15th Chapter

27 1 0
                                    

ASHLEY CARRACIO

Maaga akong nagising para pumasok sa school. Ngayon kasi kami gagawa ng letter sa magulang. Hm, ano kayang ilalagay ko don? Alam ko na lately nagiging close na kami ni Mama, nakakatuwa nga e kasi dati mag tetext pa ako kay Papa ng, 'Pa sandali a! Inuutusan kasi ako ng magaling mong Asawa!!' Tapos mahuhuli ni Mama.

Pero ngayon iba na, minsan nag o-open na ako sa kanya tapos sasabihan nya ako ng advice. Haaaaay life is getting better. Hm.

"Ma, alis na ko ha. Baka mamaya late na ako maka uwi. May pupuntahan pa kami ni Gabbie e."

"Okay, agahan mo ha."

"Huh? Diba nga malalate ako ma!" Reklamo ko kay Mama, ang gulo nya..

"Aagahan mo o hindi kita papa-galain?!"

"Oo na po. Bye!"

***

"Bes!!" Tawag sakin ni Gabbie.

"Oh? Kay aga-aga ang ingay ingay mo!!"

"May pag eexaman ka na for College?" Tanong nya, oo nga ano? Saan nga ba ako mag aaral?

"Wala pa e, ikaw ba bes?"

"Tara, sa BulSU. Sa Friday magpasa tayo form." Dun graduate ang Ate ko, Psychology student sya non e. Hm at ako gusto ko rin maging Psych.

"Bes ano course mong kukunin?" Tanong ko kay Gabbie habang nasa may bench kami.

"Psychology bes. Gusto kong malaman kung ano ano ang behavior ng tao e," sabi nya sabay subo nung banana bread kong dala. "Ikaw ba bes?"

"Ganon din gaya gaya kang babae ka e."

"Duh! Ako ang nauna don no." Sabi nya nang biglang sinubo sakin yung banana bread na pagka laki laki! "So brace yourself bes sa Friday."

"Bes mamaya nood tayo sa City land ng basketball?" Pag aaya ko kay Gabbie, "pretty please bes?"

"K. Sunduin mo ko. Mag lalaro din yata sila Rade?"

"Oo nga raw bes."

***

"Hanggang anong oras tayo dito bruha ka!"

"Bes ano ba?! Hindi pa nagsisimula no." Pag sagot ko kay Gabbie, atat na atat e. Hindi pa nga nag sisimula!

Nung pinakilala na yung mga mag lalaro napuno ng sigawan ang court. Lalo na nung lumabas si Rade.

Habang nag lalaro sila ganon pa rin, sobrang ingay!

"Go Baby Rade!" Nagpanting yung tenga ko sa narinig ko, sino sya para tawagin ng ganon si Rade?!

"Yssah Cervanda." Ani ni Gabbie, and then I gave her an Who-is-she look. "Kaibigan yan nila Janna bes. Dayo lang sya dito."

Hindi nya pala teritoryo nag mamagaling pa! Hm. I hate her na!

"Selos ka ba ha Ashley?" Then she grinned.

"Duh bes! Wag mo kong tignan ng ganyan ha. Hindi ako nag seselos. Tapos!"

Pag tapos nang Game nila nanalo sila Rade. Ang galing nya talaga with 45 points. Idol!! Nag aya si Rade na kumain kami sa Kubo-kubo, so Go naman ako. Syempre si Gabbie game yan, bukod sa pagkain kasama naman si Rade.

"Uh, Ash kasama sila Janna ha?" What?! Bat kasama yon? So it means kasama rin yung Yssah na 'yon?! No way..

Siniko ako ni Gabbie para sabihin na sumang ayon na lang ako..

"Okay, okay. No problem!!"

***

"Ang galing mo talaga kanina Rade." Puri ni Yssah kay Rade.

"Oo nga Rade e. Parang nainlove lalo ako sayo." Banat ko naman. Hah!

"Pft.. HAHAHAHAHAHAHA!" Agaw eksena talaga 'tong si Gabbie! "Sorry guys. Natawa lang talaga ako, uh-- sa naalala ko? Yeah, sa naalala ko kahapon." Palusot nya. Pero ang totoo natatawa sya samin ni Yssah.

Umorder kami ng Bulalo tapos rice. Dinner lang ayoko na ng Bbq e, sawa na. Hm!

Naging awkward kami dahil kanina at dahil kay Gabbie. Nakakahiya naman kila Chris at Ken. Mabilis kong tinapos yung pagkain ko, tapos nagpa alam na mag c-cr nalang ako.

"Haaaay Ashley. Ano ba 'yung sinabi mo kanina? Naiinlove ka?! Shit! Are you insane?!"

"Talagang mababaliw ka dyan! Kausapin daw ba ang sarili nya? Bes, are you insane?!"

Nakakagulat naman si Gabbie. Walanjo!! Hm, oo insane na talaga ako kasi hindi ko alam kung anong nang yayare sakin! Inlove na nga ba ako?

***

Pag dating ko sa bahay nakita ko na nag iinuman si Mama pati na yung mga kumare nya. Haaaay lagi nalang ba?

"Oh Ashley, nandyan ka na pala. Itong Mama mo kasi inaya kami. Malungkot daw sya!" Ani ni Tita Malyn, hm. Lagi naman e. Nakakainis si Mama.

Dali dali akong pumasok sa bahay at dumiretso sa kusina..

"Sabi na e. Meron pa!" Meron pang Empi dito, dumudukot talaga ako nito tapos iinumin ko. Hindi naman nag tataka si Mama kasi lasing na sya. Pumasok na ako sa kwarto ko at nag lock.

Bat parang kahalati pa lanh yung naiinom ko nagkaka tama na ako?! Hindi na siguro ako sanay. Pinapagalitan kasi ako ni Gabbie e.

*kriiiiing kriiiiiing kr--*

"Hello?!"

(Bes! Pinapaalala ko lang sayo ha. Bukas tayo pupunta ng BulSU. Yun lang bye.)

Tapos binabaan na ako ng luka. Ay oo nga pala noh. Hindi ko na inubos yung Empi baka magka tama pa ako e, bumaba ako tapos hinanap si Mama. Tapos na pala silang mag inuman.

"Ashley. Bat gising ka pa?" Tanong ni Mama. Pero naiinis talaga ako sa kanya. Hindi kasi 'to alam ni Papa.

"Ah ma bukas pala pupunta kami ni Gabbie sa BulSU. Hihingi ako pera." Diretsang sabi ko.

"Ano bang course ang kukuhanin mo?" Tanong ni Mama habang hinahanap yung wallet nya.

"Psychology." Walang gana kong sabi sa kanya. Tapos biglang dumating si Papa. Lumapit ako sa kanya at nag bless.

"Oh Ash, bakit gising ka pa?" Tanong ni Papa habang inaayos yung mga uwi nyang pagkain.

"Pa, bukas kasi pupunta kami ni Gabbie sa BulSU e. Nang hihingi ako kay Mama ng pera."

"Ah ganon ba? Ano naman bang course mong gusto?"

"Paychology po Pa!" Masigla kong sabi. Yes, as you cam see Papa's girl ako.

"Ay nako mag tigil na kayo dyan sa Psychology na yan ha. Nako! Baka mamaya e.."

"Papa!! Hindi po ako ganon. Kainis naman 'to!" Grr, pagkakamali lang ni Ate yon. Hindi sa course si Papa naman e.

"Haaaay osige sige. Eto pera wag mong ubusin yan ha, kung hindi uubusin ko yang buhok mo!" Binigyan nya ako ng 2k. Told you guys, hindi kami mayaman o ano.

"Thank you Papabells! Goodnight." Umakyat na ako sa taas at bukas maaga pa kami.

Pero bago ako makahiga nakita ko yung wallet ko na may naka ipit na papel. Huh? Kanino naman galing 'to?

'Thank you sa panonood Ashley. Dahil sayo kaya kami nanalo.' -Rade

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon