"Clarence! You made it." Sabi ni Wilmer ng nilapitan niya siya. "Kanina pa umiiyak girlfriend mo eh."
"Leave her alone, Wil." Sabi ni Clarence. Mukhang namumula na sa galit at gigil niya kay Wilmer.
Natatakot na si Natalie, "Clarence? Tulungan mo ako dito oh. Ang dami ko pang pangarap sa buhay." *sniff* *sniff*
"Just wait there, makakalaya ka din." Sagot ni Clarence.
"How sweet, pero bago yun, harapin mo muna ako." Sabi ni Wilmer ng nauna na niyang suntukin si Clarence sa mukha.
Nahulog siya sa sahig sa lakas ng suntok nito. Pero agad naman siyang tumayo at lumaban. "Go, Clarence, go!" Sigaw ni Natalie, mukhang nageenjoy sa pagpapanuod.
"Shut up." Sabi naman ng isang nagbabanay sakanya.
Sa last punch ni Wilmer ay hindi pumalag si Clarence kaya napahiga na naman siya at pumatong na ito si Wilmer sakanya at sinulit ang pambubugbog sakanya.
Tumulo ang dugo ni Clarence sa ilong nito at tinigilan siya ni Wilmer. Hinang hina si Clarence. Tapos na ba? Umalis na si Wilmer sakanya. "Wala ka pala eh." Sabi niya.
Sakit na sakit si Clarence sa mga bugbog ni Wilmer kaya hindi ito agad nakatayo.
Kinuha ni Wilmer si Natalie at tinulak papunta kay Clarence. "Aah!" Sabi ni Natalie, nasaktan ng hinulog siya.
"O-okay ka lang?" Tanong ni Clarence. Hirap rin siyang magsalita.
"Gusto ko ng umalis dito." Sabi ng umiiyak na Natalie.
"I'll.. I'll get you out of here." Pangako ni Clarence sakanya.
Sinipa naman ni Wilmer ang nakahiga pa din na Clarence sa likod. "Ano, okay na ba?" Niluhod naman niya ang isa niyang tuhod at bumulong kay Clarence. "Sa susunod kasi. Wag mo akong pakelaman sa gusto ko."
Pagkatapos nun ay umalis na siya kasama ang mga kasama nito.
***
Makalipas ng ilang oras ay nakauwi na si Clarence sakanila, kasama si Natalie. Nakaupo silang dalawa sa sofa ng si Natalie ay nagdala ng bowl plate na may tubig at ihinalo ng alcohol at maliit na twalya. Pinunasan ni Natalie ng dahan-dahan ang mga namamagang sugat ni Clarence.
"Aah!" Sabi ni Clarence, "ingatan mo please."
"Sorry, dahil sakin napahamak ka." Sabi ni Natalie.
"Hindi, ako dapat ang magsorry," sabi niya, "kasi akala nila girlfriend kita." Biglang natawa si Clarence ng napatigil si Natalie sa pag gagamot ng mukha niya.
"Bakit ka natatawa?" Tanong ni Natalie.
"Akala kasi nila girlfriend kita." Sagot ni Clarence.
"Sobra ba akong pangit para maging girlfriend mo?" Tanong ni Natalie. Imbes na kiligin dahil sa kasama niya si Clarence, nakaramdam tuloy siya na parang napahiya.
"No no, it's not that but.. Sorry. You're beautiful, honestly."
"Uhm, okay."
A moment of silence..
Naging awkward ang dalawa. What the fuck is wrong with me. She's so innocent and.. kind. Sa sobra nilang tahimik, nagisip nalang si Clarence sa kung ano pedeng itopic o itanong.
"Natalie," nagsimula siya, "can I ask you a question?"
"Oo, ano yun?" Sabi ni Natalie.
"What if there's this guy na you're so in love with, nalaman mong ginagamit ka niya. What will you feel? I mean.."
"Hmm? Ginagamit na ano?"
"Ginagamit. Example, ginawa ka niyang girlfriend pero hindi totoo ang feelings niya sayo tapos ikaw, umaasa. You know, he's using you." Kinakabahan si Clarence, "what will you do?"
"Of course I'll get hurt. Knowing that he's playing with you, or using you."
" . . . "
"Hindi mo ba alam ang feeling pag niloko ka lang ng taong mahal mo?" Nagtanong ng pabalik si Natalie.
"I.. I know how it feels." Sagot niya.
"Kapag nanyare siguro sakin yun," sabi niya habang patuloy niya parin ginagamot ang mga sugat ni Clarence sa mukha at katawan, "iiyak ako. All girls do that."
***
Monday, 11:03 am
Canteen, School"Ang lalim naman ng iniisip mo, Clarence." Sabi ni Adam habang tinitignan niya at ng iba pang tropa si Clarence.
Hindi nga rin niya nagagalaw ang pagkain na binili nito. "Huh? What are you talking about?" Tanong ni Clarence.
"Are you seriously asking that?" Tanong ni Mark, "are you inlove?"
"What? No." Papilit na tawa ni Clarence para hindi mahalata. "Pero..."
"I knew it!" Sabi ni Adam bigla.
Hinagis ni Clarence ang bola sakanya, "Shut up. Wala pa nga akong sinasabi eh." Sabi niya.
"Speak." Sabi ni Adam.
"Nagi-guilty kasi ako." Sabi ni Clarence, "habang ginagamutan niya mga sugat ko, nakikita ko sa mga mata niya yung kabaitan niya."
"She's inlove bro." Sabi ni Mark kay Adam.
"Really?" Tinaasan niya ang kilay niya sakanilang dalawa. "Imposible."
"You'll know."
Beep beep. Text message galing kay Natalie para kay Clarence. Biglang nakaramdam si Clarence ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Totoo ba ang sinasabi nilang inlove ako? Bakit naman ang bilis?
"Oh, sino yan?" Tanong ni Adam
"Natalie." Sagot ni Clarence
Nagsigawan ang magtropa sa kilig at pinaghahampas ng kamay kay Clarence.
Natalie
Okay ka na ba? :)Clarence
Oo, thank you :)Natalie
Next time ingatan mo ang sarili mo.Clarence
I will..Clarence
Just for you ;)