Chapter One

46 2 0
                                    

And they lived happily ever after...



"SHET YAN! May happily ever after pang nalalaman ang lecheng author na yan!" sambat ni Patty habang inihagis sakin pagkatapos naming basahin ang isang librong mala-fairytale ang storya.

"Grabe ka naman. Ang sweet kaya! Nagkatuluyan nga sina Shrek at Fiona eh!" sagot ko, halatang hindi pa naka-move on sa pagka-kilig-much ng kwento.

"Tsss. Sweet ka dyan! Sinasabi mo lang yan kasi hanggang ngayon naniniwala ka pang may HAPPILY EVER AFTER!"

"Oo, totoo namang may HAPPILY EVER AFTER ah! Hindi ka ba nagbabasa ng mga librong katulad nito?" tanong ko sa kanya habang pinakita ko ang librong hawak ko.

"Gabby, mga pantasya yan! Gawa-gawa lang yan ng mga pautong author, kaya matuto kang gumising sa riyalidad. " Sagot ni Patty.

"Che! Ang bitter mo talaga!"

"Hahahaha! Masanay ka na. Alam mo namang galit ako kay Mr. Kupido diba?"

"Hmph! Basta ako, hinding hindi ako susuko!" sabi ko with full confidence.

"Ayan ka na naman. Edi mag-wish ka na sana maging ogre ka katulad nina Shrek at Fiona para magkaroon ka na ng Happily Ever After mo! Tss!" suggest niya at inirapan ko nalang siya.

"Sige, maghihintay muna ako ng shooting star para makapag-wish ako. Thank you sa suggestion, Pat! I LAB YOU!" sarcastic kong sagot habang nakangiti parin at tumawa lang ang bitter kong bestfriend.


Ako nga pala si Gabriella Mendez o mas kilala bilang Gabby. Seventeen years old at nag-aaral sa Verona State University, isa sa pinakamasikat at pinakamagandang university dito sa Pilipinas. Kung tatanungin niyo ako kung paano ako nakapasok sa paaralang iyon, well to be honest, binayaran lang ng parents ko ang may-ari ng mahigit pa sa tuition fee ko  para lang makapasok ako. O sige na, aminado na akong hindi gaano kataas ang score ko sa entrance exam pero hindi naman ako bobo noh. Meron naman akong alam pero wala lang talaga akong gana—in short—tinatamad akong mag-aral nang mabuti. Bakit? Dahil alam kong wala namang pakialam ang mga magulang ko kung magiging top o bottom ako sa entrance exam namin. Ang paki lang nila ay makapag-aral ako at magkaroon ng magandang image para sa kapakanan ng pamilya at kompanya namin. Osya, skip muna natin yan. By the way, ako nga lang pala ang nag-iisang anak na babae ng mga Mendez at bunso rin. Apat kasi kaming magkakapatid at ang mga nakakatandang kapatid ko ay lahat mga lalaki; sina kuya Troy, kuya Tyler, at kuya Lei.  Si kuya Troy, 24 years old na yan at kahit hindi kami gaano ka-close, masasabi ko namang caring at maunawain siya. Pero so far lang, siya ang pinakamahirap na ma-approach ko sa mga kuya ko dahil siya lang naman ang pinaka-seryoso, pinaka-strikto, at pinaka-matinong kapatid na meron ako. Siya ang pinakamatanda sa amin eh at nandon siya sa America ngayon para tulungan si daddy sa negosyo. Si kuya Tyler naman, o mas kilala sa tawag namin sa kanya bilang "Ty" ay 21 years old at nag-aaral pa sa isang Culinary school. Balak kasi ng mokong yon na maging chef daw at judge sa Masterchef US kaya pagbigyan nalang. Malakas mangarap eh. Pero close rin naman kami ng lalaking yon. And last but not the least, si kuya Lei. 19 years old si kuya Lei at nag-aaral rin sa VSU o Verona State University kung saan ako nag-aaral ngayon. Siya ang pinaka-close kong kapatid, baka kasi magkasunod kami at medyo malayo ang gap namin kay kuya Troy at kuya Tyler. Pero bukod pa don, lagi rin kaming magkasundo sa kahit anong bagay. Ang pangarap ni kuya Lei ay maging sikat na singer at musician someday pero tutol ang mga parents namin dito kasi gusto nilang kumuha siya ng kursong makakatulong sa pag-unlad ng negosyo namin. O diba astig ang mga magulang namin? Si kuya Troy ay isa na ngayong businessman kasama si daddy. Si kuya Ty ay medyo swerte kasi pinayagan siya nina mommy at daddy na kumuha ng kursong gusto niya, pero in one condition—kailangan niyang gamitin ang kurso niya para tumayo ng sariling negosyo. At sa kasamaang palad, si kuya Lei ay kumuha nalang ng kursong Accounting at napilitang talikuran ang musika niya. Kahit na parati niyang sinasabi samin ni kuya Ty na okay lang siya ay nakikita parin namin na nasasaktan at nalulungkot ang loko. Kung tatanungin nyo kung ano ang takbo ng buhay ko, simple lang naman. Kumuha ako ng kursong Fashion Design sa VSU kasi iyon ang gusto ko. Walang pakialam ang mga magulang ko kung anong kursong kukunin ko kasi babae ako at sa tingin nila, sina kuya lang ang magpapatakbo ng negosyo namin nang MAAYOS. Edi wow. Mas masaya kaya yon kasi hindi ko na proproblemahin ang pagiging pakialamero at pakialamera nila sa buhay ko. Naawa nga ako sa mga kapatid ko eh kasi napipilitan, lalong lalo na si kuya Lei, pero palagi rin naman nilang sinasabi na wag na raw akong mag-alala. Osya, so much for that na, punta naman tayo sa kabilang chapter ng buhay ko. Meron akong best friend na napaka-bitter sa mga happy endings. Siya si Patricia Vega o mas kilala bilang "Patty". Magkasabay kaming lumaki kasi family friend ko rin siya pero palagi kaming hindi magkasundo halos sa lahat na ng bagay. Isa na sa mga yon ang paniniwala sa "happily ever after". Bitter kasi si Patty pagdating sa lovelife. Ang hinala ko lang ay baka dahil ito sa past niya. Meron siyang boyfriend noon kaso hindi sila nagtagal. Sobrang natamaan talaga si Patty sa kanya, kaya naman nagpauto, at nasaktan rin sa bandang huli. Plus, iniwan pa ang mama niya sa papa niya kaya naman parang isinumpa na ni Patty ang lahat ng mga lalaki sa mundo. Naiintindihan ko naman siya at ang laki ng galit niya sa mga boys pero hindi parin ako sumusukong tulungan ang nabigo kong bestie. Maganda naman si Patty, lalo na ang body figure niya! Sakto ang height, pang-Miss Universe ang katawan, napaka-kinis ng balat, matangos ang ilong, mahaba ang hair at with matching bangs pa. Kaya nga kapag dumadaan ang bruha ay halos nagdro-drool na ang mga boys at ako naman na kasama niya, nahihiya na rin kasi parang lumaho na ang kagandahan ko kumpara sa kanya. Hahahaha. Pero, malaking pero, walang kahit isang lalaking nagtagal sa pagdi-diskarte sa kanya kasi bumaback-out na kahit hindi pa nagsisimula. Eh pano naman kasi tong si Patricia, hinding hindi nagsa-smile sa mga tao na nakapaligid sa kanya, in short palaging nakasimangot, maliban nalang sakin. Truth to be told, kung hindi mo talaga kilala si Patty, kung titingnan mo lang siya, masasabi mo talagang suplada o masungit o parang leon maka-asta ang taong to. Hindi siya ngumingiti sa ibang tao at makipag-kuwentuhan sa kanila. Malaking excemption ako dahil nga bestfriends kami since childhood pa lang at ako lang ang nakakaalam kung bakit siya naging ganyan sa iba. Dahil sa kanyang lintek na ex-boyfriend na binola siya. Tsk, tsk, tsk. Bitter na kung bitter si bestie at nadamay pa ang mga lalaking may gusto sa kanya sa galit niya. Kagaya nito...

Happily Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon