Chapter 11

190 6 0
                                    

***********

Eula's POV

"San ka pupunta?"

Mabilis akong napalingon sa likuran ko. Nakita kong nakatayo yung tinatawag nilang si Hanna.

"Ahh ,papasok na ko ate." sagot naman ng kaharap niyang babae. Nakatalikod siya kaya hindi ko siya mamukhaan.

Nagtago ako sa likod ng bulletin board na nakaharang sa pagitan ng hallway na kinatatayuan nila at pinagtataguan ko.

Ilang minuto na ang nakalipas ,hinintay ko na magsalita sila pero tahimik ang paligid. Unti unti akong sumilip sa kabilang hallway kung saan sila naroroon pero nakaalis na yata sila kanina pa.

Sabay sandig ko sa bulletin board at buntong hininga.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Ayy! Kabayong tuli!" napatayo ako at napahawak sa dibdib ng biglang sumulpot itong babaeng maldita.

Nakikipagtitigan siya sakin na akala mo lulusawin ako sa tingin ,napakunot noo lang ako ng ngumiti siya.

Ang labo nitong babaeng to.

"May ,hinahanap ka ba ,miss?"aniya sabay ngiti sakin ng nakakatakot.

Pinagmasdan ko siya ng maigi at hula ko ,masamang tao to ,hindi naman siya kokontrahin ni my labs kung good girl siya , kaya mag iisip ako ng paraan para makatakas.

"Wala! Ahh. . Napagtripan ako kaya ,ano . . Nakatulog ako dito. Hehe ,alis na me." lakad takbo ang ginawa ko at walang lingon likod.

Ng makapasok ako sa dorm ,tinakbo ko na ang mataas na hagdan patungo sa kwarto namin ni dyosa my labs.

Nasabi ko na bang dalawang floor ang dorm at sa 2nd floor kami? Oh nasabi ko na ,wag ka na magtanong pa.

Malapit na ko ng makasalubong ko si my labs na malalim pa yata sa pimple marks mo sa nukha ang pag iisip. Lalampasan niya sana ako ng higitin ko siya.

Para naman siyang nahimasmasan ng gawin ko yun.
Napatulala ako ng ngumiti siya sakin at inakbayan pa palabas ulit ng dorm.

Abot tenga ang ngiti ko ng hindi niya tinanggal ang pagkaka akbay ng nakalabas na kami sa dorm at ngayon ,nasa footwalk na patungong garden.

Taas noo akong ngumingiti sa mga kaechos mong froglets ,tinataasan ko sila ng kilay sabay ngiti ng bonggang bongga kapag napapansin ko o nakikita ko talaga na napapadako ang mga naiinggit nilang mga tingin sa kamay ni my labs na naka akbay parin sa balikat ko.

Unti unti ,kumukonti ang mga estudyanteng nadadaanan namin.

Kinuha ko naman ang kamay niyang nakaakbay at naka holding hands kaming lumalakad tungo sa poreber ,charot.

"You can go back ,if you want to ,ok?"

"Ok ,bwehuehuehue."


"T-teka lang my labs! S-san na tayo? Lampas na to sa blue zone ,papunta na to ng boundary ah?" sabi ko ng mapansin na liblib na parte na kami ng isla.

'Sana sinabi niya nalang na namiss niya ko ,pwede din naman sa dorm ah' sabi naman nitong mahiwagang pag iisip ko.

Bumontong hininga siya at tiningnan ako ng matalim.

"I told you to go back."sagot niya.

"Hano ako vovo? Hindi ako babalik no! Hang layo na kaya natin! " sinigawan ko siya pabalik at kumapit sa damit niya.

Ayoko ngang bumalik. Nakakatakot kaya dito.

"Then stop complaining" sabi niya at tumalikod at nagpatuloy sa paglakad. Hawak ko pa rin ang kamay niya gamit anfield kanang kamay ko at ang kaliwa naman ay nakakapit sa damit niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Dyosa Girl  [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon