahilan para mapahagikgik ako.
"Okay. Tell me about it."
"Huwag na nga lang," parang nagtatampong sabi niya.
"Huh? Bakit?" natatawang tanong ko. Hindi ko lang kasi ine-expect yung itsura niyang bigla-bigla siyang magseseryoso after nang ginawa niya kanina. Akala ko nanakawan na siya ng isang milyon.
"You're laughing at me."
"No! No. Of course not. Okay. Okay. I'll stop. So, what is it?"
Sa halip na sumagot ay tumitig lang siya sa akin. Iyan na naman siya. Pinigil ko ang sariling matawa.
"Are you free tomorrow morning? I mean, okay lang ba sa iyong bumiyahe bukas?"
Nagtaka naman ako sa tanong niyang iyon. "Bakit?"
"We're visiting your parents."
"Really?" That wasn't what I was expecting.
"Yes. Naisip ko lang kasi na kung puwede, tayo naman ang bumisita sa kanila. I wanna come over to your parent's house. Also, I want to meet your Mom. Hindi rin tayo masiyadong nakapag-usap ng Daddy mo."
BINABASA MO ANG
The Incubus' Heart - Short Story [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIf a lustful demon didn't have a heart to begin with, how could he ever fall in love? He is a vicious and lethal monster, to put it another way. ~•~ You can't believe everything you see. You are not surrounded by genuine people. Your knowledge is no...