EROPLANONG PAREL (1🥃)

26 0 0
                                    

Isang araw, ang dapat na kulay bahaghari na araw ay naging itim sa dalawang magkasintahan na si Callie at Mika. Araw ng kaarawan ng kanyang kasintahan na si Mika kaya't napagplanuhan niyang supresahin ang kanyang kasintahan sa araw na iyon. Niyaya niya itong kumain sa restaurant na kung saan sila unang nag date pero di alam ng kanyang kasintahan na itong ay araw na aalokin ni Callie si Mika ng kasal. Pinaghandaan ni Callie ang hapunan nito dahil hindi lang dahil may surpresa siya kundi kaarawan din ng kanyang minamahal na babae. Pinalagyan niya ng mga palamuti at mga rosas sa pwesto kung saan sila kakain ng hapunan. Ilang oras nakalipas, dumating na ang kanyang kasintahan. Makikita sa kanyang mukha na siya ay nagulat at natuwa dahil hindi niya ito inaasahan na pinaghandaan ng sobra ng kanyang kasintahan ang kanilang hapunan na akala niya'y simple lang ito. Di tumagal ay sinimulan na nila kumain at nang pagkatapos nilang kumain biglang tumayo si Callie.

"Aking binibini, pwede ba kitang isayaw?" at binigay ni Mika Ang kanyang kamay at sinimulan na nilang sumayaw.

"Aking binibini nagustuhan mo ba Ang aking surpresa para sayo? Maligayang kaarawan sayo aking binibini" masayang sabi ni Callie.

"Salamat at sobrang nagustuhan ko itong pinaghandaan mo para sa akin mahal kong ginoo" makikita niyo Ang kanilang masayang Mukha habang sinasabi nila Ang kanilang gusting sabihin para sa isa't Isa.

"Alam mo ba aking Mahal ang palamuti ng iyong Mukha at di ako magsasawang titigan yan araw-araw" bola ng kanyang kasintahan.

"Wag mo nga akong bolahin Mahal ko sapagkat hindi bagay sayo hahaha" biro ng kasintahan.

" Eh totoo Naman talaga na ang ganda ng iyong mukha aking binibini"

" Ay sus ang kyut mo talaga aking ginoo" sabi ni Mika habang kinukurot niya ang pisngi ng kanyang kasintahan at biglang huminto ang musika at biglang lumuhod ang kanyang kasintahan sa harap nya at may kinuha siyang maliit na kahon na kulay pula sa kanyang bulsa.

" Aking minamahal na binibini, alam kong madami tayong pinadaan sa buhay natin bilang magkasintahan ngunit ito ay nalagpasan natin na magkasama at sa limang taon na natin pagsasama, di mawawala ang pagplaplano natin para sa ating dalawa sa kasalukuyan. Isa sa pangarap natin ang magkaroon ng pamilya Hindi ba?, Ikasal sa simbahan at magsama ng habang buhay." Habang nagsasalita ang nobyo niya di mapigilan na hindi mapaluha sa hindi inaasahang na nangyayari.

"Ako si Callie Alvarez inaalok kita na maging ilaw ng ating magiging tahanan at ako naman ay maging haligi ng magiging tahanan nating dalawa at sa magiging anak natin. Ngayon ay tatanungin kita… pakasalan mo ba ako at maging asawa ko habang buhay?" Ngunit ang inaasahang na sana "Oo" ang sagot ng kasintahan…

"Ca-all mahal ko, gu-usto kitang pakasalan pero bago ako mag 'Oo' gusto ko na sab-bihin ko muna sayo itong dapat na malama-an m-o…" nauutal niyang sabi habang umiiyak at pinatayo niya muna ang nobyo bago sabihin ang gusto niyang sabihin sa kasintahan niya.

"Mahal, gusto kong maging masaya ang araw na ito pero kailangan mo tong malaman tungkol sa akin na tinatago ko sayo ng ilang araw na… Mahal may leuk-kemia ako sta-age 3…" ang masayang ngiti ng nobyo ay biglang napalitan ng lungkot at alala.

"Ang sabi ng doktor wala ng lunas Ang sakit na ito… CALL MAMATAY NA AKO" niyakap agad ng nobyo ang kanyang kasintahan para patahanin ang nobya. Wala na silang magawa at umiyak na lang yakap ang isa't Isa.

"Mahal ko hindi ka mamatay, may awa ang diyos Mahal ko…" sabi ng nobyo habang hinahaplos ang buhok ng kanyang kasintahan.

"Wag na nating patagalin to pakasal na tayo…" tumango ang kasintahan at nagyakapan ng mahigpit ang dalawa.

Makalipas ang limang buwan, sila ay kasal na pero ang kalagayan o sakit ni Mika ay mas lalong lumalala. Isang linggo na nasa hospital si Mika at ni Isang araw hindi iniwan ni Callie ang kanyang asawa sa hospital. Masakit man makita ang asawa na nasasaktan habang lumalaban sa sakit niya ngunit kailangan niyang maging matatag para sa asawa niya. Walang araw na hindi siya nagdadasal sa poong maykapal para sa asawa niya. Ang hiling niya sa diyos ay...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eroplanong Papel ( One Shot ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon