You want me, I want you, edi tayo na
"Love, curious kasi ako."
Curious sa? Curious saan?
"Like what?"
"Bakit mo 'ko sinagot agad?"
Napaisip ako bigla. Bakit nga ba...
"Well, Let's just say... Ayaw ko nang magpa bebe."
Natawa ako ng makita ang naguguluhan nyang mukha. Laughtrip.
"Relasyon ang pinapatagal, hindi panliligaw. Get's mo ba, Love?"
"Hindi masyado. Explain mo nga, Love."
I sighed.
"Okay ganito kasi yun. Logic. You want me, I want you, edi tayo na. Doon natin aalamin kung compatible ba tayo sa isa't isa. Kita mo naman Love, road to 4 years na tayo."
Napatango naman sya sa sinabi ko.
"At saka bakit mayroon pang panliligaw kung gusto naman nila yung isa't isa, diba? In this generation wala na talagang mala Maria Clara. Straight to the point na agad.
Love, sa tingin mo ba kung niligawan mo 'ko mga 1-2 years makikilala kaya natin yung isa't isa?"
Tanong ko sa kanya.
"Siguro hindi, kasi kung nililigawan kita noon mas mahihirapan akong kilalanin ka. Mayroon ka kasing mga ugali ma hindi mo pinapakita sa iba, na mismong ako lang yung nakakaalam ngayon.
Sang-ayon ako jan. Kahit nga minsan yung mga kaibigan ko hindi alam yung ibang ugali ko.
"Diba hindi? So my point here is wag nyo nang patagalin yung panliligaw kung maghihiwalay din naman! Charizzz.
Kung gusto nyo pala yung isa't isa, edi kayo na! Gusto ka niya, gusto mo sya, edi kayo na."
_________
Pero naka depende naman yan sa inyo kung sasagutin nyo agad o hindi. It's your own choice naman.
Kung ako ang tatanungin, for me lang talaga, Gusto ko pa din yung katulad noon, traditional. Old school type na panliligaw. Like, papadalhan ka ng mga love letters and flowers. Haharanahin ka. At iba. It's so sweet kaya and it hits diff yung kilig. I hope maibalik yun.
But, always REMEMBER that: Choose wisely. Don't settle for less. Make your standards high.
Love, Sincerely Yours
Jo_Sethieee
💕
YOU ARE READING
Standalone Stories
Novela JuvenilThis is a compilation of my Story, which is Short story, One shot perhaps. I started writing on the year of 2021. So, I gather all of my works here. This story is mix with Taglish and Bisaya stories. Beware po sa mga gramatical errors. I Hope you en...