September 30. It was a tiring day for me. From quizzes, recitation and prof na kung makasigaw kala mo nabili na yung pagkatao mo. 30 mins na kami naghihintay para sa jeep na sasakyan pauwi pero wala pa ding dumarating. Maingay ang paligid. Mula sa tawanan ng mga estudyante, ingay ng mga sasakyan at usok na talaga namang manunuot sa ilong mo.

"Dette?"

Napalingon ako nang tawagin ako ni Lia. Kaibigan at kaklase ko. We are taking Bachelor of Science in Accountancy. Second year na kami at di ko alam kung aabot pa ba sa third year.

" Ano yun?" Kunot noo ko siyang tiningnan. Halatang iritado na ko dahil walang masakyan. Naglalaro din sa isip ko ang mga assignment na gagawin at babasahin dahil may recitation na naman bukas. Watta life. Nakakapagod maging estudyante pero parang mas nakakapagod ang magcommute.

"Nagtext sakin si mommy. Dadaanan niya daw tayo. Sabi ko kasi walang masakyan. Sabay ka na sa'kin."

Nagliwanag ang muka ko nung marinig ang sinabi niya. Sa wakas makakauwi na din at siyempre makakalibre sa pamasahe.

" Oemgi. The best talaga si titaaaa. Makakauwi na din finallyyy." Tumaas ang pitch ng boses ko dahil sa tuwa. Natulak ko pa siya. Tinulak niya din ako. Walangya talaga.

Di nagtagal ay dumating din si Tita. Binati namin siya at nagreklamo si Lia dahil sa tagal naming paghihintay para makasakay. Napaisip ako kung maayos lang sana ang transportasyon sa bansang ito mas mapapadali sana ang lahat hayst.

Habang bumibiyahe ay nakapangalulumba ako sa bintana. Traffic. Di na bago ang traffic sa metro manila. Ang daming sasakyan. Madaming tao. Mukang balik na sa normal ang lahat mula nang maglockdown.

"Kamusta naman ang araw niyo?" Nilingon kami ni tita sa backseat. Napansin ko si Lia na nakatulog na kaya ako na lang ang sumagot.

" Okay naman po tita. Pagod lang po talaga." Ngumiti ako ng bahagya sa kanya habang patuloy naman siyang nagmaneho.

" Ganyan talaga ang estudyante. Pagbutihin niyo ang pag aaral niyo. Si Lia sinasabihan ko na mag aral mabuti. At may future CPA na ko." Tumawa si tita.

Napangiti na lang din ako. Expectations. Ito din ang dahila ng hinaing sakin ng kaibigan ko. Mataas ang expectation sa kanya ng magulang niya. Kaya di maiwasan na mapressure siya.

Di ko na namalayan ang biyahe. Malapit na kami sa bahay namin. Binagalan na ni tita ang takbo. Natanaw ko ang kapatid ko na nasa labas ng gate namin.

" O siya dito ka na pala iha. Nakatulog na si Lia."

" Thank you po tita. Mag iingat po kayo sa biyahe." Bumaba na ako at sinarado ang pinto ng kotse. Napatingin ako sa relo ko. 8:02 pm. Napapikit na lang ako. Kung di siguro kami sinundo ni tita baka mamaya pa kami nakauwi.

" Bakit ngayon ka lang? Ano ba yang muka mo ampangit." Sinalubong ako ng ulupong ko na kuya na nagddribble ng bola. Inirapan ko lang siya at pumasok na sa loob ng bahay.

Inabutan ko si mama na nagluluto ng hapunan habang nanonood naman ng TV si papa. Nagmano ako sa kanilang dalawa.

" O anak nandiyan ka na pala. Sandali na lang at maluluto na 'tong adobo."

" Sige po ma. Palit lang po muna ako damit ha. " Nginitian ko si mama. Ngumiti din naman siya. Nabawasan ang pagod na nararamdaman ko.

Pumasok ako sa kwarto at binagsak ang bag ko. Napapikit ako. Pagod ang katawan ko. Nahihilo na ko sa gutom pero mas lamang ang pagod. At higit sa lahat mas masakit ang puso ko.

Nagpalit na ko ng damit at nahiga sa kama. I feel betrayed. Fuck.

Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Traydor na puso to. Sinong mag aakala na iiyak ako dahil sa pag ibig? Ako na may pusong bato at madaming nireject na manliligaw.

Binuksan ko ang cellphone ko. Ang daming messages galing sa kanya. Kay Alex. The person that I love. Nagkakilala kami sa ml at inaya niya kong maglaro. Nung una wala lang sakin. Laro lang. Libangan. Pampaalis ng stress sa school. Hanggang mas nakilala ko siya.

Alex is like my soulmate. Iba siya. Sa dami ng nanligaw sa kin siya yung kakaiba. Di siya agad nagpakita ng motibo. We started as friends. Magaan at may sense siyang kausap. At higit sa lahat matalino. Engineering student. Magaling din mag english. Nung una wala akong balak na mafall sa kanya. Friends lang hanggat sa siya na ang nagpakita ng motibo.

Dumating yung araw na halos minu minuto na kami magkausap. Naglalaro. Nanonood ng movie sa gmeet. Everything was perfect. Unexpected. Nagsasabi siya na unahin ang pag aaral ko. Na wag ako puro cellphone. Iba sa mga manliligaw ko noon na puro landi ang alam.

Napabuntunghininga ako. Aaminin ko sa loob ng tatlong buwan na magkausap kami nahulog na ko sa kanya. Tingin ko siya din. We even throw pick up lines to each other. Family oriented din siya. Bagay na hinangaan ko.

Until kagabi, scratch, madaling araw pala umamin siya sakin.

I was shocked.

I don't know what to feel.

I feel betrayed.

4 am magkausap pa kami. May inamin siya na gumimbal sakin.

About his gender.

Na di talaga siya lalaki.

Nagtaka ako. Kasi nung magkausap kami boses lalaki naman siya. Nagsorry siya. Di niya daw ginusto. Naiyak ako. Di ko alam ang mararamdaman ko.

Nanghihinayang?

Nadissapoint?

Pero walang galit. Naiyak ako dahil may nararamdaman na din ako sa kanya. Na kahit nagsinungaling siya sakin inintindi ko pa din siya.

Natakot daw siya na baka magbago ang tingin at trato ko sa kanya. Naguguluhan ako. Di ko alam ang gagawin ko. Lutang ako kanina sa klase dahil sa nangyari.

Napatingin ako sa cellphone ko at binuksan ang latest na message niya sakin.

Claudette I know you're mad. Please talk to me. I can't lose you. I can give you time to think but please don't hate me. Di ko kaya.

Napapikit ako ng mariin.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clicked.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon