Chapter 20. His Side

9 0 0
                                    

Dion's side

7 years ago. Nakilala ko yung babaeng nagpabago ng buhay ko. Kung dati lagi akong napapaaway (kaya nga ako nagtransfer eh) ngayon natutunan ko na magpigil. Sino ba naman hindi? Kung nakakita ka ng anghel na nakakatakot magalit. Kidding aside pero unang kita ko pa lang sakanya tinamaan na ko.

Ginawa ko lahat para mapansin niya. Buti na lang yung 2 sa naging kaibigan ko e type din yung 2 besties niya so pare parehas kami magbebenefit.

Tinulungan nila ako alamin full name niya at oo sikat nga siya. Kumbaga isa sa "campus crush" ilang beses din nakikita mga photos niya sa campus page.

Nung una ako nagpakilala sakanya kabado talaga ako. Sino ba naman kasi ako diba? Transferee na sinadya siya banggain para mapansin kaso nainis nga ata sya sakin. Di nga niya tinanggap nung nakipag shakehands ako.

Nag follow ako sakanya sa IG. Grabe dami niyang followers at talagang madami nagrereact at comments sakanya. Pati nga sa Facebook niya eh may mga lalaki na nagpapapansin.

Natawa ako sa reaction niya nung sinabi ko na iFollowback niya ko. Siguro nahiya siya ikaw ba naman pagtinginan. At ayun nga naka follow na siya sakin.

Nung kumain kami sa KFC sobrang saya ko kasi pinagtanggol niya kami dun sa maaangas na lumapit samin. Tapos first time ko siya nakita ngumiti sakin. Yung ngiti na di sarcastic ah?

Mas nahulog ako sakanya nun. Hanggang sa nag announce si Dean na gagawin kaming model sa department. Syempre madami nagulat kasi sino ba naman ako? Pero ang totoo niyan. Kinulit ko si Dean. Sa tulong na din ni Daddy kasi syempre medyo kilala din siya. Kaya napilitan ako magkwento agad sakanila. Then I sent them Elle's photo. Kilig na kilig nga daw si Mommy kaya magsend lang daw ako lagi. She's a goddess daw but no. She's a Queen. My one and only Queen.

Nung time na natorpe ako sobrang nainis ako sa sarili ko kasi ayun na yung pagkakataon eh. Nandon na ko.


Pakiramdam ko iniiwasan na niya ko. Naging sarcastic na din siya nung binati niya ko. Nasaktan ako dun. Kaya di ko napigilan. Napaamin ako at sinabi ko na gusto ko siyang ligawan.

Nakita ko kung paano siya nagulat at namula. Alam ko. Alam ko may pag-asa ako. Kasi sabi ni Ishi never naman yan nag entertain kahit as a friend.

Nagsimula na siya magtaray pero sa totoo lang mas naiinlove ako sa kanya habang tumatagal. Nakilala ko yung parents niya at kung sineswerte nga naman. Close yung parents namin. Kaya hindi mahirap makuha loob nila. Ganun din sa kay Daddy lalo na kay Mommy. Madalas nagiging bodyguard kami kasi madalas ayain ni Mommy si Tita Eliza at Elle. Lalo na nung naging kami na. Happiest day of my life talaga.  Kaming mga boys mga under. Pero lagi naman ako nilalambing ni Elle kaya okay lang. Tulad ng "sorry love. Alam ko dapat date natin pero alam mo naman sila. Mahirap kontrahin." Tapos yayakap lang sakin kaya wala tunaw na naman ako.

Yung mga sumunod na taon. Naging busy ako kasi naging varsity pero nasa priority ko pa din siya. Ganun din siya kaliwa't kanan yung competition. Meron pa nga yung pinadala siya sa Singapore para sa dessert competition. 3rd year na sila non kaya hectic na yung schedule. Medyo nagkakaron na kami ng away nun pero mas madalas naaayos naman agad.




Pero ang pinaka hindi ko makakalimutan yung mga araw na kailangan niya ko pero hindi ko siya pinili. Ilang beses siya nagbigay ng chance sakin nun kasi naniniwala siyang mahal ko siya. Mahal ko siya. Mahal na mahal.







But that fucking person made me ruined her. Yung babaeng mahal na mahal ko.





She's the worst sin of my life. That made me lose the love of my life...............

Is it a Sin or Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon