Lumapit si Mae sa kaibigan at niyakap niya. "Ano ka ba, joke lang yung sinabi ko! Ang ibig ko lang din sabihin, habang nag-aral ka ay wag ka lang magfocus sa work mo. Mag-enjoy ka rin. Huwag puro libro ang atupagin mo. Paminsan minsan, gaya nito, mag-enjoy ka!"
"Baka kapag nag-enjoy ako, baka hindi na ako makakabalik sa dating ako, gaya nangyari kay Yorry." tumingin siya kay Yorry.
"Magkaiba naman tayo! Idinamay mo pa ako, ah!"
"At kapag hindi ako makakabalik sa dating ako, pareho tayong babagsak nito, pareho tayong hindi makakapagtapos ng pag-aaral at pareho tayong babalik ulit next year. Gusto niyo ba yun?" Tumingin siya sa kaniyang mga kaibigan.
Tumahimik sila dahil wala silang maisagot sa sinabi ni Jade dahil totoo naman.
"By the way, it's 10 pm na. Wala ba kayo balak umuwi?" Tumayo siya at tumingin sa mga kaibigan.
"Ano ka ba, maaga pa yung 10!" sagot sa kaniya ni Yorry.
"Sa inyo ay maaga pa, pero sa akin ay hindi! Akin na nga ang pera, ang five thousand ko!"
Kinuha ni Yorry ang pera sa kaniyang wallet at binigay kay Jade.
Binilang niya pa ito. "Sige na, aalis na ako! Kayo naman, ayusin ninyo ang sarili ninyo. Magtapos muna kayo ng kolehiyo bago kayo magpabuntis!"
Napatawa nalang sila sa sinabi ng kanilang kaibigan.
"Ay naku, natutuwa talaga ako sa kaibigan natin!" sabi sa kaniya ni Mae.
"Sinabi mo pa." Kinuha nila ang baso ng alak at nag-cheer sa kalandean nila ng gabing iyon.
Alas tres na ng umaga nang sila ay lumabas sa loob ng bar.
Hindi sila nagpakalasing kaya nagkapaglakad pa sila ng maayos sa daanan.
Buti nalang ay mamayang hapon pa ang pasok ng dalawang.
"Friend. Mauna na ako sayo!" sigaw ni Yorry kay Mae.
"Oo, mag-iingat ka. Wag kang matulog sa bus o di kaya sa taxi!" Tumawa silang dalawa sa pagbibiro ni Mae.
Nakatira sa isang condominium si Yorry. Binili ito sa kaniya ng kaniyang sugar daddy. Tuwing linggo lang bumibisita ang lalake sa condo dahil busy sa kaniyang trabaho at pamilya.
Mag-isa nalang sa buhay ang dalaga. Wala na siyang pamilya o kamag-anak man lang na malalapitan. Mag-isa niyang binubuhay ang kaniyang sarili since third year high school.
Hindi niya nakilala ang kaniyang parents. Wala siyang alam kung buhay pa ba ito.
Dati siyang nakatira sa kaniyang kamag-anak ngunit siya ay pinalayas dahil sa isang pangyayari.
Binuksan niya ang pinto. Naglakad siya pupunta sa sofa. Doon na siya humiga sa sofa para matulog.
Tinatamad siyang pumunta sa kaniyang kwarto kaya sa sofa nalang siya natulog.
"Anong oras na ba? Matulog muna ako, mamaya pa naman ang aking pasok!"
Nakadaob siyang natulog sa kaniyang sofa.
Nagising si dahil sa paulit ulit na malakas na doorbell.
"Sino naman kaya ito? Ang ingay inay naman, inaantok pa ako!" pagrereklamo niya.
Magulo ang buhok nang naglakad siya papunta sa pinto.
Isa sa nagustuhan niya sa kaniyang bilyonaryong sugar daddy ay thoughtful ang lalakeng ito.
Kapag nandiyan lang siya sa condo, nagpapa-deliver siya ng foods bilang meryenda ng kaniyang girlfriend.
"Hello, ma'am! kayo po ba si ms. Yorry?" tanong nig pizza delivery boy.
BINABASA MO ANG
Earthly Desire (Rated 18+)
Ficción GeneralPara maging madali ang kaniyang pamumuhay at mabili niya ang kaniyang mga luho, beninta niya ang kaniyang katawan sa kung sino sinong lalake. Kung kani-kanino siya nakikipagtalik. Maraming lalake ang kaniyang tinikman at nakatikim sa kaniyang makini...