“Ganda ng dress mo, a!” Nakangising sabi ko kay Lalaine nang lumabas siya sa banyo suot ang yellow puff sleeve dress.
Umiinom ako ng kape dahil kagigising lang at iyon agad ang hinanap ng sikmura ko. Today is Sunday. Mamayang hapon kami magsisimba ni Nectarine. We slept so late kanina dahil nag-aral siya habang nag-review naman ako ng ituturo sa klase bukas.
Lalaine rolled her eyes. “Siyempre, ikaw nagbigay kaya maganda sa paningin mo!”
I frowned. “Bakit, hindi mo ba type?”
Iyon ang regalo ko sa kaniya noong 22nd birthday niya last year at ngayon lang niya sinuot kaya talagang namangha ako nang nakita dahil ako ang mismong pumili noon. Mukhang may lakad dahil nakaayos siya.
Tiningnan niya ang dress na above the knee, cute at nagmukha siyang teenager. Sabi ko naman na bagay ‘yon sa kaniya dahil fair ang complexion niya.
“Okay lang, hindi na masama.”
“Saan punta mo? Date with Santino?”
Namilog ang kaniyang mata. I rolled my eyes when I realized that she’s too readable. Sabagay, si Santino lang naman ang palagi niyang nakakasama. Magandang influence siya kay Lalaine.
“Bakit, kapag may date ka with your jowa, hindi naman kita pinapakialaman, a? Bakit kapag ako, ang dami mong sinasabi?”
Napangiwi ako. Drama! Nagtanong lang naman ako! Masama na ba ‘yon? Defensive agad. Inamba kong ihahagis sa kaniya ang mug na hawak ko.
“Ulol,” sabi ko.
Lalaine laughed. “Charot. Yup, siya kasama ko. Ikaw, hindi ka aalis?”
Pupunta ako ngayon kanila Nectarine to visit his parents. They’re there raw, according sa kaniya. Pagkaalis nga nila Lalaine ay naligo na rin ako at naghanda. Lunch time ako kukuhanin ni Nectarine sa apartment para sasabay na ako sa kanila mag-lunch.
Naiisip ko nga na masyado naman akong palamunin. Tuwing pumupunta sa kanila, lagi na lang akong nakikikain. Tapos ngayon ay mismong lunch time pa pupunta. Si Nectarine ang nagsabi, kaya anong magagawa ko?
White dress ang sinuot ko para mukha naman akong Santa Santita. Hindi ako humaharap sa magulang ni Nectarine na nakasuot ng usual short skirts at crop top or tight shirt ko. Lagi akong naka-dress, o kaya ay jeans at casual shirt.
Feeling ko kasi kapag haharap sa kanila, dapat formal-looking ako. Mom Monica is always wearing formal attire, too. Kahit nasa bahay lang siya. Si Nectarine lang naman ‘yong short shorts ang sinusuot kapag nasa bahay nila.
Nakipag-kwentuhan ako kay Mom sa garden pagkatapos kumain ng lunch. As usual, madaldal na naman siya at kung ano-ano ang kwento. Nakikinig lamang ako habang si Nectarine ay kasama ang dalawa niyang pusa. Nakakandong sila sa kaniya, si Cesme ay naglalaro sa kabilang banda ng upuan.
Hindi pa siya naliligo hanggang ngayon. Sinundo lang niya ako na ang suot ay sweater at short. Pero kahit na ganoon, hindi naman siya amoy higaan. In fact, his body perfume is nice.
Maya-maya ay tumayo siya at nilapitan ako. Mom automatically stopped talking when he sits down beside me. I feel a little awkward, especially when he brushes the tip of his nose into my shoulder.
“Do you want coffee?”
“H-hindi,” hirap kong tanggi.
His forehead tousled. “That’s not you. I’ll get you coffee.”
“I’m fine. I don’t want coffee at this hour.”
“Shantelle doesn’t want coffee right now. Don’t force him, Nessi,” Mom said.
BINABASA MO ANG
Later It Ends (Alimentation Series #3)
General FictionALIMENTATION SERIES #3 Broken family, a manipulative mother, guilt tripper sibling, criminal father, and a cheating boyfriend. Shantelle was so unfortunate to have those in her life. For all she knows, she was really unlucky. And even though her lon...