┌─── ∘°❉°∘ ───┐
"Iyo na bang nabalitaan ang naganap sa hapag kainan ng mga kamahalan kaninang umaga?" Oras ngayon ng pamamahinga ng mga dama sa mga gawain nila sa palasyo. Nagtipon tipon ang mga ito upang ibahagi sa kanilang ibang kasamahan ang nasaksihan nila kanina sa hapag kainan ng mga kamahalan.
"Sadyang kay tabil ng dila ng anak ng malanding yumaong kapatid ng hari, si prinsesa Xiere! Hindi ko batid ang dahilan kung bakit sumasakit ang aking tinga kapag naririnig ang kanyang nakakarinding boses!" Nakakrus ang mga brasong sabi ng isa sa mga damang nakasaksi sa eskandalong nangyare kanina.
"Kupyang-kupya siya ng kanyang ina, malandi't kulang sa pansin." Dagdag ng kasamahan nilang kinakalas ang tirintas sa buhok. Silay mga damang matagal na ang paninilbihan sa kahariang Yopargo. Saksi sila sa paglaki ng mga yumaong kapatid ng hari sapagkat makikitang kaedad lamang nila ang mga ito. "Ang kanya segurong pagkalandi-landing boses ang naging dahilan ng pagkamatay n'ya! Ang rindi e!"
"Ayokong manghusga, lalo na't sila ang ating mga mahal na kamahalan. Ngunit sa inasta ng prinsesa Aghen, Xiere, at prinsipe Valiente kanina'y nag-asta silang mga paslit. Hindi ba't nasa hustong tanda na sila upang ang kanilang mga pag-uugali ay nalinang na?" Dagdag ng isa pang dama na nakarinig sakanilang pag-uusap at naisipang sumingit rin sa pinag-uusapan. Kahit na hindi naman nito tunay'ng nasaksihan ang eskandalo kanina ay nagsalita siyang parang alam ang nangyare. Subalit ang kanyang tinuran ay iyon rin naman ang katutuhanan, mga suwail ang mga ito.
"Hindi niyo naman ata napagnilayan na lumaking mga ulila ang mga mahal na kamahalan. Wala silang mga magulang, kaya lumaking mga bastos at iskandaloso! Mahabaging Panginoon! Ano na ang magaganap kung sakaling ang mga batang ito ang susunod na mamumuno sa dadarating na mga henerasyon?"
"Ngunit si prinsesa Aghen, tila'y may nagbago sakanya." Pagtukoy ng damang nag-umpisa ng usapan. "Mali. Tila'y bumalik ang kanyang pag-uugali noon." Pagbawi nya sakanyang tinuran. "Dati'y madalas na aktibo ang prinsesang iyon sa mga pagsusuri sa mga suliranin ng kahariang Yopargo. Minsan nga'y siya ang nakahanap ng sulosyon sa temporaryang pagtigil ng agos ng ilog sa kanlurang bahagi ng ating kaharian. Mamamatay seguro sa kakulangan sa tubig ang mga taga kanluran kung hindi lamang sa tulong ng matalas na pag-iisip ng prinsesa Aghen." Pagbabaliktanaw ng dama sa panahong limang taon na ang lumipas. Naalala ng iba ang tinuran ng kanilang kasamahan at nagtanguan nang maalala ang kahusayan ng prinsesa noong ito'y masiglahin at may kumpyansa pa sa sarili.
"Totoo. Tanda ko noong ang prinsesa Aghen ay isa sa mga mahuhusay na estudyante ng punong maestro. Tunay na tila ba'y ibang nilalang na ang sumanib sa prinsesa magmula noong hindi na siya nag pipresintang sumali sa kahit na anong pagpupulong ng mga kunseho kasama ang hari at reyna."
"Ngunit sa nangyareng eskandalo'y napag-alaman kong nagsalita raw ang prinsesa Aghen, hindi lang iyon, ito ay upang pangaralan ang dalawang nag-eeskandalong magpinsan. Kataka-taka gayong hindi naman n'ya iyong kadalasang ginagawa. Base sa kanyang matatamlay na kilos ay tila wala naman siyang balak na pakialaman ang mga nangyayare sa kanyang paligid. " Pagtatalakay ng mga dama sa nangyare.
YOU ARE READING
Nabagong Kapalaran | On Going
Fantasy- ❝ 𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒏𝒈𝒈𝒐𝒍 𝒏𝒂 𝒊𝒕𝒊𝒏𝒂𝒌𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒏𝒈𝒍𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒅𝒊𝒍𝒊𝒎𝒂𝒏, 𝒔𝒂𝒑𝒍𝒐𝒕 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒍𝒂𝒃 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒂; 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒂𝒌𝒊, 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒊𝒏𝒐 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒅𝒊𝒍𝒊...