Chapter 28 The Queen is Alive

23 0 0
                                    

Lyka Pov...

       Malaki na ang pinagbago ng mundo ng Avarlone simula nang mabuhay akong muli. Nagawa kong mapagkaisa  ang bawat uri ng nilalang sa mundong ito.

        Wala nang magkakatunggali, wala ng may nagkakakaiba-iba ng pananaw at mithiin at higit sa lahat ang bawat mga lahi ay sumumpang ipagtatanggol kahit anong oras ang kapayapaan at kaayusan sa mundo ng Avarlone.

         kitang kita mula dito pinaka mataas na tore ng palasyo kung saan nakatayo ako sa balkonahe, ang kalawakan ng lupain ng Avarlone.

       
       Sa hilagang bahagi ng kalupaan ng Avarlone makikita ang tore ng mga Ikiski. Ito ang nagsisilbing sentro ng  kaalaman at pananaliksik sa mga bagay na hindi pa natutuklasan ng mga taga Avarlone.

 
        

         Ikiski isang uri ng mga taong ibon na may mataas na kaalaman sa mahika. Kilala sila sa pagiging masigasig sa pagtuklas ng mga kaalaman. Hindi nakalilipad ang mga Ikiski bagkus ang paggapang nila sa ilalim ng lupa ang paraan nila upang maglakbay.

         Katuwang ni Wiseman ang mga Ikiski sa pagtaguyod ng akademya ng mahika. Malaking tulong ang pag gamit ng mahika upang mapaunlad ang agrikultura at mahikang pang depensa sa seguridad ng Avarlone.

         Noon ay tanging ang Crystal Tower lamang ang nag-iisang depensa ng aming kaharian. Gumagawa ito nang matibay na harang upang hadlangan ang mga nagtatangkang lusubin ang Emerald Kingdom.

         Sa kanang bahagi naman ng Avarlone matatagpuan ang dating Bundok na Bungo na pinagkukutaan ng mga Orcs. Ito'y tinagurian na ngayong Bundok ng Espada. Bihasa sa pag gawa ng mga armas ang lahi ng mga Orcs. Isang dating mahigpit na kalaban ang lahi ng mga Orcs dahil sa mahuhusay magpanday ang mga Orcs ng mga sandata.

          Nang magawa kong himukin makipag alyansa ang mga Orcs laban sa masamang salamangkero na si Black Phantom. Ang mga Orcs na ang nagsilbing taga gawa ng armas ng sandatahan ng Emerald Kingdom.

    

           Sa kanang bahagi naman matatagpuan ang Pugad ng mga Dragon. Dito nakatira ang mga Dragon Riders. Sa kanila ko iniaatas ang pagbabantay sa buong lupain ng Avarlone.

 
        Ang saya nang nararamdaman ko dahil matagumpay kong pamunuan ang aming kaharian. Pinalaganap ko ang komersiyo at pananalapi na dati lamang ay payak na pagpapalitan ng produkto. Nagpataw din ako ng buwis upang makapagpatayo ng mga tulay at daungan ng pantalan.

       Lahat ng natutunan ko sa mundo ng mga Mortal ay gusto kong maibahagi sa Avarlone. Nangangarap ako na magiging maunlad at progresibo ang Avarlone sa darating na panahon.

       May ngiti saking labi habang pinagmamasdan ko ang buong kalupaan ng Avarlone.

       "Tama ang nasa isip ko at dito lamang kita makikita kapatid kong reyna." Wika ni Nympha na hindi ko namalayan ang kanyang paglapit.

       "Masayang masaya ako pinagmamsdan na natutupad ang lahat ng mga panukala ko para sa Avarlone ." Tumayo ako saking tronong kinauupuan na lantay ng ginto at mga mamahaling bato gaya ng emerald, ruby at saphire.

       "Ipinagmamalaki kita kapatid ko. Noon pa ma'y nakikita ko na magiging isa kang mahusay na tagapamuno ng ating kaharian." Wika naman ni Mist na bigla na lamang lumitaw saming harapan.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon