Come Back.

615 14 4
                                    

THIRDY

Birthday ngayon ni Kuya at naghanda siya para sa family, at close friends. Specifically, athletes, syempre.

Kakatapos lang magdinner ng lahat at ang iba ay nagsisimula nang magsiuwian. Dito daw matutulog ang AMBT at AMVT. Nakikitraining din kasi minsan si Kuya sa Volleyball Team ng Ateneo.

"Ang tagal niya naman." Sabi ni Kuya habang patingin tingin sa pinto.

Wala pa kasi ang girlfriend niyang si Ate Mika na ako naman talaga ang may crush. Hahaha. Biglang nagring ang phone ni Kuya at sa sobrang taranta niya ay na-loudspeaker niya to.

(Phone Call)

Mika: Babe, sorry late ako. Ako kasi ang nautusan ni Coach na sumundo sa isang rookie namin sa airport. Sorry talaga! Nakita ko nga si Marck dito e. Sabay na lang kami papunta dyan okay?
Kiefer: Oo sige okay lang. Nag alala lang ako kasi you should've been here an hour ago. Basta dadating ka ah? Ingat! I love you.
Mika: I love you too. Wait. Nakita ko na siya. Bbye!

(Call Ended)

Sweet talaga nilang dalawa. Hindi ako naiinggit ha. Pinupuna ko lang. Tumaas muna ako sa kwarto ko at nahiga dahil kapag naisipan nanaman ng mga yan na magpakahyper ay siguradong di nanaman ako makakatulog.

Napatingin ako sa bedside table ko at dun ko nakita ang picture namen ng babaeng pinakasalan ko na yata sa lahat ng marriage booth at niyaya araw araw na magpakasal kahit kunware lang.

Akala ko laro-larong bata lang pero when she left for Canada, don ko naramdaman ang sakit na mawala ang first love.

Nakatulog pala ako at paggising ko, 11 PM na. Maingay na den sa baba.

"Kuya kuya! Baba na tayo! Nandyan na sila Ate Mika." Sabi ni Dani sakin.

Bumangon na din ako. "Oo, susunod na."

Bumaba ako ng hagdan at dun ko nakita si Ate Mika. Weird ba? Hahaha. Mika, okay.

"Hi!" Sabi ko.

"Uy thirds!" Lumapit sya sakin at bumeso.

"Ganda ng white shoes naten ah! San mo nanakaw yan?" Pang-aasar ko sakanya.

"Inggit ka lang wala ka nito e!" Tumawa naman siya at nagloko akong aapakan ang shoes niya.

"Wag mong tatapakan!!!" Sabi niya.

"Thirdy!" Sigaw ni Mama na nakatingin pala samin.

Tumawa na lang ako at nag peace sign kay Mika.

"Bro! Pasensya late kami." Sabi ni Marck na kakapasok lang. Nag fist bump sila ni Kuya Kiefer.

"Bakit ba kasi ang tagal nyo at sino ang sinundo sa airport?" Sabi ni Kuya na parang nang-aasar na ngiti.

Bigla namang hinila ni Marck yung kaliwang kamay niya na may kahawak din pala. Sinabi niyang, "Siya oh."

At dun napatigil ako napatigil sa nakita ko.

Ka-holding hands ni Marck yung hinihintay ko ng pitong taon.

Si Kianna Dy.

- * - * - * -

KIANNA

Di ko inakala na sa bahay pala kami ng mga Ravena pupunta. Nung nagtama yung tingin namen ni Thirdy, agad agad siyang nagtatakbo pataas ng kwarto niya.

"Ate Kianna!!" Sigaw naman ni Dani at yumakap sakin.

"Dani! Namiss kita!" Sabi ko at yumakap na din sakanya.

Leave Your LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon